Okay, Let's start the game. (14)

346 32 8
                                    

NEGLECTED WIFE( Rebirth)

Title: Okay, let's start the game.

Here's the next chapter. Enjoy reading. 😉

      ➿➿➿➿➿➿➿➿➿➿

"Napasok na natin ang Phone nila. Ngayon, Winston... handa ka na ba?"

"Handa na ako."

"Okay, let's start the game!"

Sa loob ng isang silid nababalot ang matinding katahimikan, habang pinapakinggan nila ang pag-uusap ng dalawang babae. Dalawang babaeng sumira sa buhay at naging rason ng kamatayan ni Winston Metawin at ng anak nito. Habang pinakikinggan ang bawat salitang nagmumutawi sa labi ng half-sister at Ina ng lalakeng pinakasalan ni Winston. Pakiramdam niya ay nagsimulang bumalot sa kanyang dibdib ang galit na pilit niyang pinipigilan na umahon. Pikit-matang ninamnam niya ang mabibigat na emosyong mabilis na nag-umapaw sa kanyang puso. Galit, poot, sakit, and paghihiganti. Ilan lamang ito sa mga emosyong nagnanais kumawala sa kanyang katawan at tila ba gustong-gusto hanapin ang mga taong siyang dahilan ng mga emosyon na'to.

Gustong-gusto niyang manakit at dahan-dahang pagputol-putolin ang mga katawan nito at dalhin sa impyernong pinagmulan niya.

The conversation:

'Auntie, alam mo naman kung gaano kalaki ang galit ko sa Gher na'yon. Gustong-gusto kong tanggalin ang ngiti nito sa tuwing naalala ko sa kung paano inagaw ni Winston ang Cedric ko. Auntie, mahal na mahal ko ang anak niyo. '

' He is quite stupid. 'The other woman chuckled.
'Dahil kung matalino ang abnormal mong half-brother, hindi mo madaling mapapasok ang buhay ng anak kong si Cedric.'

Kasunod nito ay ang malakas na paghinga ng malalim sa linya ni Alexandria, waring nauubusan ng pasensiya.

' Pero-- kasal parin siya kay Cedric Auntie Marie. At parang walang balak si Cedric na hiwalayan ang walang kuwenta kong kapatid? Ni hindi nga ako nito kinakausap nitong mga ilang araw? Aunt, please... Help me. I need your son. Mahal na mahal ko siya at ayokong makita siyang kasama ang Gher brother kong si Winston, nagpupuyo sa galit at selos ang puso ko. Cedric's fcking mine! From the start, akin na si Cedric, kaya hindi ko matanggap sa sarili kong hindi sa akin nagpakasal ang anak niyo, kundi sa abnormal na Winston na'yon! '

' Easy. Krystal. Listen. ' Mababanaag sa tinig ng Ina ni Cedric ang pagnanais na mapakalma ang babaeng kausap sa kabilang linya.
' Ikaw ang gusto ko para sa anak ko at hindi na magbabago 'yon. Nagawa mo naman siguro ang plano para mapigilan ang pagbubuntis ng abnormal na'yon tama? At habang hindi nagdadalang-tao ang abnormal na lalakeng iyon. Kinakailangan mong makuha ang tiwala ng anak kong si Cedric para mapasok ang puso nito. Tandaan mo, kinakailangan mong lampasan ang kapatid mo, at masira ang pangalan nito sa mga mata ng anak ko. Nagsimula na tayo at sa nakikita ko ay may bunga na sa pagsasama nila. Unti-unti ng nawawala ang pagtitiwala ni Cedric sa Gher wife nito. Kumalma ka lang Alexandria, hindi mo makukuha ang atensyon ni Cedric kung mauubosan ka ng pasensiya at magpapadala sa selos at galit mo. Nauunawaan mo naman ako, 'diba? ' Maririnig ang mahinang pagsang-ayon sa kabilang linya na naghatid naman ng naiibang emosyon sa mga puso nina Winston.

Neglected Wife (Reborn BL) BOYSLOVEWhere stories live. Discover now