Chapter 36

26 12 0
                                    


Chapter 36

Pinagpapawisan ang mga kamay ko, inantay kong
umalis na muna ang tatay niya at hayaan kaming mag-usap pero nanatili ito sa pwesto.

"Ano hindi ba kayo mag-uusap? Aba'y mas mabuti sigurong itigil niyo na ito--"

"Pa naman!"

"Aba'y bakit?"

Tumikhim ako.

"Emory..." panimula ko.

Hindi ko na naman nasundan ang sasabihin ko nang bigla nalang humiga sa paanan namin pareho ang tatay niya. Nakaekis ang mga braso at nakapikit ang mga mata habang inaantay ang pag-uusapan sa namin ng anak niya. Napahilamos ng mukha si Emory at humingi ng pasensya sa akin. Tumango na lamang ako at sinimulan na nga ang pakikipag-usap ko sakanya. Linakasan ko ang loob ko at sinabi sa kanya ang totoong nararamdaman ko at humingi ako pasensya nung mga panahong naging masungit ako at sa mga pambabalewala ko sakanya.

Nagtagal ng isang oras ang pag-uusap namin halos makalimutan na nga namin na nakikinig nga pala ang tatay niya. Kamuntikan pa niyang maikwento ang nangyari sa Tagaytay mabuti nalang at napigilan ko kaagad kundi ay maiitak talaga ako ng tatay niya.  Samantala dinalhan namin kami ng nanay niya ng mainit na kape maging sina Rio sa labas ay tinimplahan na rin. Kausap nila ang mama ni Emory sa labas kanina pa. Sa kalagitnaan ng aming pag-uusap ay tumayo ang papa niya at tumikhim sabay tingin sa labas.

"Ang tahimik na sa labas oh parang wala ng katao tao"pagpaparinig nito sa amin.

"Ha? Hindi naman masyadong malalim ang gabi Pa. Grabe ka naman hindi pa naman alas dose."

"Iho, hindi ka ba pumasok sa trabaho?" pambabalewala wala nito sa sinabi ng anak.

"Kabilin bilinan ng amo po namin ay hindi na muna kami magbubukas sa ngayon. Kasi inaayos pa yung computer namin doon hindi kasi umandar at pinapaayos pa yung glass window na nagcrack nung nakaraang araw. Bukas po ay balik na kami sa trabaho."

"Hmm...hindi ka ba makakaabala sa anak ko sa pag-aaral? Ayokong bumaba ang grades nitong anak ko."

"Makasiguro po kayong hindi po mangyayari ang kinatatakutan niyo. Hindi po ako magiging abala sa anak niyo."

Napangiti si Emory at tumango tango bilang pagsang-ayon sa sinabi ko.

"Wag kang mag-alala, Pa. Kaya naman mataas ang marka ko lately ay dahil na rin kay Kio sinasabay niya ako sa tuwing nag-aaral siya kasama ng iba pa naming mga kaibigan sa library."

"Ah ganun ba? Hindi pa ba kayo uuwi? Tingin ko ay malapit nang umulan oh sa lakas ba naman ng hangin. At nang sa ganun ay makatulog na itong anak ko at makapagreview naman lalo na't malapit na ang exam niyo."

Tumayo na ako at nagpaalam saka humingi ng pasensya sa pagbisita ko ngayong gabi. Tumango naman siya sa akin at nang makapasok ang asawa niya sa sala ay inaway siya nito ng palihim. Hinatid kaming magkakaibigan ni Emory at ng nanay niya hanggang sa may gate. Nagpaalam ako sa dalawa at nagpasalamat.

Hindi pa man ako nakaalis ay hinawakang maigi ng nanay niya ang kamay ko saka ako niyakap at binulungan.

"Maraming salamat sa pagbisita mo, iho at sa pagmamahal sa anak ko. Pasensya ka na sa inasal ng tatay niya protective kasi yun natatakot siyang baka makasira ka lang sa plano niya kay Emory. Pasensya ka ha?"

Tinapik ko ang likuran niya at niyakap siya pabalik.

"Okay lang po, naiintindihan ko naman. Sige po, mauna na kami. Salamat po nang marami."

"Bye, Kio ingat ka!" huling wika ni Emory bago siya hilahin ng tatay niya papasok.

Natawa nalang kaming pareho nang bumusangot ang mukha niya at nagpapadyak na pumasok sa loob ng bahay. Natulog sa bahay ang tatlo hindi ko sila pinauwi sumang-ayon naman ang tatlo at nag-uunahan sa paghiga sa sopa matagal bago kami nakatulog dahil sa nagkwentuhan pa kami at nasali sa usapan patungkol sa pangyayari sa pagitan naming tatlo nila Gio at Eva nang magtanong si Rio sa akin.

Breathless (UNEDITED)Where stories live. Discover now