Chapter 11

33 11 1
                                    

Chapter 11

Alas sais ng hapon nang masimulan na namin ang paggawa ng introduction sa research. Isa isa kami ng laptop pinahiram ako ni Jane ng extra niyang laptop nang mapansin niyang wala akong dala. Abala ako sa pagtitipa ng keyboard sa laptop habang sila naman ay nagbabasa ng related studies sa research namin.

Nagpalit palit kami kung sino mana ng may ikakadagdag ay siya namang hahawak sa laptop na hawak ko. At ako naman ay sandaling magpapahinga tapos ay sumasabay sa pagbabasa nila. Ganun ang ginawa namin hindi kami tumigil hanggang sa mag-ala una na. Kaninang alas diyes naman ay pinadalhan kami ng mama at papa ni Jane ng makakain dala dala ng isang katulong nila.

Napainat ako sa aking mga braso. Sumasakit na ang balikat,at leeg ko sa kakayuko sa pagtipa maging ang mata ko ay sumasakit na din sa lakas ng brightness ng laptop kaya hininaan ko na muna ito. Makalipas naman ang kalahating oras nang tignan ko silang apat ay nakatulog na silang lahat. Si James ay nasa sopa nahihirapang isiniksik ang sarili, habang ang tatlo namang babae ay nasa iisang kama sa gitna ay si Jane sa bandang kanan naman niya ay si Nathalie at sa bandang kaliwa niya ay si Emory na nasa gilid ko lang din.

Natawa ako sa posisyon nilang tatlo lalong lalo na kay Emory na nakanganga at bahagyang nakabukas ang mga mata. Palihim kong kinuha ang cellphone ko at itinutok sa kanya at kumuha ng ilang litrato. Naitago ko naman kaagad ito nang paunti unti siyang gumagalaw at mabuti nalang hindi siya nagising. Inupload ko muna ang mga larawan sa gdrive ko bago ako natulog ,nasa may gilid ng kama nakapwesto ang manipis na kutson na hinigaan ko.

Samantala nang sumapit naman ang umaga ay nauna na akong gumising sakanila at tinulungan ang mama ni Jane sa pagluluto ng almusal. Nagising kasi ako nang makarinig ako ng tunog galing sa kusina saktong sakto namang hindi na ako inaantok.

Alas siyete naman nang magising sila at natapos sa pagligo. Naisipan pang magtampisaw sa pool nila Jane nagawa pa niya akong imbitahin pero huminde na lang muna ako.

"Wow..."manghang manghang sambit ni Emory sabay upo sa gilid ni Nathalie.

"Ikaw nagluto nito, Kio?" gulat na tanong ni Jane at Nathalie sa akin at pabirong nagtakip ng mga bibig.

Nahihiyang tumango ako sabay ngiti. Natawa naman ang mama ni Jane at pabirong ginulo ang buhok ko.

"Para tuloy akong nanghinayang na hindi ako nagkaanak ng lalaki."

"Pwede pa kayong humabol, Tita" pagbibiro ko pa.

"Ay naku! Di ko na kakayanin manganak baka mapahiya lang ako sa ospital."

"Alam mo Kio the best future husband ka eh kung sino man mapapangasawa mo ang swerte swerte. Nasa iyo na ang lahat hardworking, matalino, mabait at may respeto." Nagsi apiran sina Jane at Nathalie at Emory naman ay umismid sa akin.

"Sus! Anong swerte? Aba'y dapat lang naman talaga ganyan ang mga lalaki at hindi pabigat sa tahanan. Muntik na nga pala akong mabulunan sa mabait ah? Parang hindi naman..."

Tawang tawa siya nang balingan ako at parang batang binelatan ako. College na ba talaga toh? Parang bagong graduate lang ng kindergarten.

"Ah talaga ba Emory? Kung makapagsalita ka ng masama sa akin parang nagsama na tayo--"

"Aba'y kung yan lang naman ng pag-uusapan walang pakandungang Oo ang isasagot ko----"

Bago pa man niya mabanggit ang patungkol sa motel ay sinubuan ko na siya ng chicken hotdog na nasa harap niya sabay pasok ng malaking bola ng kanin.

"Para kayong aso't pusa naalala ko ganyan na ganyan din kami ng asawa ko noon..."

"Hindi po namin gusto ang isa't isa!" we said in chorus, sounding so defensive.

Breathless (UNEDITED)Where stories live. Discover now