CHAPTER 4

378 38 5
                                    

NEGLECTED WIFE, CHAPTER 4

****-----****----****

Previous Chapter:
"Nandito na si Cedric Chivaree!"

Damn! Nandirito na ang taong kinatatakutan ni Winston Metawin. Dumating na ang ex-husband niya.

---------

FLASHBACKS:

A/N: Sa book na ito ay marami tayong babalikan na mga bahagi ng past life nila para maunawaang mabuti ang mga nangyari.

"I am sorry, Mr. Winston, the young master said that dogs are not allowed inside."

Ito ang mga katagang paulit-ulit na nanunumbalik sa utak ni Winston. Ang mga katagang nagmumula sa mga taong nanakit sa kanya.

Nanginginig ang katawan niya nung mga panahong iyon. Pakiramdam niya ay nauubusan siya ng hininga. Ang pagtulongan ka ng mga taong nasa paligid mo, pakiramdam niya ay pinagkakaitan na siyang mamuhay.

"Cedric! Please come out and talk! Wala akong kinalaman sa nangyari, hindi totoo ang lahat ng ibinibintang nila sa akin maniwala ka."

Walang pagsidlan ang mga luhang bumubuhos sa kanyang mga mata. Durog na durog ang puso niya.
Ito ang paulit-ulit na sinisigaw niya sa mata ng lahat ngunit walang nakikinig, walang may nais na makinig.

Ang pangarap na pagmamahal at masayang pamilya na kanyang pinapangarap na mabuo. Ngayon parang mga palaso na paulit-ulit na tumatama sa sugatang puso niya. Walang may nakababatid sa pagdadalang-tao niya. At sa gabing iyon, araw ng kaarawan ng Ina ni Cedric Chivaree. Hindi makapaniwala si Winston na mangyayari ang pagkawasak ng buong buhay niya. Sirang-sira siya sa mata ng lahat ng dahil sa kagagawan ng kapatid niya. Naging malaking kahihiyan pa siya sa mata ng buong Chivaree family. At ngayon naman ay naging kasalanan pa niya sa kung bakit muntikan nang napahamak ang isa sa mga kamag-anak nito.

Ngunit wala talaga siyang kinalaman sa nangyari! Hindi nga niya nalamang nawalan ng malay ang matanda ng dahil sa mga pagkaing inihanda niya. Lason, ito ang malakas na akusasyon sa kanya. Nilason niya ang pagkaing inihanda para sa sariling kapatid na si Alexandria na aksidente namang nakain ng isa sa mga bisita. At bakit hindi niya alam? Dahil pagkatapos ng pagkapahiya niya ay nawalan siya ng malay at dinala sa hospital.

Kung sa lason sa pagkain naman ang pag-uusapan, magagawa ba niyang saktan ang sariling kapatid sa harapan ng lahat lalo't buntis siya?
Yes, buntis siya at ito ang malaking regalong nais niyang ipabatid sa husband niyang si Cedric. Ngunit bago nito malaman, isang pangyayari ang hindi niya inaakalang magaganap.

Pinahiya siya sa harapan ng lahat at ngayon ay inaaakusahang mamatay tao. Ano nga ba ang kalaban-laban niya?

"Please, let me see him. Let me see my husband."
Nanginginig ang mga palad na nakayakap siya sa kanyang sarili. Pakiramdam niya ay nababalot ng napakalamig na hangin ang buong katawan niya, hirap siyang makahinga.

"What are you doing? Nandito ka parin? Masuwerte ka na at hindi ka pinakulong ni Cedric, pero makulit ka parin! Don't you know that trash is not allowed in our home?" Ito ang malakas na sigaw na bumungad sa pandinig ni Winston. At mula sa kanyang kinatatayuan, nakatayo sa kanyang harapan ang isang magandang mukha ng babaeng paulit-ulit na naging bangongot ng kanyang buhay.

Alexandria...

Ang babaeng umagaw sa husband niya. Ang sariling kapatid at ang kabit ng husband niya.

Winston flinched; the large mansion was once his home. Ang bahay na kung saan siya dinala ni Cedric at nangako na bumuo ng masayang pamilya. Ang pangarap na pagmamahal para sa kanila. Now he couldn't even enter the front gates.

