Chapter 23 - We made Up.

Börja om från början
                                    

She looked so glamorous, naka palibot sa ulo nito ang braided na buhok nito tapos may mga strands ng buhok ang naka laylay at pakulot. She was wearing a combination of black and teal gown na hanggang sakong nito.

"Oh my God. Bakit ngayon lang dumating si Erah? Akala ko hindi na sya dadating. Kawawa naman ang mag ama nya." She heard one girl said form the nearby table, talking to another girl.

"Ssh. Baka may makarinig sayo. You know how that bitch tend to be so full of herself." Naiiling na sabi naman ng isa.

Who is she? Erah? Napakaganda ng pangalan. Bagamat litaw na litaw ang ganda nito, alam nya na malamang ay nasa late thirties na ang edad ng babae.

Nakita nya na lumapit ang babae sa Daddy ni Nikko at hinalikan ito.

Wait, is she Nikko's mom?

Bakit may pakiramdam sya na madami'ng tila may ayaw rito? Lalo na yung dalawang babae. Nakita nya na may ilang nagbubulungan. And it looks like they are talking bad about her.

Nikko's dad looked so happy. Hinapit ng matanda ang babae sa bewang. May ilan na lumapit at nakipag beso sa babae, asking questions.

"Sino sya?" Sa wakas ay tanong ni Yna.

"Hindi ko alam, mukhang Mommy ni Nikko."

"Parang masungit." Nakangiwi si Yna.

Hinanap ng mata nya si Nikko. Nakita nya na nakatitig lang ito sa ama nya at sa babae. Hindi ba ito excited makita ang ina nito? Bakit parang dumilim pa ang reaction nito?

"Bakit hindi lumalapit si Papa Nikko?"

"H-hindi ko alam." Parang kinabahan sya bigla.

Naisip nya agad na mukhang hindi sya magugustuhan nito para sa unico hijo nito. Hindi sya maganda, sexy o mayaman. Bigla ay nangliit sya sa sarili. Usually ay ganoon ang iisipin nya lalo na sa itsura ng ina ni Nikko.

Tila wala pa rin balak na lumapit si Nikko sa ama at ina nito, itinuloy lang nitoang pkikipag kwentuhan. Hindi rin sya nito linilingon. Nakaka inis na.

"Yna, aalis muna ako. Punta ako restroom." Paalam nya.

Hindi naman talaga sya iihi, gusto nya lang makaalis dun.

Lumabas sya sa venue ng event at naglakad sa hallway. Sa dulo ay may isa pa'ng tila venue rin pero wala'ng tao. Nasa tuktok sila ng building kaya mahangin. Kahoy ang pintuan palabas sa terrace na iyon at naka bukas naman.

Lumingon sya upang masiguro na wala'ng naka sunod sa kanya. Mukhang nakakarami na sya ng nainom, ramdam nya ang kaunting pamamanhid ng kamay nya.

Lumapit sya sa pasimano at itinaas ang kanyang mga kamay, as if she can hug the wind. Ramdam nya ang pag galaw ng mga dangling earings nya.

Nakaka relax tingnan ang mga city lights sa bandang baba ng building. May orange, puti, blue at ila'ng Christmas lights na nasa poste ng mga daanan.

"A penny for your thoughts?"

Napa igtad sya ng marinig nya ang boses na iyon. Agad sya'ng humarap para makita kung sino iyon. Ibinaba nya ang mga kamay nya mula sa pagkakataas.

"I'm sorry of I startled you." Malagom ang boses ng lalaki. Hindi nya ito kilala. He was tall, big, dark and handsome. Army cut ang buhok nito. He was wearing a black suit with grey tie.

May kamukha ito'ng artista, pero sigurado sya na hindi ito artista. Mukhang may lahi. He has a square jaw, it made him look more prominent and authoritative. May tila 'rich' aura ang lalaki.

Nasa bulsa ng slacks nito ang dalawang kamay nito.

"Are you satisfied with what you see?" He was smiling.

Faking It (Published)Där berättelser lever. Upptäck nu