KABANATA 23

5 0 0
                                    

Gabi na nang umuwi si Luk. Pagkaalis niya ay agad kong kinuha ang cellphone ko para tawagan ang isang numero na matagal ng nakatengga sa contacts ko.

"Hello?" bungad ng matipunong tinig sa akin.

"Hi." nahihiya kong sagot.

"Yes, Cleah? Napatawag ka? You need something?"

Shocks! Nakakahiya talaga pero kailangan kong gawin ito. "I just wanna ask for your help sana. Book publishing matter. Are you free? Can we meet?" dire-diretso kong tanong.

"I see." aniya. Hindi ko tuloy alam kung anong iniisip niya ngayon. "Kailan?"

"Bukas sana."

"Bukas?"

"Oo. Busy ka ba? Okay lang kung sa ibang—"

"No. It's fine. Nagulat lang ako. Is that so urgent?"

"Uhm. Oo, eh."

"Okay. Saan mo gusto?" hindi naman ako agad nakasagot. Bukod kasi sa hindi ko naisip iyon ay wala rin akong masyadong alam sa Maynila. "We can meet in our hotel if you want." aniya. "Wait, alam ba ni Seffie ang tungkol dito?"

"H-hindi ko pa nababanggit."

"I see. So, is it fine with you kung sa hotel na lang?"

"Y-yes. Pasensya na talaga. I mean, thank you sa pagpayag."

"Don't mention it. It's fine. I love helping, though. So... I'll see you tomorrow. Ingat sa byahe."

Ibinigay niya uli sa akin ang address ng lugar kung saan kami magkikita. Laking pasasalamat kong pumayag siya dahil buo na ang desisyon ko bago ko pa man siya tawagan. Sana lang ay umayon sa akin ang sitwasyon.


MAAGA akong gumising. Kailangang makarating ako sa tamang oras. Hindi ako puwedeng mahuli sa usapan namin dahil importante ang lakad kong ito.

Laking pasasalamat kong maluwag ang daan at mabilis ang byahe ko. Wala pang alas dose nang makarating ako sa hotel na sinabi niya. Nakareserve na ang isang unit para sa akin kahit na sinabi kong hindi rin ako magtatagal. But he insisted. Talagang mabait din ang isang iyon. Mas lalo tuloy tumindi ang kagustuhan kong maayos ang lahat.


"Thanks for coming, Choy." panimula ko nang makarating sa isang fine dining kung saan niya ako inaya. Sinundo niya ako sa hotel nila at ipinaubaya ko na sa kaniya ang lugar kung saan kami mag-uusap dahil ang gusto ko na lang ay masabi ang sadya ko.

"Wala iyon. So, how can I help you? Have you decided to publish your stories?"

"Uhm... ang totoo Choy... may mas importante akong dahilan sa pakikipagkita sa 'yo." seryoso subalit kinakabahan kong sagot.

"What is it, then?"

"Ano kasi..." shocks! Paano ko sisimulan?

Nakita ko ang matiyaga niyang paghihintay. "Go ahead. Spill it."

Huminga muna ako nang malalim. "It's about Luk."

"Is he still jealous of me? You see, Cleah. I'm really sor—"

"No. Hindi iyon." agad kong putol sa sasabihin niya. Alam kong ang tinutukoy niya ay ang nangyari noong kasal ni Seffie. The crazy garter game!

"Oh. Then what?"

Muli akong humugot ako nang malalim na hininga at agad din itong pinakawalan. "He's your half-sibling."

"Wait... What?!" gulat na tanong niya. "Are you sure? How did that happen? Paano mo nasabi?" inasahan ko ng ganito ang magiging reaksyon niya pero ito ako at parang nagulat pa rin.

"Your mom is his mom." hindi nag-iisip na sagot ko. Malamang Cleah. Kaya nga sila magkapatid, eh.

"I don't understand, Cleah."

"Remember when we visited you last time? That was the time when he started to act weird."

Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Kung paano ko ipapaliwanag ang lahat sa kaniya.