"I need to see him, please. Alexandria, I need to see my husband."
Winston repeated, Habang maaninag sa kanyang tinig ang pagsusumamo.
Hangga't may maliit na pag-asa ay kakapit siya.

"Where did you get that confidence?" Alexandria sneered. "He doesn't want to see you. In fact, he told me that waking up to you during all those years felt like he was trapped in an endless nightmare. Hindi mo pa rin ba nararamdaman ang pagbabago niya sa'yo? Gan'un ka na ba ka-manhid kapatid ko?"

Although he was already used to her insults, Winston could still feel his heart breaking. Gaano ba niya magagawang tiisin ang mga salitang ito alang-alang sa pagmamahal sa husband niya?

Saan siya nagkulang? Bakit nagbago ang lahat?

"I still need to see him."

Gaano man ang malaking pagbabago sa mukha at alindog ni Winston. Hindi pa rin nawawala sa puso ni Alexandria ang malaking Inggit at selos sa kapatid niya. Dahil nakikita niyang gaano man ang pagbabago ni Cedric sa pakikitungo nito sa gher wife niya. Alam niya, yes, alam niyang mahal pa rin ng lalake si Winston.

At ito ang bagay na kinamumuhian ni Alexandria!

"Alexandria, Buntis ako..."

KLANG!

Parang may malaking bagay ang tumalon palabas sa puso ni Alexandria. Tuluyang nabalot ng matinding Inggit, galit at selos ang mga mata ng babae.

Sa kanya lang si Cedric Chivaree!

She looked at Winston outside the gates, and now she noticed that he was holding his stomach protectively. In that brief second, Alexandria was suddenly filled with rage.

How could that slutty brother have Cedric's child? Siya ang nararapat na magdala ng anak ni Cedric Chivaree at hindi ang gher brother niya!

"You have Cedric's child? Kung gan'un halika at lumapit sa akin."

Nang marinig ni Winston ang sinabi ng babae. Takot ang bumalot sa buong pagkatao niya. Ano'ng binabalak ng kapatid niya? Binabalak ba nitong saktan ang anak nila ni Cedric? Siya ang Ama nito kung kaya't alam na alam niyang hindi makakapayag ang lalake na mapahamak ang sanggol.

Ngunit...

Muling nanumbalik ang mga salitang narinig niya sa hospital. Hindi nga ba sasaktan ni Cedric ang anak nila? Anak niya ang sanggol 'diba? Walang sinoman ang maaring makapanakit sa sariling anak nila. Maging ang hayop ay hindi magagawang kainin ang sariling kadugo nito, tao pa kaya?

Malapad at nakatatakot ang ngiting makikita sa mukha ni Alexandria na siyang dahilan para mapalunok at mapaatras ng bahagya si Winston. Mabilis na sumenyas ang babae sa mga lalakeng katabi nito bago pasimpleng ngumiti sa kanila.

Hindi!

Sasaktan ba ni Alexandria ang anak niya? Akmang kikilos ang kanyang mga paa nang marinig niya ang tinig ng taong pinakahihintay niya.

Cedric...

"Papasukin niyo siya. Hindi maaring masaktan ang sanggol na nasa pangangalaga niya."

At sa pagkakataong iyon ay muling sumibol ang munting pag-asa sa puso ni Winston Metawin.

Ngunit kasalungat ng lahat ng inaakala niya. Ang munting pag-asang kinakapitan niya ay siya rin palang magiging rason para maglaho sa mundo ang munting anghel na nasa sinapupunan niya.

Kung nakinig lang sana siya sa kanyang utak at hindi sa puso. Marahil ay buhay pa ang batang si Little Zed.

END OF FLASHBACK...

Ngayon ay nasa kanyang harapan ang lalakeng sumira at pumatay sa anak niya. Ang lalakeng naging dahilan para maglaho sa mundo si Little Zed niya.

Pagbabayaran niyo ang lahat-lahat ng paghihirap namin ng anak ko!

Hinding-hindi ako titigil hangga't hindi ko nakikitang wasak na wasak kayo.

Ito ang pangako ko.

END OF CHAPTER





1157 words count.

Neglected Wife (Reborn BL) BOYSLOVEजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें