Chapter Seven

191 7 0
                                    

Chapter Seven

Kanina pa ako niyayaya ni Anglo pero hanggang ngayon ay nakatingin pa rin ako sa message na natanggap ko kanina lang. Nakakunot na ang noo niya sa akin na tila nawiwirduhan sa hindi ko paggalaw. He walked towards me and that's the time that I got my senses back.

"Problema mo?"

Umiling ako, "Just received a message. It's nothing."

Tumango lang siya sa sinabi ko at dahan-dahang naglakad papunta sa pintuan. Suot ko na rin ang damit na suot ko bago ako mawala para walang makaalam na Anglo took me here. Lumingon ulit siya sa akin at mas lalong kumunot ang noo niya nang hindi ako kumilos.

"Ano ba 'yan? Patingin nga."

Naglakad ulit siya palapit sa akin at hinablot ang cellphone sa kamay ko. My eyes begin to bulge. Is that even right? He took my cellphone without even asking for my permission!

"Hey, you could at least ask for-"

"Shhh."

Nilagay niya ang daliri niya sa bibig ko kaya natigil ako sa pagsasalita. Nang tapos na siyang basahin ay inabot niya rin agad sa akin ang cellphone ko, "Kilala mo 'yan?"

"Of course not. Kaya nga ako nagtataka at bakit niya alam ang number ko 'di ba?"

Tinalikuran niya ako at naglakad na ulit palabas. I decided to ignore the message. I think she likes Zach. Wala na akong magagawa roon. Alam ko namang hindi mangyayari ang sinasabi niya dahil alam kong mahal ako ni Zach. And I know that he will choose me over someone else. Una palang ay hindi na dapat pa siya pumili because I'm his fiancee.

"Suot mo 'to. Baka may makakilala sa'yo."

He handed me his hoodie. Even though that it's not original like the one that Zach have, it's still smells nice. I immediately wear his hoodie at sumunod nalang kung saan siya pupunta. I saw her mother waving her hand at me kaya ngumiti rin ako pabalik. I looked at the sky. Maliwanag na.

"Sakay na."

I nodded from what he said. Mabilis akong umupo katabi niya at nilagay ang seatbelt. Mahigpit ang hawak ko sa cellphone ko and I'm trying not to answer the message that I received a while ago. Imbis na sagutin iyon ay binaling ko nalang ang sarili sa pag tingin sa mga punong nadadaanan namin.

"Akala ko ipaparanas mo sa akin ang impyerno. You told me that when you kidnapped me, right?"

Saglit niya akong tinitigan at tumingin ulit sa daan. I thought wala siyang balak na sagutin iyon pero napanguso ako sa naging sagot niya, "I'm not a monster, Savitri. Panakot lang 'yon. Uto-uto ka ba?"

"You're so mean. Alam mo bang pwede kitang ipakulong kapag nakabalik ako sa bahay namin?"

I heard him laugh pero hindi ko na 'yon pinansin pa. He said that I'm uto-uto? That's absurd. Ni isang tao ay wala pang nakakapagsabi sa akin na ganoon ako!

"Medyo matatagalan tayo. Nagugutom ka ba?"

"Kinda but don't buy. I think kapag uwi ko nalang. Kaya ko namang tiisin."

Saglit niyang itinigil ang sasakyan nang may nadaanan siyang tindahan. Lumingon pa siya sa paligid ng sasakyan na tila ba may hinahanap. He looked at the backseat at doon ko nalaman na ang wallet niya pala ang hinahanap niya, "Hey, I said don't buy-"

"Tanga. Masamang nagpapalipas."

Lumabas na siya sa sasakyan at iniwan akong nakanganga. What the fuck? I'm trying not to be maluho na nga for today para yung perang ipambibili niya ng pagkain ko ay para sa pamilya niya nalang but he told me that I'm stupid? How dare he?! How dare you Anglo Del Rosario to say that?!

Kidnapper's PuppetDonde viven las historias. Descúbrelo ahora