Pero... ganoon ba talaga ako kahalata? Posible kayang nakakaramdam na si Seven? Pero muka naman siyang normal.

Biglang lumukob ang pangamba sa dibdib ko sa isiping' yon. Bumaling ako kay Nadia at akmang ibubuka ko na sana ang bibig ko upang magtanong, ang kaso lang ay hindi ko na naituloy dahil may tumawag na naman sa pangalan ko.

“Ami?! Dito!”

Kaagad napabaling ang tingin ko sa gate hindi kalayuan sa kinatatayuan namin ni Nadia at do'n ko namataan ang kumakaway na pigura ni Seven. May mga kasama siya habang nag-aantay sa gate at lahat sila ay lalaki.

Mga ka-varsity niya siguro. Namataan ko rin kasi si Hiro sa gate kasama niya, e.

“Halika na do'n sa gate, Nadia. Sabay na tayo kahit hanggang sa unang kanto lang.” anyaya ko kay Nadia matapos ko siyang balingan ng tingin.

Marahan namang siyang umiling saka ako nginitian.

“Hindi na. Mauna na kayo, iba rinn naman ang daan ko papuntang palengke, e.” may malumanay na ngiti sa labing sambit niya na ikinakurap-kurap ko.

“Sigurado ka? Madadaanan din naman namin ang sakayan papunta sa palengke, ah?” takang tanong ko sa kaniya na ikina-iling lang ulit nito.

“Nasa palengke kase sa bayan ang dadaanan ko. Lumipat na kasi ng pwesto ang kumare ni mama, e.” paliwanag naman nito na ikina-tango ko naman.

“Sige, kita na lang tayo sa lunes, ah?” nakangiting usal ko matapos naming makalapit sa gate. Nasa kabilang dulo kami habang nasa kabila naman sila Seven.

“Sige, ingat sa pag-uwi.” nakangiting usal nito bago ako kawayan at tuluyan ng kumabas ng gate.

“Ingat ka rin sa pag-uwi, ah?” pasigaw na habol ko na ikinatango niya lang bago ako kawayan at nagpatuloy na sa paglakakad.

Pinanood ko pa ang likuran niya bago siya mawala sa paningin ko.

“Ang saya mo, ah?” malamin ang boses na usal ng isang pamilyar na boses mula sa likod ko.

Nanindig ang balahibo ko sa batok ng maramdaman ang mainit niyang hininga na tumatama sa likod ng tainga ko.

Halos mapatalon din ako sa gulat dahil sa biglaang prisensiya niya na naramdaman ko lang no'ng magsalita siya.

“S-seven...” nauutal na tawag ko sa pangalan niya at nanatili sa pwesto ko.

Para akong naestatwa sa sobrang gulat.

“Oh, bakit parang gulat na gulat ka? Ako lang 'to, ami. Si seven lang 'to.” mapanlaro ang boses na anas niya na ikina-kurap-kurap ko.

Nawala ang lalim ng boses niya kanina at napalitan iyon ng mapanlarong tono sa isang iglap lang.

“K-kasama mo kasi ang mga kaibigan mo kanina kaya inihatid ko muna si Nadia palabas.” wala sa sariling sagot ko na ikinangiti niya.

“Nakita ko nga.” bulalas niya at preskong ipinamulsa ang kamay sa suot na itim na pants.

“N-nasaan na ang mga kaibigan mo?” takang tanong ko bago dumungaw sa gilid niya upang tingnan kung nandoon pa sila sa pwesto kung saan ko sika nakitang naghahantay kanina.

Pero wala ng tao ro'n no'ng tingnan ko.

“Umuwi na.” simpleng sagot niya na ikina-kunot ng noo ko.

Nakita niya siguro na hindi ako satisfied sa sagot niya kaya naman napabuntong hininga ito at hinala na ako palabas ng gate.

Wala tuloy akong nagawa kung hindi ang magpahila sa kaniya.

“Pinauwi ko na sila. Hindi naman ako makakasama dahil may lakad tayo, e. Next time na lang ako makikipaglaro ng basketball sa kanila.” paliwanag nito habang hila-hila pa rin ako sa paglalakad.

“May lakad pala kayo bakit inaya mo pa akong mag-perya? Pwede naman bukas na lang, e. ” takang tanong ko sa kaniya na ikina-tawa lang nito.

“Ayos lang naman sa kanila 'yon. Naiintindihan naman daw nila. Babawi na lang ako next time na mag-aya sila. Hindi naman big deal 'yon.” nakangiting usal niya matapos akong sulyapan  saglit mula sa balikat niya at magpatuloy sa paglalakad.

“Pagkarating natin do'n una nating sakyan ang Vikings, ha?” nakangiting sambit niya bago magpatuloy sa mga gusto niyang gawin namin kapag nakapunta na kami sa perya.

Nakatitig lang ako sa side profile niya habang nagsasalita siya. Wala rin akong naintindihan sa mga sinasabi niya dahil titig na titig lang ako sa maamo niyang muka.

Ewan ko ba, sa tuwing kasama ko kasi ang taong 'to ay parang nag-s-slow mo ang paligid ko. Sa kaniya lang nakasentro ang paningin at atensyon ko palagi.

Sobrang nakakamangha  naman talaga kase ang ka-gwapuhang taglay niya. Kahit sino ay mahuhulog sa lalaking 'to. Kung sino man ang makakabihag sa puso niya ay siguradong nakapaswerte niyang babae. Nakay Seven na kasi lahat ng katangian na gugustuhin ng isang babae sa isang lalake, e.

Napangiti na lang ako ng mapait sa sarili ko at saka nagsimulang makipag-kulitan sa kaniya.

Saka ko na muna iisipin 'yon. Sa ngayon ay susulitin ko muna ang mga oras na makakasama ko siya bago dumating yung panahon na hindi na pwede.

Wala naman akong karapatang angkinin siya, e. Dahil sa simula pa lang naman, hindi ko na siya pagmamay-ari...


Moonillegirl🌷

Secretly In Love With My Bestfriend | ✓ [COMPLETED]Where stories live. Discover now