THE PAST

284 26 3
                                    

THE NEGLECTED WIFE 12.1

Quote of the Day:
'If you gaze long into an abyss, the abyss will gaze back into you.'- unknown

******------*******

Pigil ang mga emosyon na nilakad ni Winston ang silid kung saan naroroon ang Ama ng husband niyang si Cedric. Sa totoo lang ay wala siya ni katiting na pagkamuhi sa matandang Chivaree bagkus ay malaki ang utang na loob ang nararamdaman niya para sa matandang ito. Sa loob ng paninirahan niya sa mansion ng Chivaree family, tanging ang Ama ni Cedric ang naging kalasag niya sa kalbaryong nararanasan niya mismong Chivaree family. Tahimik na tao ang Ama ni Cedric, pero hindi nito itinago ang pagtulong nito sa Gher Wife ng sariling anak nito. Kung kaya gaanoman ang galit na nadarama ni Winston sa mga Kuwagong naninirahan sa Mansion na ito, wala siyang galit o poot para sa matandang Chivaree.

"Young Madam, nasa loob po ang Señor at naghihintay sa'yo."
Magalang na turan ng babaeng, kasambahay taliwas sa ipinakita nito sa nagdaang araw. Ngayon ay makikitaan na ito ng paggalang at respeto sa kaniya bilang asawa ng boss nila.

Marahang pagtango lamang isinukli ni Winston sa babae bago walang emosyon na binuksan ang pinto. At sa silid ngang iyon ay makikitang nakaupo ang may katandaang lalake, matangos ang ilong at sa kabila ng ilang panahong lumipas na makikita sa mukha nito, mababanaag parin ang kislap ng pagiging mabuting tao, Ama at Asawa sa mga mata nito.

"Winston, halika." Malamlam ang mga matang nakatitig sa Kaniyang direksiyon si Mr. Andrew Chivaree, mga matang tila nababalot ng sari-saring emosyon na hindi mo aakalain na makita sa isang taong kagalang-galang na tulad niya.

"Dad..."

"Maupo ka muna at mag-tsaa." May ngiting ipinukol nito ang tingin sa maliit na takure sa mesa na mabilis rin ni Winston na naunawaan. At sa utos nga ni Mr. Chivaree ay magalang siyang yumukod at sinalinan ang maliit at malinis na tasa na nasa harapan ng Ama ni Cedric bago sinalinan rin ang tasa na nasa harapan niya.

"Winston Son. Alam ko ang mga hinanakit mo." Ito ang kauna-unahang mga salitang lumabas sa labi ni Mr. Chivaree, at ang mga salita ring tila ba malalaking karayom na tumusok sa kaibutuuran ng kaniyang puso. Sa kauna-unahang pagkakataon ay naramdaman ni Winston ang pagnanais ng karamay, ng kakampi, pakiramdam niya ay nagsimulang magsipag-unahan palabas sa kaniyang dibdib ang sari-saring magkahalong emosyon na animo'y matagal ng nasa loob ng katawan niya. Nais niyang maluha, pero walang luhang nagnanais kumawala sa mga mata.

"... Hindi mo man sabihin ang lahat-lahat pero, nakikita ko at nalalaman ko. Winston, you are the Gher wife of my son, at magiging Ina ng apo ko. Natatandaan mo pa ba nung araw kung kailan ka dinala ni Cedric sa kauna-unahang pagtapak mo sa Mansion na'to? Sa araw ding iyon ay nakita ko ang determinasyon sa mga mata ng Anak ko."

Kung gayon anong nagbago? Paano napalitan ng panlalamig ang mainit na pagmamahal sa kaniya ni Cedric? Bakit naganap sa kaniya at sa little angel niya ang masamang bangongot sa previous life niya? Ito ang mga katanongan na bumabalot sa utak ngayon ni Winston habang pinapakinggan ang mga sinasabi ng mismong ama ng taong sumira, nagwasak ng buhay niya, at ng anak nila.

"Mahal ka ng anak ko. Kung anoman ang pinagdaraanan ninyo ngayon. Isa lang ang mahihiling ko, bigyan mo pa ng pagkakataon para maunawaan at maliwanagan ang nagugulumihang isipan ng husband mo. Marahil ay hindi ako naging mabuting Ama sa kaniya kung kaya nangyayari ang lahat ng ito. Ngunit, nung araw na pinakilala ka sa amin ni Cedric, iyon ang kauna-unahang pagkakataon na sinuway niya ang kaniyang Ina para sa pagmamahal. Ngayon, alam kong nauunawaan mo na kung bakit gan'un na lamang ang galit sa'yo ni Marie. Mahal ni Cedric ang kaniyang Mama, mahal ka rin ng anak ko at ito ang nasisiguro ko, kaya sana'y huwag mong bibitiwan ang kamay ng anak ko. Hindi maaring maulit ang pagkakamaling nagawa namin ni Marie noon. Ayokong makita ito sa inyo ngayon sa kasalukuyan. "

Neglected Wife (Reborn BL) BOYSLOVEWhere stories live. Discover now