Chapter 4

120 14 4
                                    


Chapter 4

Nagising nalang ako nang maramdaman ko ang isang malamig na bagay na tumatama sa aking pisgi. Kinusot kusot ko ang aking mga mata at inayos ang sarili saka ko lang din napansin na nakadungaw na pala si tiyo sa akin nakangiti masaya siyang nakatingin habang ipinapakita sa akin ang hawak niyang tupperware. Tinapik niya ang pisngi ko at umupo sa katapat na sopa kung saan ako natulog.

Napansin ko ang oras sa orasan mag-aala una na pala at base sa kasuotan ni Tiyo mukhang kanina pa sila nakauwi at hindi ko man lang napansin ang pagdating nila sa himbing ng aking tulog.

"Pasensya na po at hindi ko kayo napagbuksan--"

"Ano ka bang bata ka okay lang may susi naman akong dala kaya nakapasok na rin kaagad kami. Pasensya ka na at medyo natagalan ah nagkasiyahan pa kasi kami doon."

"Okay lang po" pagod kong sagot halatang inaantok pa.

Sumenyas siya sa akin na lumapit para tignan ang nasa loob ng tupperware niya kaya naman ay kaagad kong sinunod ang utos niya. Pagkabukas na pagkabukas niya ng tupperware ay kaagad na umalingawsaw ang bango ng adobo at lechon pinaghalo pa ata dahil nasa iisang lagayan lang.

Nakangiting inilahad niya sa akin ito at maging ang isang bote ng coke. Para pa siyang nahihiya sa akin nung iabot niya ito.

"Sige na kunin mo eto at baka makita pa ni Tiya Merin mo na nag-uwi ako ng ulam galing doon. Alam mo naman yun parang lalamunin na ako sa tuwing nagagalit o naiinis. "

Napatawa kami pareho nang mahina sa sarili niyang biro. Kami nalang ata ang gising sa loob ng bahay sobrang tahimik eh. Naririnig pa namin ang ingay ng mga hayop sa labas.

"Kain ka na ,anak. "

Bigla kong naalala si tatay nang tawagin niya akong anak. Napaisip ako bigla kung si tatay pa ang tumawag sa akin nun paniguradong magiging mas masaya ako. Kung nangyari lang sana ang bagay na iyon siguradong iyon na ang pinakamagandang alaala ko sakanya. Kaso malabo nang mangyari.

"Hindi ka ba gutom Kio? O hindi mo gusto itong ulam na dinala ko para sayo gusto mo ba bilhan kita sa labas---"

Tinanggap ko ang nakalahad na pagkain at yumuko. " Salamat po wag na po kayong mag-abala pang bumili sa labas. Kakainin ko naman lahat ng ibibigay niyo sa akin. Sobra sobra pa po ito..."

"Ano ka ba! Kulang pa nga iyan at wag kang mag-aalala hindi yan tira tira namin doon sinadya ko talagang damihan yung ulam at nagtabi ako para sayo. Nakita kasi kita kanina binibilang mo iyong nasa alkansya mo mukhang kukulangin pa nga iyon kapag kinuhanan mo ng pambayad ng kuryente , tubig at pambili ng ulam."

Napakamot siya ng ulo at nahihiyang tumingin sa akin. " Pasensya ka na at hindi kita magawang bigyan ng mga pangangailangan mo. Nagtiya-tiyaga naman ako kaso kulang talaga ang sweldo ko lalo na't nasa kolehiyo na rin si Gio. Nahihiya ako sa iyo sa mga naririnig mo sa mga Tiya mo sana ay wag mong damdamin lahat ng masasakit na salitang natatanggap mo."

"Hangga't maaari wag kang maniwala sa kung ano man ang lalabas sa bibig niya at ako na humihingi ng pasensya"

"Sige po tiyo..."

"Pasalamat talaga ako at napakabuti mong bata hindi ko talaga maintindihan kung bakit naging masalimuot ang mga pangyayari sa buhay mo pero siguro naman ay mas may magandang plano ang Panginoon sa iyo lalo na't ikaw ay may mabuting puso"

Sana nga...

Umabot kami ng alas tres ng gabi sa pag-uusap. Napag-usapan namin ang ilang mga bagay na hindi namin napag-usapan gaya nalang nang nangyari nung nakaraang limang buwan. Sinubukan niyang alamin sa akin kung napatawad ko na ba ang tatay ko sa mga nagawa nito sa akin. Ngumiti lang ako matagal na kahit nung hindi pa siya namatay napatawad at naiintindihan ko naman siya.

Breathless (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon