CHAPTER 24. ME, TOO

4.4K 281 421
                                    

CHAPTER 24. Me, too

KHALI‘S POV

“Good morning, baby.” Kangaroo greeted in a sweet tone.

Napalingon ako sa kaniya.

“I said, Good morning, Lili.” pag-uulit niya habang nakangiti ng malapad.

I heard that clearly, you stupid ape. Ang aga-aga nang-aasar na naman ‘to.

Gaya ng sabi niya, sinundo niya nga ako sa bahay at sabay kaming pumunta sa Marvel. Wala naman siyang gagawin dito pero sumama-sama pa.

Things suddenly became hectic this morning and we‘re just having a break right now. Konti lang talaga may gusto mag-volunteer na mag-participate sa preparation, kaya ‘yan, medyo busy.

Kangaroo is still here in the gazebo, patiently waiting for me. Sabi ko kasi sa kaniya maghintay nalang siya dito at ‘wag na ‘wag pupunta sa meeting room para tumulong.

Nainis lang ako. Parang laging inuutusan ni Aphrodite. Di naman inuutusan... Parang laging nagpapatulong.

I hate it. It‘s annoying.

Kaya nire-reply‘an ko nalang ‘yung chats niya tuwing nagcha-chat para hindi siya ma-bored. Sabi niya naglalaro rin naman daw ng mobile games kaya okay lang siya.

I sighed because I suddenly remember that we still have more to do after this.

“Gusto mong umuwi na, Lili?” Kangaroo asked. Ayan na naman siya...

“Jaemin needs help.” sabi ko nalang.

Marahan niyang pinunasan ang noo ko saka inabot ang panyo sa akin. Tapos pinaypayan. Ang init kasi.

Nag-CR sina Erin at Ginger kaya kami lang nina Kate at Kangaroo ang nandito sa gazebo.

“Ang init no...” sambit ni Kate. Nag-tanggal siya ng isang butones sa blouse tapos medyo hinawi ‘yung kwelyo kaya exposed ‘yung cleavage niya.

Heol, bakit sila may ganon.

Tumingin kaagad ako kay Kangaroo. He‘s busy fanning me while scanning me.

“Should we go to Dia? We have an aircon there...” mahinahon niyang tanong. I shook my head. Ang layo, tinamad ako...

Kinuha niya ulit ‘yung panyo at dinampi sa leeg ko. “Tie your hair.” utos niya.

“King! Paabot naman sa‘kin nung isang folder.” ani Kate.

Lumingon sa kaniya si Kangaroo. Hinagis niya ‘yung folder na sinasabi ni Kate sa gawi niya.

My eyes slightly squinted as he shift his gaze back to me.

“Why?” he asked in confusion.

“I don‘t have a ponytail...” sabi ko nalang. Saka tinatamad akong gumalaw...

May kinuha na naman siyang pantali sa bag niya, tapos inilapit ang upuan sa akin. Tinali niya ang buhok ko habang nakaharap siya sa akin.

GANGSTER ROYALTIES: The Gangster SocietyOnde as histórias ganham vida. Descobre agora