Chapter 10: «The Emotionless Astra...»

Start from the beginning
                                    

"Kailangan mong maligo. Kahapon kapa hindi nakapagligo. Siguradong bumabaho kana ngayon", Sabi ni Killian tsaka ipinakita kay Astra ang nakatiklop na pantulog.

Wala naman talagang naaamoy si Killian na mabaho sa babae kahit na kanina pa ito dikit ng dikit sakanya. Para ngang may inilalabas na natural na amoy ang babae para sakanya.

Tumango si Astra tsaka tinanggap ang damit ngunit hindi ito nagbalak na lumabas ng kwarto na mag-isa. Tinignan pa niya si Killian na para bang naghihintay dito.

"Ha, sasamahan na kita", Natatalo na nga sa isang tingin si Killian.

Muli silang lumabas tsaka dumeretso sa likod ng bahay kung nasaan ang drum na may lamang tubig tsaka isang planggana na may laman ding tubig. Nandoon din sila Kira at Kyrie na siyang nilalabhan ang mga uniporme nila.

"Magbabanlaw kayo?", Pagtatanong ni Kira sa kanilang dalawa.

Hindi nagsalita si Killian ngunit tumango naman ito bago kumuha ng maliit na bangkito tsaka inalalayan si Astra na maupo doon at pagkatapos ay ibinigay nito ang isang tabo.

"May gagawin pa ako kaya maiiwan na kita dito", Sabi ni Killian kay Astra.

Tinignan pa ni Astra ang hawak na tabo bago tumango sa lalake.

"Kira, Kyrie, bantayan niyo siya tsaka tulungan niyo nadin", Utos pa ni Killian sa kambal bago tuluyang bumalik sa bahay at pumasok pabalik sa kwarto.

Ini-On ni Killian ang maliit na lamp sa kwarto dahilan, medyo nagka-ilaw ang paligid. Sa side table na may cabinet, inilabas ni Killian ang mga libro na siyang sobrang gulo ng pagkakalagay.

Ibinagsak ni Killian ang mga librong yun tsaka bumukas ng isa sa mga libro.

Nakatuon ang page ng libro sa isang mahirap na level ng mathematics.

Nag-aaral na ng kolehiyo si Killian at dahil sa nangyaring biglaang pagpapakasal nitong nakaraang buwan, napatigil siya. Pina-paaral siya ng lola niya at kahit hindi niya sinasabing ayaw niyang mangyari nalang ito palagi, pinilit niya nalang sa matanda na may asawa na siya kaya kailangan niya nang maging responsable.

Pinilit ni Killian na ipakitang kaya niyang makapagtrabaho at kaya niyang tustusan ang sarili upang makapag-aral.

May plano pa si Killian na bumalik sa pag-aaral dahil naniniwala siyang kapag may pinag-aralan may magandang kinabukasan.

Mas malaki na ang responsibilidad niya dahil kay Astra ngunit ngayong pakiramdam niyang mas magiging maganda na ang takbo ng buhay niya kasama ang babae, mas lalo lang tumibay ang kagustuhan niyang makapagtapos sa kolehiyo upang mabigyan ang bago niyang pamilya ng mas magandang kabuhayan.

Iniintindi ni Killian ang binabasa. Naghihirap na may matutunan sa self study niya.

"Ahh!" Ang pagkaka focus ni Killian ay naputol nang bigla nalang may nadinig na sigaw.

Mas malapit ang kwartong kinaroroonan niya sa likod ng bahay.

"Astra!", Dinig niya pang sigaw ni Kira.

Nakaramdam ng kaba si Killian tsaka binitawan ang hawak na lapis at nagmamadaling lumabas ng kwarto papalabas sa likod ng bahay.

Gulat na napatingin si Killian sa kinapupuwestuhan nila Astra.

Maayos na nakaupo si Astra sa bangkita ng iniwan niya ito at ganoon padin naman ang pagkakapuwesto nito.

"Astra!" Nakaramdam ng kaba si Killian tsaka nagmamadaling lumapit sa babae.

Balak niya sanang hawakan ito ngunit nang makitang basang basa ang babae at sobrang naging nipis na ng suot nito sa pagkakabasa, nagdalawang isip siyang hawakan pa ito dahil sa takot na baka pagkamalan pa siyang binabastos ito lalo na at siya lang ang lalake ngayon dito.

Love Constellation (On-Going)Where stories live. Discover now