Chapter Eighteen

Magsimula sa umpisa
                                    

“Ang dami naman nito. Hindi naman natin 'to mauubos ng tayong dalawa lang. Nag-aksaya ka lang  ng pera, Sev.” mahinahong sermon ko sa kaniya na ikinakamot naman nito sa kaniyang batok bago alanganing tunawa.

“Er.. Ahm... H-hindi ko naman binili 'yan, e. Bigay lang. ” alanganing sagot niya na ikinasamid ko sa sariling laway.

Binigay lang?! Isang punong plato ng kalamares at isang punong plato ng mga tuhog-tuhog tapos dalawang malaking cup na puno ng ihaw-ihaw? Tapos bigay lang daw at hindi niya binili? Anong—?!

“A-ang ibig mong sabihin hindi ka pinagbayad?” nauutal at hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya na ikinatango naman nito bago tumawa ulit ng alanganin.

Umiwas siya ng tingin sa akin bago sumipol sa hangin. Naiiling ko na akng ang ulo ko bago mapatanga sa mga pagkain sa pagitan naming dalawa.

“Ibang klase ka...” pabulong at manghang sambit ko bago mapangiti.

“Kumain na nga lang tayo. Mukang kanina ka pa nagugutom, e.” natatawang usal ko na kaagad niyang ikina-lingon sa akin.

Parang batang nagliwanag ang muka niya bago magsinulang lantakan ang pag-kain.

Napatakip naman ako sa bibig ko para pigilang mapatawa ng malakas. Subo kasi siya ng subo ng pagkain, lobo na ang pisnge niya sa dami ng pagkain sa bibig.

Nagmuka tuloy siyang cheep munks. Super cute!

Napansin niya yata ang pagkakatitig ko kaya naman napahinto siya sa pagsubo at napa-angat ang tingin sa akin.

“Bwakit?” namumungalang tanong niya na ikinatawa ko ng mahina bago mapailing.

“Wala, wala... Ang dugyot mo. Kumain ka nga ng maayos. Baka mabulunan ka niyan.” natatawang ani ko bago kumuha ng isaw at sinimulang kainin yon.

Nagkibit balikat lang siya sa akin at nagpatuloy lang ulit sa pagkain. Habang ako naman ay nagsimula na ring lumantak pero sinusulyapan ko pa rin siya bawat segundo. Ang cute niya kase, e.

Parang bata talaga....

×××××

“Bilisan mo naman ang lakad, ami. Baka maiwanan tayo, e.”

Nagmamadaling sabi sa akin ni Seven habang hila-hila ako.

“Saan ba kasi tayo pupunta?” tanong ko habang binilisan ang lakad para makasabay sa kaniya. “Gabi na, oh. Umuwi na tayo. Wala ring kasama si Lola esme sa inyo, e.” nag-aalalang dagdag ko pa na inilingan niya lang.

“Sasakay muna tayo sa Ferris Wheel, uuwi na din tayo pagkatapos.” usal nito bago ako sulyapan mula sa balikat niya at ngitian.

“Okay—”

Nanlaki ang mga mata ko at hindi nakapag-salita bigla.

“S-sasakay tayo sa Ferris Wheel?” hindi makapaniwalang tanong ko na ikinatango niya bago tumawa.

“Kanina ka pa kasi tingin ng tingin ro'n, e. Naisipan ko na baka gusto mong sumakay kaya sasakay tayo ro'n bago tayo umuwi.” masayang usal niya na ikina-init ng pisnge ko bigla at ikinabilis ng tibok ng puso ko.

Napansin niya pala 'yon?!

“H-hindi ba pwedeng nagagandahan lang sa ilaw na nakakabit sa Ferris Wheel?” palusot ko na ikinahinto niya sa paghila sa  akin. Napahinto tuloy ako bigla sa paglalakad upang hindi mauntog sa likod niya.

Secretly In Love With My Bestfriend | ✓ [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon