Chapter 44

26 10 0
                                    

Chapter 44

Tinitigan niyang mabuti ang kamay ko at bahagyang natawa kahit wala namang nakakatawa. Inis na inis talaga ako sa paraan ng pagngiti niya para bang ang yabang yabang.

Naibaba ko na ang aking kamay nang hindi niya nga tinanggap ang pagkakalahad nito sa harapan niya.

"Noel, boyfriend rin ni Emory."

"Noel! Ano ba!" saway sakanya ni Emory.

Natawa na naman siya at tinapik ang balikat ko.

"Sorry, pare. Once again, Noel nga pala kababata ako ni Emory. Matagal tagal na kaming magkaibigan ni Emory akala ko kanina delivery boy ka yun pala ay isa sa mga bisita." He tried to joke.

"Pagpasensyahan mo na, Kio he's very drunk. Nakainom na siya kanina pa bago pa man nagpunta dito sa bahay." Bulong naman ni Emory at pinisil ang kamay ko na hinawakan niya.

Napangiti ako ng pilit. He doesn't seem very drunk to me. I'm sure alam na alam niya ang mga salitang binibitawan niya. Hindi siya marunong umarte.

"Nga pala boyfriend ka di ba? Bago pa kayo noh? Ngayon lang kasi kita nakita sa lugar pero medyo pamilyar ka sa akin siguro nagkita na tayo hindi ko lang maalala."

"Nakatira lang ako medyo malapit dito. Hindi ka pamilyar sa akin pero baka nga nagkasalubong tayo sa daan siguro ay hindi ko lang din maalala."

"Hmm...Sabi ko kay Emory dati eh hintayin niya ako..."

"Magsitigil ka nga Noel ang mabuti pa ay umuwi ka na sa inyo at magpahinga. Lasing ka na."

"Ayokong umuwi sa amin dito nalang ako matutulog ano. Babantayan kita mula sa lalaking toh di mo alam baka may binabalak tong masama sayo." He tried to joke again and laughed.

"Hindi niya ako kayang gawan ng masama Noel."

"Oh? Sus! Ang poblema kasi sayo Yielle masyado kang uto uto."

Nahihiyang tumingin sa akin si Emory at muli na namang humingi ng pasensya sa inasal ng kaibigan. Damn it. Gustong gusto ko na talaga paliparin ang kamao ko sa mukha niya pero sa huli ay napigilan ko pa rin ang sarili ko.

"Nice to meet you, Noel. I'm sorry to interrupt you two kailangan ko kasing makausap si Emory may importante lang kaming pag-uusapan."

"Oh yeah? Englishero pala. Sige mag-usap kayo."

Sinenyasan niya sa Emory na bumalik pagkatapos namin mag-usap. Hindi na siya sumagot bagkus ay sumama nagpahila na sa akin hanggang sa mapaupo kaming pareho sa sopa.

"Are you alright?"

Tumango siya. " Thank you, Kio. Mabuti nalang at dumating ka kaagad baka nasipa ko na ang itlog ng lalaking yun kanina pa."

"Kababata mo ba talaga yun? Pano kayo naging malapit sa isa't isa?" Hindi ko mapigilang naitanong sakanya.

"Unfortunately, yes magkababata nga kami pero mabait naman talaga siya. Medyo ganun...nga lang umasta kapag umiinom nakasanayan ko nalang minsan naman kapag hindi kaya nagkukulong ako sa kwarto."

Napadaan ang tatay sa gilid namin at narinig ang pag-uusap naming dalawa at tinanong si Emory kung tama ba ang narinig niya. Napatiim ang bagang ng kanyang ama ng marinig nito mula mismo sa anak ang pangyayari.

"Kio pasensya ka na sa batang iyon ha? Medyo may pagkabaliw at saltik ang ulo nun kapag talaga nakainom. Ang mabuti pa ay pumasok na kayo sa kwarto at magpahinga paniguradong pagod na pagod kayo mula pa kanina."

Tumango na ako at sumang-ayon at bago pa man kami makapasok sa kwarto ay tinawag ko ang tatay ni Emory at niyakap saka siya muling binati ng maligayang kaarawan. Humingi na din ako ng pasensya at hindi ko siya nakausap kaagad dahil sa naging abala na rin ako sa kusina naiintindihan naman niya at sinabi sa akin na okay lang. Tinapik tapik niya ang balikat ko at sinenyasan na kakausapin niya ng masinsinan si Noel patungkol sa inasal nito.

Breathless (UNEDITED)Where stories live. Discover now