Chapter 45

29 14 0
                                    

Chapter 45

"Nag-away ba kayo?" natatawang tanong niya at isinarado ang librong hawak.

Hindi ko siya nilingon and itinuon ang atensyon sa librong hawak hawak ko. Hindi ko na namalayan nakunot na ang noo ko at kamuntikan pang masira ang librong hawak ko sa higpit ng aking pagkakahawak habang ang isip ay naroon pa rin sa isipin na gusto ni Noel si Emory.

"Pinsan kumalma ka nga ano bang nangyari sayo at mukhang naiinis ka sa binabasa mong libro? Hindi ka ba sang-ayon sa iyong binabasa mo o may ibang dahilan pa?"

Napabuntong hininga ako naitabi ang libro sa gilid.

"Nag-away kami pero hindi naman malala."

"Hula ko patungkol sa isang lalaki ano? Si Lemuel ba? Halika at resbakan natin ang isang yun. Wag kang magselos lang nang magselos diyan umaksyon ka kaagad."

Pinigilan ko na siya nang akmang tatayo na siya at hihilain ako palabas ng library para gawin ang suhestiyon niya. Mariin akong umiling at sinenyasan siyang umupo na muna sa kanyang silya ulit. Kumunot ang noo niya at pinag-ekis ang braso.

"Mali ba ako hindi si Lemuel ang pinagseselosan mo?"

"Hindi siya pero hindi naman ako nagseselos pinsan."

"Sus ako pa lolokohin mo eh ganyang ganyan ako dati nung kami pa ni Eva halos sinasamaan ko na ng tingin ang kada lalaking nagcoconfess sakanya noon. Ganyan na ganyan ako hindi makapagfocus sa pagbabasa at laging nakakunot ang noo kapag naiisip ko yung mga gagong lalaking yun."  Ramdan na ramdam ko ang inis sa kanyang boses habang nagsasalita at inalala ang nakaraan.

"Do you I look like I'm jealous?" paninigurado ko.

Tumango siya. "Sobra pinsan sobrang nagseselos ka. Teka sino ba ang lalaking pinagseselosan mo? Kilala ko ba?"

Hindi pa man ako nakakapagsalita ulit ay nilapitan na kami ng librarian na nasa gilid lang pala namin. Pinagalitan niya kami gawa ng pag-iingay at pagdisturbo namin sa pagbabasa niya. Nahihiyang humingi kami ng pasensya at lumabas nalang muna sa silid aklatan para doon nalang magpatuloy sa pag-uusap.

Nakita kong napatingin sa amin si Emory nung papalabas na kami pero agad din nag-iwas ng tingin at ibinalik ang atensyon kina Nathalie.

Dumiretso kami sa likod ng building na department nila at doon nagpatuloy sa pag-uusap. Ikwinento ko sakanya ang patungkol kay Noel at sa ginawa nito kagabi. Seryosong seryoso siyang nakinig sa akin hanggang sa matapos ako sa pagsasalita ay hindi na nagbago ang ekspresyon niya sa mukha. Tumatango pa siya na tila ba naiintindihan niya ang sinasabi ko at kung bakit ako nakaramdam ng pagka inis.

"Pinsan mukhang mag-ingat ingat diyan si Emory sa paraan palang ng pagtingin niya at paghawak niya? Baka may balak na yung masama lalo na't nalaman na nung Noel na yun na boyfriend ka niya."

"Sinabihan ko naman siya na lumayo layo sa lalaking yun at sumang-ayon siya. May tiwala naman ako kay Emory pero sa lalaking yun? Wala talaga."

"Bantayan mo nalang siguro si Emory at wag mong hayaang makalapit ang gagong yun."

"Ano ba istura niya? Gwapo ba?"

Tumango ako. "Medyo? Ewan basta ayoko sakanya."

Natawa siya sa naging sagot ko."Aba'y dapat lang talagang huwag na huwag mong hayaang makalapit yun. Mahirap na. Kahit sabihin pa ni Emory na merong girlfriend yun panigurado namang nagsisinungaling yun eh."

"Pero pinsan wag kang magpadala sa emosyon mo ha at baka mas lumala ang away niyo at humatong kayo sa pag-aaway ayoko pa namang humantong kayo pareho sa sitwasyon namin ni Eva sayang yung pinagsamahan."

Breathless (UNEDITED)Where stories live. Discover now