Chapter Six

211 7 1
                                    

Chapter Six

Iginalaw ko ang katawan pero naramdaman kong naninigas 'yon. What the heck? Dahan-dahan kong ibinuka ang mga mata ko at natagpuan ko ang sarili kong nasa--- wait. What the hell is this place?

Hinila ko ang kamay ko at nagtaka ako nang may narinig akong tumunog.

Nakakadena ang kamay at paa ko.

"Help! Help me!"

I want to get rid of the chain that's why I forced myself to stand up but it's useless. Ang nakikita ko lang ay maruming kwarto na may iba't ibang klaseng gamit na hindi ko naman alam kung ano ang tawag.

I even saw a lot of bruises on my legs. Tila natalisod o kagat ng mga insekto ang itsura non.

I don't know what happened. Hindi ko maalala ang nangyari kagabi. Sumasakit din ang ulo ko tuwing iniisip ko 'yon. I want to rest my eyes but napadilat ako nang bumukas nang malakas ang pintuan.

I saw a man wearing a black t-shirt and I think that he used a t-shirt too to cover his face.

"Who are you?"

Hindi siya sumagot sa sinabi ko at inilapag niya lang sa harapan ko ang isang pinggan na may kanin at hindi ko alam kung ano ang ulam na 'yon. It's like a fish with some red sauce? I don't know.

Akmang aalis na siya nang magsalita muli ako, "I said who the fuck are you?!"

Saglit siyang lumingon sa akin at nagsalita, "Huwag mo ako pagtaasan ng boses. Hindi ako bingi."

I raised my eyebrow from what he said. Kung ayaw niyong sigawan ko siya, dapat sagutin niya ako sa tanong na gusto ko malaman ang sagot! Lumapit siya sa akin at bahagya akong napaatras nang isang dangkal na lang ang layo ng mukha niya sa mukha ko.

"M-Move."

Hindi ko man nakikita ang buong mukha niya pero alam kong nakangisi siya ngayon dahil sa paniningkit ng kaniyang mata. What the hell is his problem?!

"Why am I here? Are you one of those crazy guys who's after my parents money?"

"Hindi."

Saglit akong napaisip dahil sa sinabi niya. Hindi pwede 'yon. Ang magtatangka lamang na gawin ito ay ang mga taong walang ibang iniisip kung hindi paano makakuha ng malaking pera sa madaling paraan. Why can't they just find a job? Why do they need to kidnap some random people?

"Idiot. Do you think that I would believe you?"

"Hindi."

Nainis ako dahil sa sinabi niya kaya pwersa kong hinila ang kadena sa kamay ko pero mas lalo lang akong nasaktan dahil sa malakas na epekto non. I looked at my hand. Bakat ang pagkakahila ko ng kadena.

"Huwag kang magaslaw. Kumain ka na, mag-uusap tayo mamaya."

"Let's talk now."

Tinitigan niya ako na para bang isa akong alien na nagsasalita. I know that this attitude of mine is wrong. Delikado ang buhay ko rito yet I still manage to talk back. Ayoko namang pahirapan niya ako ng wala akong ginagawa para maipagtanggol ang sarili ko!

"Bakit ba ang kulit mo?"

"If my Dad noticed that I'm not--"

"Dalawang araw kang tulog. Hanggang ngayon wala pa sa balitang hinahanap ka."

Napanganga ako dahil sa sinabi niya. Dalawang araw? That's insane! Nagpumiglas ako nang nagpumiglas pero wala iyong dulot na maganda sa sitwasyon ko ngayon. Mas nanghina ako dahil sa ginawa ko. Stupid, Savitri!

Kidnapper's PuppetWhere stories live. Discover now