Chapter 33

32 11 0
                                    

Chapter 33

"Kung pwede lang wag na natin pag-usapan ang bagay na iyan. Lumilihis ka na sa pinag-uusapan natin."

"Okay fine! Let me go straight to the point. Hindi kita binibiro. I'm being honest. Magkaibigan lang kami ni Lemuel at yung nakita mo kaming magkasama tinutulungan ko lang siya sa isang importanteng bagay at ganun rin siya sa akin."

"Wala na akong pake patungkol diyan."

I see how badly hurt she is.

"Basta nagsasabi ako sayo ng totoo..." aniya sa mahinang boses.

Akmang aalis na niya ang kamay niya sa bandang dibdib ko nang hawakan ko ito at seryosong tinignan siya sa kanyang mga mata.

"If you're telling the truth stay away from him then." I demanded, sounding so jealous.

"Pero bakit? Hindi pa ba talaga sapat na sabihin ko sayo na nagsasabi ako ng totoo? Hindi ko siya pwedeng layuan---"

"You still like him?"

"No! Ikaw nga! Paulit ulit ka naman friends nga lang kami."

"Eh ikaw? Gusto mo ba ako? Sagutin mo na ako ngayon dahil ayokong umasa lang ako sa wala. Ayokong ilaan ang oras ko sa taong hindi naman pala ako gusto para matapos na toh--"

"I care about you. "

"Care yun lang? So ibig sabihin hindi mo ako gusto--"

I cutted her off.

"I like you. I-I love you..."

There, I said it. I've always been in denial, I've kept my feelings to myself. I don't want to risk but I can't ignore my feelings anymore. She has to know.

Bago pa man siya makapagreact at makapagsalita ay umalis na ako tumakbo ako ng tumakbo papalayo. Kinabahan na kinabahan ako nung masabi ko yun hindi ko alam kung ano ang dapat kong sasabihin bilang kasunod kaya kahit nagmukha man akong tanga ay tumakbo ako papalayo. Narinig kong tinatawag niya ang pangalan ko pero hindi na ako lumingon bagkus ay diretso diretso na ako sa bahay.

Pagkarating ko naman malapit sa bahay natigil naman ako sa pagtakbo at nagulat nang makita ko si Tiyo nakaharap sa bahay na inuupuhan ko. Base sa pagmumukha niya ay tila kanina pa siya nag-aantay. Napansin ko kaagad ang kaibihan sa anyo niya mas lalo siyang pumayat ngayon, kapansin pansin ang paghaba ng kanyang buhok at gusot na gusot ang gamit. Animo'y naliligaw kung titignang mabuti.

Bigla akong nakaramdam ng lungkot naalala ko pinangakuan ko nga pala siyang tatawag ako pero hindi ko ginawa. Pakiramdam ko ay ang sama ko ng pamangkin pero ano pa nga ba ang magagawa ko gayung yun naman ang kagustuhan ni Gio para sa ikakabuti ng papa niya. Hindi nagtagal ay napatingin siya sa gawi ko ang kaninang malungkot na mukha ay napalitan ng sigla. Saka ko lang napagtanto na tuluyan na siyang nakalapit sa akin nang maramdaman kong niyakap niya ako.

"Iho, mabuti at ayos na ayos ka lang. Namiss kitang bata ka araw araw kong inaantay ang tawag mo palagi din kitang kinokontak kaso nga lang ay hindi mo naman sinasagot. Nag-aalala ako ng lubos at baka napano kaya mabuti naman at walang nangyari sa iyo" nag-aalalang sabi niya nang matapos niya akong yakapin.

"Hindi na po sana kayo nagpunta rito" naging malamig ang pakikitungo ko sakanya.

"Iho...hindi pwedeng hindi ko masiguro na nasa maayos kang kalagayan alam mo namang nangako ako sa mga magulang mo na aalagaan kita."

"Wag na po kayong mag-abala simula ngayon hindi niyo na po ako kailangang dalawin po dito at alagaan niyo po ang sarili niyo. Mas lalo po kayong pumayat kumpara nung huli tayong magkita. Iniinom niyo po ba ang mga gamot ninyo?"

Breathless (UNEDITED)Where stories live. Discover now