Chapter 40

31 15 0
                                    

Chapter 40

Nagising ako ng maaga at nagluto ng breakfast kay Eva nag-iwan lang ako ng note at inilagay ko sa mesa katabi ng niluto ko. Nakauwi ako sa bahay saktong alas sais ng umaga.

Saktong pagbukas ko ng bahay agad na bumungad sa akin ang nakahiganh si Emory sa sopa habang hawak hawak sa kamay ang cellphone niya. Mukhang kagabi pa niya ako hinihintay bigla ako nakaramdam ng pagkaguilty nang mapansin ko ang pagkain na nakalatag sa maliit na mesa at hindi pa nagagalaw. Pakiramdam ko ay ang sama sama ko na hindi ko nga masabi sakanya ang totoo tapos nagawa ko pa siyang paghintayin mula kahapon.

Iniligpit ko ang mga nagkalat at naglinis na rin. Nagluto na lamang ako ng makakain namin nang magising naman siya at mabilis na napabangon mula sa pagkakahiga. Kinusot kusot niya ang mata niya at malaking malaki ang ngiti nang makita ako.
Tiniklop niya ang kumot at inayos ang higaan saka naman lumapit sa akin at yinakap ako mula sa aking likuran.

"Anong niluto mo? Nagising ako sa bango ng amoy nakakagutom naman!"

"Nakapagluto na ako ng garlic fried rice just in case gusto mong mag rice for breakfast and miso soup as well."

Tinuro niya ang kasalukuyang ginagawa ko. "Eh ano yan?"

"This is a boiled egg, hiniwalay ko lang ang yolk sa egg white. Then I mashed the yolk and added some mayo and mixed it together. I also did crashed the egg whites into smaller pieces tapos imi-mix ko itong dalawa pagkatapos ay ilalagay sa gitna ng tinapay."

"Ah, ano pala ang tawag diyan?"

"Japanese egg salad sandwich."

"Mukhang masarap, I want one please. Teka- anong oras ka nakauwi kagabi?"tanong niya.

"Actually kakauwi ko lang hindi ko nasagot ang mga tawag mo at text dahil wala na akong load. I'm sorry I made you wait last night. Promise babawi ako."

"Where were you nga pala last night? Natulog ka ba sa bahay nina Gio?"

"A-actually doon ako sa natulog sa bahay nila Eva because she was all alone last night. Nasa Taiwan ang parents niya kasi may emergency at nakiusap siya sa akin na samahan ko na muna siya."

I expected her to be mad but she just nod. Tila ba naiintindihan niya ang sitwasyon.

"You're not mad at me?"

"That's fine. I cooked last night kasi akala ko makakauwi ka sorry ha nangialam ako sa kusina mo."

I felt bad.Humarap na ako sa kanya at hinakawan ang mukha niya.

"I'm so sorry." Hinalikan ko siya.

"That's fine. Naiintindihan ko naman."

"Thank you."

Tinulungan na niya ako sa paglatag ng pagkain sa mesa. Habang ginagawa niya iyon ay naghugas na muna ako ng pinggan at naglinis nang mabilisan sa mesa. Itinali ko muna ang buhok niya bago ako naupo sa silya sa harap niya.

"Is it good?" tanong ko matapos siyang sumubo.

"Yeah. Mukhang maswerte ako sa magiging asawa ko dahil masarap magluto."

Natawa ako ng malakas. " Taas ng pangarap mo diyan Ms. Maghirang."

"Mataas talaga ipinagdadasal nga kita nang matagal na panahon. Dapat lang pakasalan mo ako noh."

Pagkatapos naming mag-agahan ay dumaan na muna kami sakanila hindi namin naabutan ang Papa niya dahil maaga itong umalis para magtrabaho. Sakto namang papaalis na ang mama niya kasama ng kanyang mga kapatid. Ani nito ay papunta sana siyang ospital para magpacheck up kaso kailangan niya pang ihatid ang mga anak. Nag-offer na lang ako na kami nalang ang maghahatid ng mga kapatid niya papunta sa paaralan ng mga ito tutal malapit lang din naman ang paaralan nila sa unibersidad na pinapasukan namin.

Breathless (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon