KABANATA 16

6 0 0
                                    

"Talaga, Kuya? Naglaro kayo ni Ate?" hindi makapaniwalang tanong nito nang maikwento ni Hanz ang ginawa namin. "Mabuti at buhay ka pa ngayon, Kuya."

"Hoy!" asik ko naman sa kaniya na ngayon ay tatawa tawa na.

Kumakain na kami ngayon ng hapunan na ihinanda ni Hanz. Hindi ko inakala na marunong itong magluto. At masarap! Akala ko kasi ay puro kayabangan lang ang alam nito pero nagbago iyon lahat simula ng makasama ko siya ngayon.

"Almost." pagpatol niya sa biro ng kapatid. Talagang pagtutulungan nila ako?

"Ang sama niyo sa akin." maktol ko.

"Namiss kita eh, Ate. Susunduin ka ba ni Kuya Luk?"

"H-ha?"

"Ihahatid ko na lang siya." sagip-sagot naman ni Hanz. Alam kong ginawa niya iyon para hindi makahalata ang isa.

"Kuya, ha..." mahihimigan ang panunukso sa tinig nito.

"What?"

"Crush mo si Ate, ano?"

Bahagya itong natawa habang ako naman ay parang gusto na lang maglaho sa kinauupuan ko. Kung magtanong siya ay para bang wala ako sa harapan nila. "Crush? Pang teenager lang iyon."

Natawa ang kapatid nito at nagpatuloy na sa pagkain kaya ganoon na rin ang ginawa ko.

"I think it's best to say that I'm attracted to her."

Halos mabilaukan ako sa sinabi niya! Shocks! Paano niya nagagawang maging ganito ka straightforward sa amin?

"Hindi naman siguro masamang humanga, hindi ba CJ?"

Hindi nakasagot ang kapatid ko. Halatang nagulat siya pero kalaunan ay nakuha na rin nitong magbiro.

"Iba talaga ang isang Ate Cleah Jae."

"I'm done. Let me know if you're going. I'll take a shower first." sabi nito sa akin at iniwan kaming dalawa sa hapag.

"Kinukulit ka ba ni Kuya Hanz, Ate?" seryosong tanong nito sa akin. Malaki na siya at alam kong nakukuha niya ang mga sinasabi nito.

"Hindi naman masyado." pagsisinungaling ko.

"Baka mahulog ka ha, Ate?"

Kunot-noo ko siyang sinagot. "Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Alam mo namang si Luk lang ang mahal ko."

"Alam ko iyon, Ate. Pero taksil ang puso. Ayoko lang dumating sa punto na magkaiba na ang sinasabi ng isip at puso mo." makahulugan niyang turan na hindi ko napaghandaan.

Talagang nag mature na siya. Pakiramdam ko tuloy ay ang tanda-tanda ko na.


"Dito ba?" tanong ni Hanz. Tinutukoy ang daan papunta sa bahay.

"Oo. Malapit na riyan sa pagliko." sagot ko. Lulan kami ng sasakyan nila na sobrang lamig.

Para akong may kasamang balat-kalabaw na ni hindi man lang ata giniginaw.

"Shocks!" mahinang bulalas ko nang makita ang isang pamilyar na pigura na nakasandal sa isang kotse na kilalang-kilala ko kung kanino.

"Why?" takang tanong nitong kasama ko.

Nang ihinto niya ang sasakyan ay agad kong tinanggal ang seatbelt. "Thanks, Hanz. Ingat." sabi ko at agad na bumaba. Hindi na hinintay pa ang sagot niya.

Nandito talaga siya! Hindi ako namamalik-mata.

"Clei. Saan ka galing? Kanina pa kita hinihintay." puno ng pag-aalala niyang tanong. "Can we talk, please? Hindi mo sinasagot ang mga tawag ko."

"Bukas na lang. Pagod ako."

"Bakit? Anong ginawa mo?" tanong niya. Naramdaman ko ang paglapit ni Hanz. Shocks! Bakit bumaba pa siya? "Sino 'to at bakit magkasama kayo?"

"Luk, please. Tsaka na lang tayo mag-usap. Umuwi ka na."

