Chapter Four

244 6 0
                                    

Chapter Four

"Anglo, halika nga rito."

Hindi ko pinansin ang sinabi ni mama at pinagpatuloy ko ang pagsisibak ng kahoy. Nandito ako ngayon sa likod ng bahay namin habang si mama ay nagluluto. Naubusan ng panggatong kaya nagsisibak ako ngayon.

"Anglo, tumingin ka sakin."

Nag-angat ako ng tingin at nakita kong salubong ang kilay ni mama. Pinunasan ko ang pawis na tumutulo sa sentido ko bago ako tumayo at hinarap ito, "Ano 'yon 'ma? Hindi pa ako tapos—"

"Itigil mo 'yang pinaplano mo. 'Wag kang magtanim ng galit sa—"

"'Ma naman, kita niyo ginawa nila kay Papa? Hindi siya makalad hanggang ngayon dahil sa pagpapahirap nila sa kaniya!"

"Alam ko... pero hindi 'to tama Anglo. 'Wag mo pag-aksayahan ng oras ang mga Khan."

"Sige na 'ma, magluto ka na ulit. Ako na maglalagay nito sa mga basket." Umupo ulit ako at inumpisahan nang magsibak ulit ng kahoy. Naramdaman ko na lang na umalis na si mama sa tabi ko kaya sinundan ko siya ng tingin. Pinupunasan niya ng towel si Papa habang kinakausap ito.

Napailing na lang ako.

Hinding-hindi ko mapapatawad ang mga Khan sa ginawa nila kay Papa. Naging trabahador si Papa ng mga Khan at pinagkatiwalaan siya nang lubos. Dahil sa inggit ng mga katrabaho ni Papa sa kaniya, siya ang sinumbong nitong nagnakaw ng materyales sa isa nalang shop.

Alam kong matalino ang amo ni Papa pero hindi ko alam na dahil lang sa sinabi ng ilan ay hindi na nito paniniwalaan ang tatay ko.

"Kuya, turuan mo naman po ako rito. Ano po ba dapat, bilog o kahon?"

Mabilis kong pinuntahan ang kapatid ko bago ito makalapit sa akin. Tinignan ko ang notebook na hawak niya at nag-isip kung ano ang dapat ilagay, "Kahon 'yan, Lily. Tandaan mo kapag may mga sulok hindi 'yon bilog, ha?"

"Okay Kuya, salamat po. Pwede po ba akong maglaro mamaya?"

"Oo, basta tapusin mo muna 'yang assignment mo."

"Thank you, Kuya!"

Niyakap naman ako ni Lily kaya napangiti ako. Mabilis siyang pumasok sa bahay namin at tinuloy ko na ang pagsibak. Anglo ang pangalan ko. Dapat Angelo 'yon kaso nung tinanong na si mama dati ng nurse na nag-asikaso sa kaniya nakalimutan niyang sabihin ang letter 'e'.

Ayos naman, maganda naman kinalabasan ng pangalan ko.

Sobrang layo ng bahay namin sa bayan kaya maganda ito para sa plano ko. Pinakadulo pa kase kami at nahaharangan kami ng mga malalaking bahay ng subdivision. Wala naman kaming kapitbahay. Ang mga kalaro ni Lily ay yung mga bata sa subdivision at naglalaro sila sa bakanteng lote.

Buti pa nga ang mga tao rito mababait sa amin kahit na mayaman sila. Kapag may tira silang ulam ay sa amin agad nila ito ibinibigay at hindi itinatapon.

"Jelo, sama ka mamaya?"

Lumingon ako sa nagsalita at nakita ko si Henry. Isa siya sa mga nakatira sa subdivision at kapatid niya si Stella na kaibigan naman ni Lily, "Anong oras ba pare?"

"4 PM as usual. You'll go?"

"Sunod nalang ako kapag wala na akong gagawin dito."

Tumango naman siya sa sinabi ko, "Layuan mo nalang si Bella kapag kinulit ka. Hahahaha."

Umiling nalang ako sa sinabi ni Henry at naramdaman kong umalis na siya. Si Bella ang isa pa niyang kapatid na hindi ako nilulubayan. Maganda naman siya. Hindi ko lang type.

Kidnapper's PuppetWhere stories live. Discover now