KABANATA 2

8 0 0
                                    

"Cleah girl! Tara na! Ikaw na lang ang kulang. Papunta na raw si Luk. Gutom na kami." untag sa akin ni Sammie habang hawak-hawak ang tiyan at nakanguso sa akin. Nasa trabaho ako ngayon at hindi nauubusan ng papeles sa harapan.

"Susunod ako, Sammie. Tatapusin ko lang ito. Mauna na kayong mag lunch."

"Sure ka?" alanganing tanong niya.

Tipid ko naman siyang sinagot. "Hm."

Ewan ko ba. Kauumpisa pa lang ng taon ng klase pero ang dami na agad trabaho. Masyado akong nabigla sa dami ng gawain dito at sa pag-aaral ko. Talagang nangangapa ako ngayon.

But there's no turning back! This is my dream. And I am going to pursue it by hook or by crook and no one can hinder me! Even my grumbling stomach!

Hindi ko naiwasang mapangiti sa sarili kasabay ng pag-iling ko. Ngayon na lang uli ako naging ganito kadeterminado. Ngayon na lang uli ako nagkaroon ng sense of purpose at pakiramdam ko ay kaya kong gawin ang kahit na anong ipagawang trabaho sa akin.

Bago ko pa lang naibabalik ang atensyon sa mga report at deadlines na hinahabol ko ay muling may umagaw nito.

"Heroine! Busy?" tanong niya sa akin na ngayon ay nakapasok na sa working area ko.

"Hm. Medyo, Hero. Maraming work loads ngayon at ang dami ring incident reports ng Grade 8 and 9." sagot ko sa kaniya.

"I see."

"Ikaw, kumain ka na?" gutom na rin ako pero hindi pa ako makalabas sa opisina ko. Tambak talaga ang trabaho.

"Not yet. Gusto kong sabay tayo."

Napangiti ako at napatigil sa mga binubuklat na papel. Ang clingy niya talaga.

Malaki ang pasasalamat ko sa taong ito. Dahil sa kaniya ay nakabalik na ako sa dating ako. Sa loob ng mga panahon na gulong-gulo ako ay hindi ko na inasahan pa na muli kong matatagpuan ang sarili ko. Sino ang mag-aakala na ang dating may malalang trust issue sa katawan dala ng anxieties at depression ay muling gaganahan na mabuhay? I can't thank Him enough. He made my healing process real quick with the help of Loukas on my side.

"If that's what you want, then let's go." nakangising sagot ko at ako na mismo ang humila sa kaniya palabas ng opisina ko. How can I say no to him, though?

Nadatnan naming nakadulog na sa mahabang lamesa nitong faculty room ang mga kaibigan at katrabaho namin.

"Sa wakas! Lumabas rin!" bulalas ni Franz na ngayon ay nakaupo sa tabi ng nobya na si Nikki at masayang kumakain. Halos namumualan pa nga ito nang magsalita.

"Sino ba naman kasi ang makakatanggi sa isang Loukas Advinante?" natatawang tanong naman ni Jacob. Kami na naman ang nakita nila. Well, yeah. He's right. Luk is irresistible.

Tulad ng nakasanayan na namin ay pulos asaran ang naging tanghalian namin. Pagkatapos naman noon ay agad din akong bumalik sa naiwang trabaho. May klase na ako ng ala una at may sampung minuto na lang ako para maghanda.


"Good afternoon, Miss Cleah." sabay-sabay na bati sa akin ng Grade 10-Grace. Hindi katulad noong mga nagdaang taon ay mababait ang hawak kong section ngayon. Pero kahit na ganoon, aaminin kong namimiss ko ang mga batang iyon lalo na ang batch ng kapatid kong sila Kenji.

"Good afternoon." balik-bati ko naman at agad na nagpaskil ng larawan sa pisara at pagkatapos ay muling hinarap sila at tinanong. "Ano ang masasabi ninyo sa larawan?" isa itong larawan ng lalaking nandudukot sa walang kamalay-malay na katabing babae habang may bubble thought sa taas niya kung saan ipinakikita naman ang anak niyang may sakit at nakaratay sa kama.

WHEN LOVE AND PRIDE COLLIDE (When Doubts and Trust Collide Sequel)Where stories live. Discover now