CHAPTER 83. SNAP OUT (PART 3)

5.1K 131 224
                                    

CHAPTER 83. Snap out (Part 3)

THIRD PERSON POV

“Saan ka na naman galing? Naku ka...” wika ni Jaemin pagpasok ni Iron sa kanilang office. Pabiro niya pa itong inirapan.

“Galing ako sa inyo. King wants us to check on his Queen.” Iron replied with a smile. Lalo pang lumapad ang ngiti na parang nang-aasar sa sumunod niyang sinabi. “Kasama si Xander!”

Hmp!

“So, kumusta si Lili?” I heard imi-meet niya si Kuya Izu ah?

Medyo nag-alala ito sa kaibigan. Baka kasi mag-away na naman silang dalawa ng kaniyang Kuya. Para kasing sa tuwing nagkikita kasi sila ay walang magandang nangyayari...

Para kasing palaging galit si Lili sa kaniya...

Hindi niya alam kung bakit. Basta napansin niya lang na parang lumayo ang loob nito sa kaniya...

Siguro sa lahat naman? She was the one who changed, after all...

Jaemin also thought that it seems Shūichi Yamada‘s arrival in the country is private. Because there was not a single news about him broke out unlike when he‘s in the country for business. Talagang siya ang laman ng balita.

Youngest Billionaire. Youngest successful businessman. One of the Most Charismatic Businessmen...

Well, ilan lang ‘yan sa mga tawag ng media sa kaniya.

“She‘s alright! Si Idol pa ba? Sarili mo kaya isipin mo ngayon? Mamaya na ‘yung date niyo ni Boss Xander!”

Tinapunan ni Jaemin ng masamang tingin si Iron dahil sa sinabi niya. Napatingin pa nga sina Kysler at Kenneth dahil sa ingay niya!

Kainis talaga ‘to kahit kailan!

“Don‘t tell me hindi ka pa nakapag-decide, ate?” panggagatong ni Kysler.

Akala ko pa naman iba siya kay Kevin, eh pareho lang rin silang malakas mang-asar! Hmp! Jaemin thought.

“I have decided na no!” inis nitong sagot.

Nanatili silang nakatingin sa dalaga na para bang hinihintay nila ang susunod na sasabihin nito. Kaya naman bigla nalang kinabahan at nailang si Jaemin.

K-Kailangan ko bang sabihin sa kanila? Nahihiya na tuloy ako.

“P-Pupunta ako...” sagot ni Jaemin.

Ilang segundong katahimikan ang namayani sa loob ng office bago ito basagin ni Iron.

“That‘s great, Prez!” Iron exclaimed with a smile. “Good luck and enjoy!”

Napatitig si Jaemin sa kaniya dahil sa naging reaction niya. Huminga ito ng malalim habang pinagmamasdan ang ngiti niyang kasama ang mga mata.

“Congrats, ate!” Kysler said.

Congrats agad?

“I‘m going first.” Kenneth said while putting his things away.

“Saan ka pupunta?” tanong naman agad ni Jaemin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 13, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

GANGSTER ROYALTIES: The Gangster SocietyWhere stories live. Discover now