Pero hindi siya tuminag. "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko."

"Pre, gusto ng magpahinga."

Hinarap niya ang lalaki at pangahas na tinanong. "Nililigawan mo ba ang girlfriend ko?"

"Luk..." pagsawata ko sa kaniya. "Galing ako kila Calixx. Magkapatid sila. Will you please stop making stories?" pero hindi siya nakinig sa mga sinabi ko at nanatiling masama ang tingin sa lalaki. Hinihintay ang sagot nito.

"Hindi pa. Pero puwede naman, depende sa 'yo." gulat kong nilingon ito. Shocks! Bakit naman ganoon ang sinabi niya? Mas lalong magagalit si Luk nito, eh!

Tumigas ang anyo ni Luk at sumara ang magkabila niyang kamao. "Sira ulo ka, ah! Sino ka ba, ha?"

"Ako ang sasalo sa kaniya kapag nagkamali ka at binitawan mo siya."

"That's not gonna happen! Damn you!" aniya at isang malakas na suntok ang dumaiti sa mukha ni Hanz. OMG! Galit na galit si Luk. Ramdam ko sa nanginginig niyang mga braso nang awatin ko siya.

"Nice try, man." pang-aasar pa nito. "You better make your guard up so high. 'Cause I'm not going to hesitate to steal her when it's needed." aniya at tsaka nagpaalam sa akin. "I better go, Cleah. Thanks for today. I had so much fun." laglag ang panga ko sa sinabi niyang iyon. Halos manghina ako sa kaba idagdag pang ramdam na ramdam ko ang panginginig ng kalamnan ni Luk.

"Fuck!" mariin niyang sigaw nang makaalis si Hanz. Bumitaw siya sa pagkakahawak ko at humarap sa akin. "What was that, Cleah? What was that?!"

Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Alam kong kahit anong sabihin ko ay hindi niya paniniwalaan lalo pa at ganoon ang mga sinabi ni Hanz.

Sunod-sunod na nagsipatakan ang mga luha ko. Hindi ko makuha ang tamang salita. Walang tamang salita!

"Shit. I'm sorry." aniya at agad akong ikinulong sa mga bisig niya.

"I'd like to think that we're even. I'm hurting with the thought of you cheating on me, and you're hurting with the thought of me cheating on you. But we're actually not. We're not even because I am not cheating on you, Luk..." humahagulgol kong wika. "Hindi kita kayang lokohin at hindi ko alam kung bakit hindi mo makuhang magtiwala sa akin."

"Shh. Please don't cry. I'm sorry. Please listen to me too." aniya at ihinarap ako sa kaniya. "Mag-usap tayo, please, Clei. Ipapaliwanag ko ang lahat sa 'yo."

Marahan niya akong inalalayan sa paglakad hanggang sa matunton ang harap ng pintuan ng bahay. Wala mang lakas ay nagawa ko pa ring hagilapin ang susi at buksan ang saradura. Hanggang sa pag-upo ko ay nakaalalay siya sa akin. Saglit niya akong iniwan at nagtungo sa kusina. Pinanood ko siyang kulimos nang malaya sa tinutuluyan ko. Nang balikan niya ako ay dala na niya ang isang baso ng tubig.

"Drink this." mahinahong saad niya. Para akong isang maamong tupa na sinunod ang sinabi niya. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako sa pinaghalong sakit at kabang nararamdaman ko.

Naubos ko ang laman ng baso. Kinuha niya ito sa akin at ipinatong sa center table tsaka umupo sa tabi ko.

"Hindi kita niloloko." panimula niya. Tutok ang paningin niya sa luhaan kong mga mata. "Sorry kung hindi ko agad sinabi sa 'yo. Hindi ko kasi kaya. I'm really sorry, Clei." kinuha niya ang mga kamay ko at marahang hinimas ang mga ito. May kung anong init ang humaplos sa puso ko. Dahan-dahang napapalitan ng init ang nanlalamig kong puso. "She's my sister." hirap na hirap niyang sabi.

WHEN LOVE AND PRIDE COLLIDE (When Doubts and Trust Collide Sequel)Where stories live. Discover now