THE HACKER FRIEND (13)

322 31 5
                                    

NEGLECTED WIFE 13
Title: The Hacker Friends

📝 Quote of the Day:
"Live without regrets. Living without regrets is the best blessing."

*****--------******

Matamang pinagmasdan ni Terence ang Gher na nasa harapan niya habang sa balikat niya ay nakasandal ang natutulog na asawa. Kasalukuyan sila ngayong naninirahan sa bahay na binili ni Winston, ayon rito ay sekreto ang bahay na ito at walang nalalaman ang Chivaree Family sa bagay na ito. Dahil wala silang matitirahan, kasalukuyan silang maninirahan rito.

Sa loob ng ilang taong, hindi nila pagkikita ni Winston. Pakiramdam niya ay parang napakalaki ng pinagbago nito kumpara noon. Ngunit, kung susumahin niya ang pangyayari sa buhay niya, hindi rin niya masisisi ang pagbabago sa dati-rating inosenteng mukha ng kaibigan, maging siya ay napakalaki narin ng ipinagbago magmula nung umalis siya sa poder ng Sandoval Family, alang-alang sa babaeng pinakasalan niya.

Isang masayang ngiti ang ngayon ay sumilay sa maamong mukha ni Winston habang pinagmamasdan ang tulog na asawa ng kaibigan. Nang marinig niya ang buong pangyayari sa buhay ng mga ito, wala siyang naramdaman ni katiting na awa, bakit? Dahil hindi awa at simpatya ang Kailangan nila. Ang Kailangan ni Terence ay tulong para muling makaahon ito. Base narin sa sinabi nito na magmula ng pinutol nito ang ugnayan niya sa sariling Sandoval Family. Nagsimula naring mabalot ng paghihirap ang buhay nilang mag-asawa. Lahat-lahat ng mga biyayang dumarating sa kanila ay tila isang bulang naglalaho sa mga kamay nila. Para bang may malaking kamao ang paulit-ulit na humahadlang. At sa puntong ito, isang idea ang pumasok sa isipan niya. Ang mismong Sandoval family. Hindi na nakapagtataka na ang sariling pamilya ng kaibigan ang magiging hadlang sa pag-ahon at kalayaan nito. Ito rin ang bagay na pinakaiiwasan ni Winston na maganap sa kaniya at sa batang dinadala. Kung peperma nalang siya bigla sa divorce na ninanais ng Chivaree Family, paniguradong hindi magiging tahimik ang buhay nila ng Little Zed niya. Higit na hinding-hindi siya pakakawalan ng Ina ni Cedric at ni Alexandria, kaya kinakailangan niya ang mag-ingat sa bawat hakbang na susuongin niya.

"Winston, hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat sa'yo, pero hindi ko talaga maiwasang magtaka sa kung paano mo nalaman ang kinaroroonan ko."

Nang marinig ni Winston ang sinabi nito, parang isang tigre ang marahas na nagnanais kumawala sa kaniyang dibdib, damang-dama narin niya ang apoy na ngayon ay unti-unting sumisibol sa puso niya.

"Pinahanap kita." May ngiti pero hindi ngiti na hinarap ni Winston si Terence bago muling nagsalita.
"Alam kong may pagkakamali ako sa inyo. Terence, humihingi ako ng tawad sa pagtalikod ko sa pagkakaibigan nating tatlo."

Sa oras na ito, nagsimula ng uminit ang gilid ng kaniyang mga mata. Sobrang bigat narin ng dibdib ni Winston dahilan para mapapikit siya upang mapigilan ang pait. Wala siyang nagawa para sa dalawang kaibigan niya sa previous life niya. Hindi rin niya nalaman kung gaanong paghihirap ba ang pinagdaraanan ni Terence Sandoval at ng wife nito. Sa totoo ay malaki ang utang na loob niya sa dalawang kaibigan niyang ito, si Terence at David na hindi pa niya alam kung nasaan. Magmula nang maputol ang ugnayan niya sa mga ito, Wala naring siyang nabalitaan mula sa mga ito. How ironic, right? Gaanoman ang lungkot na nararamdaman niya para sa buhay ng mga taong tinuturing na pamilya. Ni hindi nga niya nagawang mailigtas noon ang sariling anak, mga kaibigan pa kaya? Ngayong nabigyan siya ng muling pagkakataon, gagawin ni Winston ang lahat-lahat mabago lang ang mga buhay nila.

"Hindi ko alam—wala akong alam."

Malungkot ang mga matang pinagmasdan ni Terence ang Gher na kaibigan bago masuyong Hinalikan ang noo ng wife niya.

"Wala kang kasalanan Win-win. Lahat tayo ay may nakatakdang buhay sa isa't-isa. Hindi mo hawak ang takbo ng pangyayari. Alam kong hindi rin naging magaan ang buhay mo sa Metawin Family. Pero ang tanong ko ngayon, kamusta ang buhay mo? Ang sabi mo ay Ikinasal ka na, kaya't Kamusta ang buhay may asawa?" Nakangiting sabi ni Terence pero mabilis na naglaho ito ng makita ang mapait na emosyong bumalot sa mga mata ng Gher.

Neglected Wife (Reborn BL) BOYSLOVEOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz