Intro:

1.1K 37 7
                                    

Good evening everyone...

Let me share sa isang book na ito guy's.

Title: THE NEGLECTED WIFE
BRIGHTWIN FANFIC

Buong buhay ni Winston Metawin ay punong-puno ng kalungkotan at matinding pagsisisi. Magmula nang siya ay isinilang tanging kaapihan ang kanyang naranasan. Ngunit nang nakilala niya ang binatang nagngangalang Cedric Chivaree. Ang lahat-lahat ay nagbago sa kanya. Ang dating malungkot at madilim na nakaraan tila ba napalitan ng liwanag at nagkaroon ng sigla.

Ngunit isang kaganapan ang siyang muling magiging dahilan para muli niyang maranasan ang matinding kahulugan ng kalupitan. Mula sa kamay ng sariling pamilya hanggang sa kamay ng taong sinisinta. Hanggang kailan ang paghihirap na mararamdaman niya?

"Pakiusap... patayin mo nalang ako Cedric"

"Hinding-hindi kita pakakawalan Winston, kahit pa umabot tayo sa kabilang buhay. Sa iyo ko ipararanas ang tunay na kahulugan ng kamatayan. "

Saan nagkulang? Ano'ng nagawang kasalanan? Makalalaya kaya si Winston sa mga kamay ni Cedric Chivaree? Paano napalitan ang tunay na pagmamahal na nauwi sa Isang matinding pagkamuhi?

" Kung mabuhay man akong muli, sisiguraduhin kong pagbabayaran nila ang lahat-lahat ng pagkakasalang nagawa nila sa akin at sa buhay ng anak ko. "

Hanggang sa Isang himala ang natupad. Siya nga ay muling nabuhay sa nakaraan. Mapagtagumpayan kaya ni Winston Metawin na mabago ang kaganapan sa kanyang buhay?

Tunghayan ang kanyang Kwento.

Neglected Wife (Reborn BL) BOYSLOVEOù les histoires vivent. Découvrez maintenant