Chapter Twenty Two

86 0 0
                                    

Chapter Twenty Two

Mike keeps on looking at me while driving. Hindi ko siya mapipigilan dahil sobra ang hagulgol ko sa loob ng sasakyan niya. Saglit ko palang na hindi nakikita si Anglo ay hindi ko na kaya. I chose this. Dapat lang ay handa ako sa magiging consequences ng ginawa kong 'to.

"Could you please stop crying, Savitri? Ano bang nangyari? Bakit mo ako hinila paalis sa hospital and worst dala-dala mo na 'yang maleta mo?"

Hindi na ako nag-abala pang sagutin siya dahil alam kong hahaba lang ang usapan naming dalawa. I opened my phone and I saw a lot of missed call from Anglo and... Zach.

I forgot about him. He's still my fiancé kahit na hindi niya alam na alam kong mayroon siyang ibang babae.

Taka ko siyang tinitigan nang mapagtanto kong hindi kami sa condo niya pupunta. I looked at him and I saw the smirk on his face, "What are we doing here?"

Papunta kaming NAIA at hindi ko alam kung ano ang balak ni Mike. He keeps on smiling na mas lalo pang nakapagpairita sa akin. Akmang bubuksan ko na ang pintuan ng kotse niya nang mabilis niyang hinawakan ang kamay ko.

"Ohh, easy there. May susunduin lang tayo."

"Si Queny?"

He looked at me before answering, "Nope."

Tumigil kami sa isang lugar at umabot ng sampung minuto bago mayroong babaeng kumatok sa windshield ng kotse niya sa gawi ko. Saglit ko iyong nilingon pero hindi na nag-abala pang tignan kung sino ang taong kumatok. I'm thinking about Anglo, kung ano ang ginagawa niya ngayon kaya wala akong panahong pumansin ng ibang bagay.

Mike casually open the door at nabaling lang ang atensiyon ko nang bumukas ang pintuan ng backseat.

"Namaste, Savitri!"

Nanlaki ang mata ko sa nakita ko, "Mishka!"

Mabilis akong lumipat ng pwesto sa backseat at niyakap ito. I don't know why she's here but one thing is for sure, I really missed her. Sobrang tagal na nung huling kita namin and I'm not aware na pupunta siya rito ngayon.

"Hey, get off me. It's super hot in here kaya 'wag mo akong yakapin."

Sumimangot ako sa sinabi niya bago masamang tinitigan si Mike at binatukan, "Why you didn't tell me?!"

"Because you didn't ask me?"

"Stupid."

Hindi ko na lamang pinansin si Mike at muling niyakap si Mishka. She's a year older than me pero kahit na ganoon ay komportable pa rin ako sa kaniya. Hindi na ako nag-abala pang bumalik sa pwesto ko kung kaya'y nakangiwi si Mike habang nag-dadrive siya. Kung titignan kasi ay parang driver namin siya.

"So, how's India? I didn't know that you're coming, what's the catch?"

She just rolled her eyes before looking at Mike, "I'm going to surprise you nga, I emailed Mike last month to pick me up pero hindi ko alam na kasama ka pala niya."

She's half Filipino too that's why she's a little bit fluent when speaking Tagalog. Nagkakilala lang talaga kaming dalawa sa India and when we found out that we're both Filipino, we eventually became friends.

Bigla siyang humarap sa akin at kitang-kita ko ang ngisi sa kaniyang labi, "So, how's your relationship with Zachary?"

"He cheated on me, Mishka."

"What?!"

Napatingin din sa amin si Mike nang biglang sumigaw si Mishka, "Could you please lower down your voice? Masakit sa tenga."

Kidnapper's PuppetWhere stories live. Discover now