KABANATA 18

7 0 0
                                    

"Hello, Cijz! Oh my gosh! I missed you!" bulalas ni Seffie mula sa kabilang linya. Magkausap kami ngayon sa video call at kita na ang maumbok niyang tiyan.

Tapos na ang klase ko at naghihintay na lang sa uwian. Naisipan kong tawagan siya para kumustahin.

"Kumusta ka?" masaya kong tanong.

Hinimas niya ang tiyan at ipinakita sa akin. "Medyo malaki na siya, Cijz. I can't wait. You know." natatawang wika niya.

Natawa ako. Halatang excited na siyang lumabas ang anak niya pero matagal-tagal pa ang hihintayin niya. Ni hindi pa nga alam ang kasarian nito. "Hindi talaga ako makapaniwala sa bilis ng pangyayari, Seff." pinaghalong pagkabilib at pang-aasar na usal ko. "Masyadong mabilis ang pangyayari. Akalain mong naunahan mo pa ako?" tatawa-tawa kong tanong.

"Wala eh. Hindi na ako pinakawalan ni Kallum." aniya na hindi matatawaran ang ngiti sa mga labi. Wala pa silang isang tao nang ikasal at ito siya, buntis na sa una nilang anak.

"Haba ng hair." panunukso ko.

Natawa lang siya. "Eh ikaw ba, kailan? Sundan mo na ako para magkasing edaran lang din ang mga anak natin. Oh my gosh! Ang cute no'n Cijz!"

Ito na naman iyong pakiramdam na ayoko. Dahil maging ako sa sarili ko ay hindi ko masagot kung kailan. Dito ko napagtanto na mahirap din pala ang ganitong sitwasyon ng babae. Iyong maghihintay ka kung kailan ka aalukin ng kasal. Oo, puwede ninyong pag-usapan. Pero hanggat hindi kayo pareho ng saloobin, maghihintay ka pa rin.

"Uy, Cijz!" untag niya na siyang nagpabalik sa akin sa ulirat at bago pa man ako makasagot sa naiwan niyang tanong ay biglang dumating si Luk.

"Si Seff." salubong kong bati sa kaniya at tsaka itinapat ang cellphone ko. Agad gumuhit ang ngiti sa mukha niya at kinuha ito.

"Seffie! Kumusta?" masayang bati niya rito. Pinanood ko siyang makipag-usap sa kapatid at ramdam na ramdam ko ang pananabik niya rito.

Buong buhay niya ay lumaki siya na silang dalawa lang ng papa niya dahil wala rito ang mga kamag-anak nila. Tanging si Dianne ang nagsilbi niyang karamay noon pero nagkahiwalay din sila ng kaibigan ng magdesisyon itong lumuwas sa Maynila at doon magtrabaho.

Hanggang sa matapos sila ay hindi na nawala ang mga ngiti niya.

"You really missed her."

"Yes. So much." nakakatawa lang na ganito siya kavocal ngayon. Kung sana ay noon niya pa sinabi sa akin, edi hindi na sana kami ilang ulit na nag-away. "And I envy Choy."

"Bakit naman?"

"Because he's with her all the time." mukhang mas lalong madaragdagan ang selos niya sa lalaki.

Tinawanan ko lang siya. "Kailan mo planong sabihin kay Seffie?" tanong ko sa kaniya.

Hanggang ngayon kasi ay wala itong alam sa totoong relasyon nilang dalawa. Si Choy lang ang alam niyang kapatid niya. Biglang dumaan ang lungkot sa puso ko. Kapag nalaman niyang may ibang asawa at anak din si Tita Carol katulad ng ama niya, sigurado akong masasaktan na naman siya.

"Hindi ko alam. Kung maselan ang pagbubuntis niya ay baka hindi niya kayanin. Ayokong mapahamak ang kapatid at magiging pamangkin ko." may punto siya.

Kita ko naman ang lungkot sa mga mata niya. "Eh kay Tita Carol, may plano ka bang makipag-usap?" nangunot ang kanyang noo.

"Iyon ba ang pangalang ipinakilala niya sa inyo?" tanong niya. "Ayoko. Kung may gusto man akong makasama ay ang kapatid ko lang at wala ng iba pa." anong ibig niyang sabihin?

"Hindi mo rin sasabihin kay Tito?" hirap na hirap kong tanong. "Sa palagay ko kasi ay kailangan niyang malaman ang tungkol doon."

"No, Clei. Hindi na kailangan." may diin niyang wika.

