KABANATA 29

3 0 0
                                    

"Come on, Loukas! Imagine hurting the girl God has sent to heal you. Talaga bang gaganiyanin mo si Cleah? My God, Loukas! For heaven's sake, man up! Face your past and traumas! Face your unhealed self. Hindi ka na bata kaya huwag mong tinatakbuhan ang mga problema mo. At puwede ba, pakibilis-bilisan dahil baka magsisi ka kapag bumalik kang wala ka ng Cleah sa buhay mo!"

Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga sinabing iyon ni Kenneth. Para akong sinapak ng realidad dahil tama siya. Walang ibang ginawa si Cleah kung hindi mahalin ako sa paraang alam niya at hindi niya deserve masaktan sa mga bagay na hindi niya naman kasalanan in the first place.

Fuck! I'm so stupid for hurting her that bad. And I'm not sure if she can still accept me... pero sana.

Nasa byahe na ako ngayon pabalik sa Quezon. Galing ako sa Norte dahil inayos ko ang isa sa mahalagang bagay at kasado na ang mga plano ko ngayon. I will marry the one and only woman who captured my heart. The one who taught me what love really is.

Yes, after what I did to her, I still have the guts to ask her to be my wife. Kulang ang magkabilang sampal kapalit ng mga katangahang nagawa ko, but it's now or never.

Mapalad akong nakuha ko pa rin ang basbas ng mga magulang niya sa kabila ng mga nagawa ko kaya hindi na ako mag-aaksaya pa ng oras.

Sa mga araw na nawala ako ay hindi siya nawala sa isip ko, pero tiniis ko. Ayokong mas masaktan ko siya kaya mas pinili kong lumayo. Gusto kong ayusin muna ang sarili ko at ang pamilya ko.

Nasaktan ko siya sa mga sinabi ko sa kaniya lalo na noong nalaman niyang hindi ako naniniwala sa kasal. Alam ko kung gaano niya kagusto iyon and it's making me guilty knowing that I am not capable of giving it to her.

But now I've made up my mind. She is worth the risk. Kaya inayos ko ang mga dapat ayusin at masaya akong wala ng problema sa pamilya ko. Pero may kulang pa, at siya iyon.

Biglang tumunog ang cellphone ko na nasa may dashboard.


Puedes contar conmigo is now live.


Fuck! She's on a live podcast!

Agad kong pinindot ang notification at tahimik na nakinig. Pumailanlang sa buong kotse ko ang boses niya.

God! I missed you, Clei.


Pero halos manigas ako sa mga huling salitang binitawan niya.

"I love you, Luk. And I don't regret loving you. I am now setting you free. And you don't have to feel guilty about it. Malaya ka na. Take care of yourself, please?"

Fuck! No!

Agad kong idi-nial ang isang numero na agad din namang tumugon sa akin. "Yes, Kuya?"

"Call her. NOW!" maawtoridad kong utos tsaka pinutol ang tawag at halos paliparin na ang sasakyan ko!

Nang makarating sa lugar ay matiyaga kong hinintay ang pagdating niya hanggang sa marinig ko na sila. Kasalukuyan ako ngayong nandito sa rurok ng bundok habang hinihintay ang papalubog na araw. Sa palagay ko naman ay maniniwala siyang naaksidente ako at dito natagpuan ang katawan ko.

I'm sorry, Clei. But I had to put a little act to summon you.

"Sigurado ka bang nandito, Choy?" rinig ang pinaghalong hingal at pag-aalala sa boses niyang tanong sa kapatid ko.

I felt relieved knowing that she still cares for me after all that I have done to her.

"Yes. I'm sure. Dito iyon. Malapit na tayo." ani Choy.

Ni minsan ay hindi ko naisip na darating ang ganito at hihingi ako ng tulong sa taong halos kamuhian ko dahil sa selos at inggit. I know he admires her kaya ganoon na lang ang selos ko sa kaniya noon. Pero talagang pinaglaruan kami ng tadhana dahil magkakadugtong pala ang mga buhay namin.

