HATRED

402 40 8
                                    

THE NEGLECTED WIFE
(HATRED)

Here's the next chapter. Enjoy.

Warning: ⚠️⚠️ masalimoot ang chapter na'to, kung kaya't pagpasensyahan niyo na ako. At kung may mapansin man, kayong mga maling salita. Hindi po edited ang chapter kaya, sorry po. 😊

Enjoy reading.

****-----****

Malaking katahimikan ang nababalot sa paligid. Iba't-ibang emosyon ang mababasa sa mukha ng mga ilang naroroon. Ang kaninang naka-focus na atensyon kay Alexandria ngayon ay nakatuon na sa Half Brother. Kung noon ay pagkairita ang mararamdaman ng babae, pero ang isipin ang malaking kahihiyan na matatanggap ng kapatid. Isang malapad na ngiti ang sumibol sa mukha ng dalaga.

"Winston, hindi man ako nagtagumpay sa unang plano ko. Sa pagkakataon na'to nasisiguro kong kahihiyan ang matatanggap mo. Sa harapan ng Chivaree family, at sa harapan ni Cedric, lalong lalo na sa harap ng maraming tao. Sisiguraduhin kong mawawasak ang buhay mo.'

May ngiti sa labing saad ni Alexandria sa kanyang isipan bago pasimpleng sumulyap sa direksiyon ng lalakeng pinapangarap niya. Nang mapagtanto niyang hindi nakatuon ang atensyon ni Cedric sa dati-rating mahal nito, lalong nag-umigting ang tuwa sa puso ni Alexandria.

--------

Walang emosyon na pinagmasdan ni Cedric sa gilid ng mga mata ang Gher na naglalakad patungo sa gitna ng lahat. Marahang bumulong ito sa isang Butler ng Chivaree family at kitang-kita naman ni Cedric ang mabilis na pagtango ng matandang Butler.

Saan nga ba nagsimulang magbago ang pagsasama nilang mag-asawa? Totoong minahal niya si Winston. Ang gher na ito ang tanging nilalang na umakit sa puso niya. Walang sinoman ang nakagagawa nito maliban kay Winston Metawin. Pero ano nga ba ang dahilan para unti-unting magbago ang lahat?

Ito ay dahil sa mga balitang natatanggap niya sa sariling pamilya. Sa una ay Gulong-gulo siya at ayaw niyang maniwala. Pero habang tumatagal may mga nabubuo ng mga ebedensya ang Chivaree family. Sa tulong narin ni Alexandria at ng mga kaibigan nito. May ilang mga ebedensya siyang nakalap sa naging nakaraan ng wife niya. Kung paano ito makipag-usap at patuloy na nakikipag-ugnayan sa ex-lover nito sa kabila ng katotohanang kasal sila.

At isa pa sa pinakamasakit at nakapang-iinit ng dugo, ang makausap ng harapan ang ex-lover nito at aminin ang lahat-lahat sa dalawa. Kasama ng ilang salitan ng text messages na siyang nakapagbigay ng matinding galit sa puso ni Cedric. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, hinding-hindi niya pakakawalan ang wife niya. Hinding-hindi niya hahayaan na maging malaya ito kasama ng ex-lover nito.

Isipin palang ay naghuhumindik na ang poot at galit niya sa Gher na pinakasalan niya.
Mainit ang mga matang pinagmasdan niya si Winston. Galit, pait, poot, at sakit ang nag-umapaw sa puso ni Cedric Chivaree.

'Ngunit lingid sa kaalaman ni Cedric ang nangyari sa past life nila. Pinili niyang iwanan si Winston at nagpakasal sa half sister nitong si Alexandria.'

Damang-dama ni Winston ang nag-aalab na mga matang nakatitig sa direksiyon niya. At nalalaman niya kung sino ang may-ari ng mga matang ito. Ang mga matang nagmumula sa husband niyang si Cedric Chivaree. Ang nakapagtataka lang, kung wala ng pagmamahal ang lalake sa kaniya. Bakit hindi siya nito pabayaan at pakawalan?

Matamang binalikan ni Winston ang mga kaganapan sa naunang buhay niya.

Pagkatapos ng malaking kahihiyan na siyang dahilan para madala siya sa hospital. At dahil sa pangyayari na'yon ay nalaman ni Cedric ang pagbubuntis niya. Ang buong akala niya'y magbabago na ang pakikitungo nito sa kanya. Ang pag-asa na maaring magbalik ang pagmamahal nito ay nabahiran ng sakit at buhay ng sanggol na dinadala niya.
At ang huli? Nasadlak siya kulongan sa pagkakasalang hindi ginawa.
Tulad sa isang novela, nawala siya sa landas ng dalawang bida at nagkaroon ng happily ever after ang mga taong pumatay sa kanya at sa anak niyang si Little Zed.

Neglected Wife (Reborn BL) BOYSLOVEDonde viven las historias. Descúbrelo ahora