"Simula noong bumisita kami sa inyo, may napansin akong pagbabago kay Luk. And recently, hindi na ako nakatiis dahil talagang hindi ko na maintindihan ang mga ikinikilos niya. So, we had our big fight."

"Bakit kayo nag-away?"

"Because of Seffie."

"What about Seff?"

"I thought he likes my friend." bigla akong nilamon ng hiya sa sinabi ko. I never saw this coming. Hindi ko naisip na pagseselosan ko ang kaibigan ko at sasabihin ko ito sa kapatid niya. "But I was wrong. And I'm really feeling guilty about it."

"I'm sorry, Cleah. But your story is so vague that I can't follow its flow."

Alam ko. Kahit ako ay nahihirapan.

"Kung hindi niya gusto si Seff, then what's the matter? I mean, what's his problem? Why is he acting weird? At paano nangyaring we have the same mother?"

"He thought that Seffie was his sister. And it took me a while bago ko mapagtantong mali siya dahil ang akala kong tinutukoy niyang mama niya ay si Tita Carol. He saw a picture of your mom together with you and Seffie. Akala niya, si Seffie ang anak ni Tita Criselda instead of you." naguluhan din talaga ako noong sinabi sa akin ni Luk ang lahat pero naisip kong si Tita Carol ang sinasabi niya dahil may picture din silang tatlo sa bahay nila Choy katabi ng isa pang picture na kasama naman ang mama ni Choy.

"Si mom?" gulong-gulo niyang tanong. "How?"

"He recognized her. I mean, her picture, Choy."

"Damn! Is that real? Are you sure?"

"Yes. Siya mismo ang nagsabi sa akin noong nag-away kami na ang mommy mo ang mama niya. At inakala niyang si Seffie ang anak nito kaya ganoon na lang ang pagiging concern at malambing niya rito."

"Kaya pala."

"Anong kaya pala?"

"Kaya pala he seemed so attentive to her."

Tumango ako. "Napansin mo rin pala."

"Yes. Pero hindi ko masyadong ginawang big deal. But all this time, I was right."

Hays. Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan kahit papaano.

"Pero paano mo nalaman? I mean, paano mo malaman na nagkamali siya ng akala?"

"I saw a file kung saan nakasulat ang pangalan ng magulang niya. Matagal ko ng tanong iyon sa kaniya pero ni hindi niya mabigkas man lang ang pangalan ng mommy niyo kaya noong sinabi niya sa akin na kapatid niya si Seff, naguluhan din ako. I really thought it was Tita Carol though a part of me doesn't want to believe it because I know Seffie's background. Even your story." pag-amin ko. Noong nagkita kasi kami last year ay ikinuwento niya ang lahat. Kung paano nangyaring nagkaanak si Tito kay Tita Criselda na mommy niya at pati na rin ang tungkol sa unang pamilya nito na nangkataong mama rin pala ni Luk kaya magkapatid din sila.

"Alam na ba niya ang tungkol dito?"

Bagsak ang balikat kong napa iling. "Hindi pa. Si Seffie pa rin ang kinikilala niyang kapatid niya. At hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya na mali siya. I'm sorry, Choy. Hindi ko alam kung kanino lalapit. I know Seffie's pregnancy is crucial and I can't wait for her na manganak bago pa itama ang lahat. I know how much you want to meet your brother, Choy."

"She also told you that?" hindi makapaniwalang tanong niya na sinagot ko lang ng tipid na tango. "That woman. She almost expose everything about me." natatawa niyang sabi. "Is there anything else she has told you? Baka pati love life ko, nakwento niya na rin?"

Sa pagkabigla ako ay natawa na rin ako. "No. Hindi na kami umabot sa ganoon."

"Thank God." akala mo ay napakalaking luwag noon sa dibdib niya. "But kidding aside, thanks for telling me this, Cleah. You don't know how much this means to me, and my mom."

"I know, Choy. I know. That's why I need your help."

WHEN LOVE AND PRIDE COLLIDE (When Doubts and Trust Collide Sequel)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