CHAPTER 16. DOUBLE TROUBLE

5.2K 239 247
                                    

CHAPTER 16. Double Trouble

KHALI‘S POV

Of all sections, bakit sa Class E pa? Tsk.

Siya lang naman ‘yung member ng Dark Lords na tumaga sa braso ni Chariot at bumangga sa sinasakyan ni Iron...

Sabi ko na nga ba, darating rin ‘yung kambal ni Nikolai dito sa Marvel High eh. I just didn‘t expect he‘d fall under our class since his brother is from the sports one.

Hay nako.

Ang seryoso ng tinginan nilang tatlong mga lalaki. I‘m sure they‘re still mad at what happened that night. I‘m pretty sure it‘s gonna get more chaotic in Class 5-E if he really intend to attend that class regularly.

“Good morning, Ma‘am...” bati ng isang pamilyar na boses ng babae mula sa likod namin.

Paglingon namin, nandun si Erin. Her brows raised as if she‘s glad to see us here. Then nalaman nalang namin na nagpalipat pala siya ng section, from now on Class 5-E na siya papasok.

Pwede naman daw ganon basta hindi mas mataas sa section mo ‘yung lilipatan at hindi sa Sports at Arts focused sections, and vise versa.

“Yey, classmates na tayo!” ani Erin at bahagyang yumakap sa braso ko.

“Yeah, lucky you. Niccolo who traumatized you is also your classmate now.” I muttered with a poker face.

“Ano ‘yun, Khali?” inosenteng tanong ni Erin.

“Yeah, good for you.” sabi ko nalang.

Tinalikuran na namin si Ma‘am matapos magpaalam. Nakasunod lang ‘yung Niccolo Reeve, hindi umiimik. But neither any of us are dropping our guard down.

Actually, the way the two guys walk beside me feels like they‘re guarding us or something like that. The tension is so high.

This is such a pain. I wanna go home.

Pagkalabas na pagkalabas namin sa faculty, biglang nagsalita ‘yung Niccolo Reeve.

“So, you are that girl...” he said.

Lumingon si Kevin at Nieves sa kaniya, kaya pati kami ni Erin napatigil para tingnan siya.

Lalong bumigat ang tensiyon sa pagitan namin. Naka-kunot ang noo ni Kevin habang si Nieves naman ay seryosong nakatingin dito. I slowly pulled Erin and brought her to my back.

“What do you mean by that and who are you talking about?” seryosong tanong ni Kevin.

“Let‘s just go.” sabi ko at lalakad na sana.

Biglang tumakbo si Niccolo Reeve palapit sa amin at inatake ako ng malakas na sipa.

Umatras ako para umilag. I wasn‘t expecting the two boys would quickly cover me up.

Ang bilis ng galaw niya, halos hindi ko namalayan, mabilis na humarang si Nieves at sinalag ang paa nito gamit ang isang braso nang walang kahirap-hirap. Agad siyang napaatras nang pinasundan naman ni Kevin ng sipa ito sa dibdib.

GANGSTER ROYALTIES: The Gangster SocietyWhere stories live. Discover now