KABANATA 3

6 0 0
                                    

"Happy Birthday, pre!" sigaw ni Franz habang nakataas ang bote ng alak.

"Happy Birthday, Kenneth!" masayang bati naming lahat.

"Cheers!" aniya.

Katatapos lang ng klase namin at dahil birthday niya, lumabas kaming magkakaibigan kasama ang level head at seniors namin. Nasa isang restaurant kami at nagkakasiyahan na.

"Sayang! Wala si Dianne." malungkot na wika niya.

"Kaya nga, eh."

"Kailan kaya uli tayo makukumpleto? Masaya rin sana kung nandito sila Renz at Seffie."

Speaking of that two. Namimiss ko na rin sila. Hindi ko talaga maiwasang manghinayang sa nangyari sa kanila. Akala ko pa naman ay magiging sila rin pero biglang gumulo ang lahat simula noong bumalik sa North si Seffie at biglang umalis ng Quezon si Renz. Ano kayang nangyari? Alam ko na ang side ni Seff. Kay Renz na lang ang hindi pa.

"Thanks." saad ko naman dito sa katabi ko na sinalinan ng juice ang baso ko pagkatapos makipag cheers sa mga kaibigan.

Hindi na ako nagtaka dahil ganito talaga siya kaasikaso sa akin. Tuloy ay hindi maiwasang maging tampulan kami ng tukso dahil sa kalambingan niya.

"Wala ba akong kiss?" nakangusong tanong niya na naging dahilan ng panunukso ng mga kasama namin kaya hinampas ko siya sa braso. "Ouch!" nakangiwi subalit nakangising reklamo niya.

"Yiiiieeeeee. Sige na, Cleah! Pagbigyan mo na! Wala namang mga bata, eh. HAHAHAHA!" ani Gab na hindi ko malaman kung kinikilig ba o ano.

"Kissssssss!" parang iisang tinig nilang sigaw na halos makakuha na sa atensyon ng iba pa naming kasabay na kumakain. Naramdaman ko ang pag-akyat ng mainit na pakiramdam sa mukha ko. Daig pa namin ang bagong kasal kung utusan nila.

Napahalakhak si Luk at inakbayan ako. "Mahiyain, eh." aniya na sa mga kasamahan namin nakatingin at tsaka ako hinila palapit sa kanya at dinampian ng halik sa pisngi." shocks! Pakiramdam ko ay pinamulhan ako ng mukha. Hindi naman ito ang unang beses na ginawa niya iyon pero hindi ako sanay na may ibang tao. Lalo pa at nandito rin ang seniors namin.

"Yown!!!!! HAHAHAHA!" halos magwala naman ang lahat dahil sa ginawa niya. Paanong hindi? Hindi naman kami nagpi PDA sa school.

Pasaway!

Walang patid na kwentuhan ang namigitan sa bawat isa hanggang sa isa-isa nang nagpaalam ang mga matatanda.

"Oh, paano? Huwag kayong magpapagabing masyado at may pasok pa tayo bukas." paalala ni Mr. Romeo.

"Huwag masyadong uminom, boys." ani Sir Francis.

"Happy Birthday uli, Kenneth." huling bati ni Mr. Felaez at sabay-sabay na silang umalis at umuwi.

Kaming magkakaibigan na lang ang naiwan.

"Kumusta naman iyong kapalit ni Dianne, Luk?" mayamaya ay tanong ni Kimberly.

"Si Ms. Marionne? Ayos naman. Medyo tahimik nga lang tsaka teacher pala talaga siya. May units lang kaya nakapasa sa HR. In time, baka magka subject load siya. Kung may mabakante." mahabang paliwanag niya.

"Malabo iyan. Kumpleto na ang lahat ng teachers at mukhang wala namang aalis. maswerte nga si Cleah at nagkataong may pinalitan siya." ani Sammie. Totoo iyon. Buti na lang talaga, at salamat kay Mr. Clifford.

"At buti na lang din dumating siya sa GMC!" bulalas naman ni Nikki. "Ang laking asset mo sa school, alam mo ba?"

"Agree!"

"Kaya hindi na ako nagtataka na maraming nagkakagusto, eh."

"Ang swerte talaga ni Luk."

Gusto kong mahiya sa mga sinasabi nila sa akin pero at the same time, nakakatuwa. Hindi ko alam na ganoon pala nila ako nakikita.

WHEN LOVE AND PRIDE COLLIDE (When Doubts and Trust Collide Sequel)Where stories live. Discover now