Chapter Twenty Six

75 1 0
                                    

Chapter Twenty Six

"You've only been here for two years, Savitri. When you were in the Philippines, you kept on saying that you wanted to handle Savi. Why are you going home so soon?"

Matamlay kong tinignan si Mommy bago inayos ang mga damit ko na ilalagay ko sa maleta ko. Honestly, hindi ko rin alam bakit ako nagdesisyon agad. I know that I have no rights to be jealous but I can't help it!

I still love him. I still do. Pero hindi ko alam kung mababalik pa ba sa dati ang relasyon namin gayong ako naman ang may kasalanan?

I want him back. Selfish mang pakinggan pero gusto kong sa akin lang ang atensiyon ni Anglo. Magaan ang loob ko kay Sylvaine nang ipakilala siya sa akin ni Mishka noon but now after knowing na may something sa kanila ni Anglo ay parang naghuhurumentado sa galit ang puso ko.

"I... just need to handle some things, Mom. Uuwi rin po agad ako 'pag naayos ko na. I'll let Naya handle Savi po muna." Narinig ko ang buntong hininga ng nanay ko pero pinagsawalang bahala ko na lamang iyon.

Patuloy lang ako sa pag-aayos ng gamit ko nang may bigla akong naalala, "Uh, mom, about Tito Noel... can I ask something?"

Saglit akong nilingon ni Mom at tumango lang sa akin, "What about Noel?"

"He's been dead for a long time, why didn't you tell me?"

Kumunot ang kaniyang nok pagkatapos ko iyong sabihin, "Didn't Mike tell you? He told me na siya nalang ang magsasabi sayo last year when me and your dad were busy handling our shop in Singapore."

Hindi ko pinahalatang nagulat ako sa sinabi ni Mom. Bakit hindi sinabi sa akin ni Mike?

"Uh, f-forgot about that thing. He told me pala." Tumango lang si Mom sa sinabi ko at tinulungan akong mag-ayos ng damit ko.

I can't stop myself from stalking Anglo's account after reading his reply. Iyon lang naman ang post niya tungkol kay Sylvaine pero hindi mapakali ang isip ko. I think there's more but I don't know kung ano ang hinahanap ko. Wala akong karapatang maging ganito pero nagseselos ako.

Stupid me.

Dapat ay hindi na ako nakikialam pa!

Kaso sino naman ang susundo sa akin sa airport? I don't know Mike's social media accounts! I don't have his number either. Kung kay Mishka naman ako magpapasundo ay mas lalong hindi pwede dahil busy 'yon sa pelikulang inaalagaan niya. Ayoko rin maging pabigat sa kaniya.

"Mom... pwede ba akong magpasundo sa isa sa mga guard natin sa Mansion?"

"Yeah," I smiled because of that, "Unfortunately, wala silang pasok dahil wala namang tumatao sa Mansion natin. Hindi naman doon natutulog si Mike." My smile immediately fades away.

Okay, so, I guess I'll just take a cab. Great.

Or

Magpasundo kaya ako kay Zach? Nope, nope, not a good idea.

"It was nice to see you again, Sav. How's India?"

Pilit akong ngumiti kay Zach nang salubungin niya ako sa airport. I don't have a choice. I immediately send him a message pagkababa ko ng eroplano at naghintay pa ako ng dalawang oras para makapaghanda siya. Kinuha niya ang maleta ko sa kamay ko at hinayaan ko lang siya na gawin 'yon.

"Uh, if you don't mind, bakit ka nga pala umuwi?"

I removed my shades and I faced him, "I miss Bruno." Lie. Oh, it's true that I miss Bruno, but its not the reason why I'm here.

I miss Anglo.

Some eyes are on us and I can't blame them. Zach is handsome, kahit na mayroong hindi magandang nangyari sa amin ay hindi ko 'yon ikakaila. Hindi ko rin alam kung anong alam ng balita tungkol sa aming dalawa. Wedding was canceled, of course.

Kidnapper's PuppetWhere stories live. Discover now