"Paano kung bumalik siya rito?"

Nag-iwas siya ng tingin. "I don't know, Clei." aniya at nilapitan ako para akbayan. "Uwi na tayo." malambing na sabi niya at panakaw akong hinalikan sa pisngi. Agad naman akong napatingin sa paligid para suriin kung may nakakita sa amin.

"Don't mind them." natatawa niyang bulong tsaka kinuha ang mga gamit ko at hinila na ako palabas.

Alam kong ginawa niya iyon para iwasan ang mga tanong ko.

"Guys! May nahanap na kami ni Sammie na tour package. Okay ba sa inyo, this Friday night ang alis tapos sa Sunday ang uwi?" masayang bungad sa amin ni Kimberly.

Ang bilis talaga nila basta sa galaan.

"Tara! Nabitin ako sa Alibijaban natin, eh." ani Gab na nakaakbay kay Jacob. Suot na nito ang bag nito at mukhang pauwi na.

"Go ako riyan. At syempre, kapag kasama ako, kasama rin ito." malambing sa wika naman ni Nikki sabay hila sa kamay ni Franz.

"Ayos din ako." ani Jacob. "Para makapagrelax naman."

"Kayo, Neth?" tanong ni Sammie.

"Pag-iisipan ko."

Agad nangunot ang noo nito sa naging sagot niya. Halatang hindi niya iyon inasahan. "Hoy! Anong drama iyan?" mataray na asik nito. Dito na ako nakakita ng pagkakataon para sabihin ang sitwasyon ko.

"Mukhang hindi rin ako makakasama, guys." nahihiya kong sabi. At tulad ng inaasahan ko ay natapon sa akin ang lahat ng paningin nila!

"Bakit?!" animo ay iisang tao nilang tanong. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o matatakot.

"May MA ako every Saturday, remember?"

Parang nalungkot naman si Nikki. "Hala! Oo nga pala."

"Hindi na lang din ako sasama." ani Luk na siyang ikinagulat ko.

"Ayoko na rin." ani Sammie.

Shocks! Ano ba naman ito? Parang bigla akong nakonsensya dahil sa mga itsura nila.

"Baka puwedeng umabsent ka muna, Cleah?" tanong ni Gab. "Magaling ka naman, eh. Sigurado akong kayang-kaya mong habulin ang mamimiss mong lesson."

"Agree!" dagling pagsang-ayon ni Sammie.

"Kayo... Mga bad influence kayo." sita naman ni Kenneth. Lihim akong napangiti sa sarili ko. If I know, ayaw lang din talaga niyang sumama kaya naghahanap siya ng kakampi.

"Please, Cleah girl... Tsaka nakausap ko na kasi ang coordinator. Akala ko kasi okay sa lahat, eh." nakikiusap na saad ni Kimmie.

Naramdaman ko ang paghimas ng kamay ni Luk sa likuran ko. Kahit wala siyang sabihin ay alam kong nakasuporta siya sa kung anuman ang maging desisyon ko.

Bigla kong naalala ang nangyari sa amin. Walang kaalam-alam ang mga kaibigan namin sa naging problema naming dalawa at aaminin kong sumakit ang ulo ko roon.

"Kung sakali bang sasama ako, sasama ka na rin Kenneth?" nakangisi kong tanong.

Gulat niya akong nilingon. Hindi makapaniwalang biglang nagbago ang ihip ng hangin.

"Pambihira!" aniya.

"Yieeee. Sasama na iyan." pambubuyo ng mga kaibigan namin.

"Sige na. Sige na." nauubusan ng pasensyang sabi niya. "Sa kulit niyong iyan ay alam ko namang hindi niyo ako tatantanan. Si Cleah nga, napapayag niyo, eh." mahabang himutok nito na siyang nagpatawa sa aming lahat.

"Tama iyan. Paminsan-minsan ay lumabas kayong magkakaibigan at kalimutan muna ang mga problema at trabaho." biglang sulpot ni Mr. Felaez suot ang malaking ngiti.

Malaki na ang ipinagbago ni Sir. Nakasundo na rin niya ang iba pa naming katrabaho at masaya akong malaman na nakarecover na siya sa anger management issue niya.

"Oh! Set na tayo, ha?" masiglang paniniguro ni Kimberly.

Bigla akong namroblema kung anong gagawin ko sa MA ko.

WHEN LOVE AND PRIDE COLLIDE (When Doubts and Trust Collide Sequel)Where stories live. Discover now