Chapter Seventeen

Start from the beginning
                                    

"Seven! Napaka-kulit mo naman, e! Baka magtumba tayo!" suway ko sa kaniya. Bakas ang pagka-inis at pag-aalala sa tono ko habang sinasabi sa kaniya 'yon.

Ang tanging naging sagot na natanggap ko mula sa kaniya ay isang masayang tawa lang na ikina-kunot ng noo ko.

Tingnan mo ang isang 'to. Takot na takot na na nga ako nakuha niya pang tumawa ng gano'n? Napaka-weirdo talaga.

"Halatang napaka-laki ng tiwala mo sa akin, ah?" natatawang usal niya. "Para namang hahayaan kong masaktan ka." dagdag niya pa na ikina-kurap-kurap ko bago mamula.

Bakas kasi ang pagkaseryoso sa boses niya habang sinasabi niya 'yon.

"H-hindi naman sa gano'n." mahinang usal ko bago manahimik.

May tiwala naman talaga kasi ako sa kaniya. Ayaw ko lang talagang matumba dahil hindi lang naman ako ang masasaktan kapag nagkataon. Parehas kaming masususgatan kung sakali mang magtumba kami dahil sa kakulitan niya.

"Uy, Binibiro lang naman kita. Nanahimik ka bigla diyan?" malumanay ang boses na anas niya na nagbalik sa akin sa reyalidad.

"H-ha?" lutang na bulalas ko at napalingon sa kaniya.

"Pero seryoso ako no'ng sabihin kong hindi kita hahayaang masaktan." sambit niya sa sinabi ko. Bakas sa tono ng boses niya ang pagkasinsero at kahit hindi ko makita ng maayos ang muka niya laam kong nakangiti siya dahil umitaw ang dimple niya sa pisnge na nakita ko mula sa pwesto ko.

Napatitig tuloy ako sa kaniya kahit pisnge niya lang ang nakikita ko.

Sobrang pogi naman talaga kasi, e!

>_____<*!

"Hindi dapat pinababayaan ang prinsesa. Kaya magtiwala ka sa kawal mo kamahalan, okay? Akong bahala sayo." dagdag pa niya bago ako lingunin na ikinapula naman ng muka ko sa hiya. Hindi lang dahil nahuli niya akong nakatitig sa kaniya, kung hindi dahil na rin sa sinabi niya.

Pakiramdam ko napaka-espesyal ko tuloy na tao.

"C-che!" kunwaring masungit na uslal ko sa kaniya. "Sa kalsada ang tingin kung hindi ay tuluyan tayong madidisgrasya." dagdag ko pa na ikina-tawa naman nito ng malakas.

"Sungit." rinig kong bulong niya pa na ikinasilay naman ng ngiti sa labi ko.

Para nanaman tuloy playground ng paro-paro ang sikmira ko dahil sa patagong kilig na nararamdaman. Hindi niya talaga ako binibigong mapakilig e, no?

Iba talaga ang kamandag niya. Sobrang nakakamatay at nakakakilig.

"Ay, siya nga pala. Pumunta ka sa bahay bukas, ah?" basag niya ulit sa katahimikan. "Inaasahan na ni lola na bibisita ka. Excited na nga 'yon, e." natatawang dagdag pa nito na ikina-tawa ko rin.

"Pupunta ako. Nangako na akong pupunta at bibisitahin siya, e." sagot ko naman bago mapangiti.

Excited na akong makita ulit si Lola esme at tikman ulit ang mga pastries na siya mismo ang nag-b-bake. Excited na rin akong tumulong sa pagtitinda sa bakery o kaya naman ay tulungan siya sa pag-bake ng mga cookies.

"Ayusin mo na ang kapit mo. Bibilisan ko na ang pag-pidal para makarating na kaagad tayo ro'n." utos niya na siyang ikinatango ko.

Hinigpitan ko ang kapit sa beywang niya bago ako mag-salita.

"Okay na." pagkumpirma ko na naging hudyat niya para bilisan na ang pagpidal.

Napapikit ako nang tumama sa muka ko ang malamig at sariwang hangin. Sobrang presko no'n sa balat.

"Uy, 'di ka pa ba bababa? Nandito na tayo, oh? Masyado mo naman yatang sinusulit ang pagkakahawak mo sa akin." ani ng isang mapaglarong boses na nakapag-pabalik sa akin sa ulirat.

Secretly In Love With My Bestfriend | ✓ [COMPLETED]Where stories live. Discover now