Ilang sandali pa at natanaw ko na ang tumatakbong si Cleah. Kitang-kita ako ang pag-aalala sa mukha niya na agad ding napalitan ng pagkabigla.

"L-luk?" hindi makapaniwala niyang tanong. "A-akala ko—"

Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin nang tawirin ko ang pagitan naming dalawa at agad na yakapin siya.

"I'm really sorry, Clei." puno nang pagsisisi kong paghingi ng tawad. "Patawarin mo ako. Nagkamali ako. Nasaktan kita. Hindi ko sinasadya. Please, Clei..." hindi ko na napigilan ang sarili kong hindi mapaluha. Sobrang namiss ko siya at sobrang natatakot akong hindi niya na ako tanggapin pa sa buhay niya.

"L-luk..." umiiyak na ring tawag niya sa akin.

Agad akong bumitaw mula sa pagkakayakap at lumuhod sa harap niya. Hawak ang isang singsing ay hindi na akong nagpatagal pa at inalok siya.

"Cleah Jae Concepcion, marry me, please."

Laglag ang panga niya sa gulat at tila ba biglang tumigil sa pagpatak ang kaniyang mga luha.

"Be my wife, Clei. Let's get married." muli kong alok sa kabila ng hindi na magkamaway na kaba sa dibdib ko. Para itong lalabas doon at anumang oras ay tatakasan ako ng ulirat pero bago pa man iyon mangyari ay nakita ko ang pagtango niya! "Is that a yes?" hindi makapaniwala kong tanong.

"Y-yes. Loukas." halos hindi ko na marinig na sabi niya dahil sa labis na paghikbi.

"Yes! Oh, God! Thank you Lord!" sigaw ko habang nagtatatalon at muli siyang ikinulong sa mga bisig ko. Mayamaya pa ay dumating na ang official na kinausap ni Choy.

"A-ano 'to?" naguguluhan niyang tanong.

"We will get married now. Here." nakangiti kong wika.

"H-ha?" hindi makapaniwala niyang sagot kaya natawa ako.

Hinawakan ko ang dalawang kamay niya at maharan itong pinisil. "Hahaha. Don't worry. May babas na ako ng mga magulang mo. Isa pa, papakasalan uli kita sa simbahan pagbaba natin dito. Pero gusto kong ikasal na tayo ngayon. Dito mismo. Habang papalubog ang araw."

Isa-isa na ring lumabas ang mga kaibigan namin na halatang hindi niya napansin. Kanina pa sila nandito at nagtatago lang sa ibang parte nitong bundok. "Oh my gosh!"

"I invited them to witness this very special moment for us, Clei."

Wala akong tugon na natanggap maliban sa mahigpit niyang yakap. "I love you, Clei. And I'm really sorry for hurting you again."

"I love you, too!" aniya. Bumitaw siya sa pagkakayakap niya at tsaka ako binigyan ng isang matamis na halik sa labi habang patuloy sa pag-agos ang luha sa mata niya. Puno ito ng pagmamahal at pangungulila. Naramdaman ko ang paglalim nito at ang pagsabit ng kaniyang mga kamay sa leeg ko habang nakaalalay naman ang isang kamay ko sa bewang niya at nakahawak naman ang isa pa sa batok niya. Masyado akong mahina para hindi ito suklian at tugunan. Ilang linggo ko ring hindi nahagkan ang babaeng mahal ko.

God. How I missed her lips.

"Ehem." tikhim ng magkakasal sa amin na kanina pa naghihintay upang pag-isahin kami.

Pareho kaming napangiti habang rinig ang tawanan ng mga kaibigan namin.

"Sorry po." nahihiya subalit nakangising saad niya nang mabawi at mahabol ang hininga.

"Ikasal na iyan! Alam kong excited na si Luk mag honeymoon!" sigaw pa ng loko-lokong si Kenneth.

WHEN LOVE AND PRIDE COLLIDE (When Doubts and Trust Collide Sequel)Where stories live. Discover now