Entry 29: COLONY'S SUGAR CRUSH

7 2 0
                                    

COLONY’S SUGAR CRUSH
Fantasy
Legacies SleepingSinger 🛡️
Nars Syndicate 2.0 Weekly Task 2
One Shot Entry 29

Maraming nagkakagusto sa crush ko. Hindi naman sa nakikipag-agawan ako pero . . .

Pwedeng sa akin na lang siya?

Char!

Pero why not ‘di ba?

Ako si SleepingSinger. Oo, ‘yan nga yung name ko. May problema ba kayo sa pangalan ko? Wala? Goods! Akala ko meron eh. Huwag ninyong tagalugin! Anong natutulog na manganganta? Hoy! Stop it! Isusumpa ko kay—char!

College student na ako, palakaibigan na mahiyain. Oo, mga 20% siguro? Basta gano’n! Pakialam ninyo ba? Oo, mataray talaga ako. Kidding! Joke lang! Mabait naman talaga ako, opo!

Kilala ako sa nickname ko na “Sleep”. Iyon din kasi ang nickname na itinatawag sa akin ng mga kaklase at kaibigan ko. Minsan, tinatawag akong “tulog” tapos tatanungin kung antukin daw ba ako. ‘Di ba? Mga tarantado eh ‘no?

“Hoy!” Napaigtad na lamang ako nang bigla akong alug-alugin ng bestfriend kong si Jaylord.

Inis akong lumingon rito. “Ano bang problema mo?!” Tanong ko sa kaniya sabay irap para lasap ang katarayan ko ngayong umaga.

“Ang aga-aga nakasimangot ka. Sino bang iniisip mo? Ako?”

Aba! Ang kapal ng mukha ah.

“Ikaw?! Wala ka na bang hiya sa katawan? Anong ikaw? Tss! Pangit mo kaya!”

“Aray ko naman kaibigan. Ang sakit mo naman magsalita. Parang hindi kaibigan ah. Ang sungit! Meron ka ba ngayon?”

“Wala! Sadyang badtrip lang talaga ako, okay? Wala kao sa mood. Kaya layo ka muna. Shoo! Shoo!” Pantataboy ko sa kaniya pero imbis na layuan ako, ay tinabihan pa ako ng mokong kaya mas lalo akong nairita.

Nasa bandang gitna ang row kung saan ako nakaupo sa silid-aralan. Nasa kanan kaming girls at nasa left ang boys. Nasa bandang harapan sa mga upuan ng boys kung saan ang upuan nitong mokong na kausap ko ngayon. Napapadpad siya rito para lang guluhin lamang ang isang tulad ko na nananahimik lang.

“Tara milktea! Para naman mawala ang pagka-badtrip mo,” aya nito na siya namang tinanggihan ko.

Humalukipkip ako, “Ayoko.” Wala nga kasi ako sa mood, Jaylord, tapos anong milktea?! Ayoko no’n! Tumataba na nga ako eh.

“Anong gusto mo? Ako—”

Pinilit kong kumalma. Baka kasi kung ano ang magawa ko fito kay Jaylord eh. “Pwede bang lumayo ka muna sa’kin? Nagtitimpi lang ako, kaya layo ka muna sa’kin. Please?”

Tumango-tango ito at tumayo na sa pagkakaupo sa upuan na nasa tabi ng upuan ko. “Okay, mamaya sabay tayong kumain ah! I’ll wait for you,” anito sabay alis.

Nang makaalis na siya, tamang daydream na naman ako. Kanina pa kasi pabalik-balik yung nakita ko kanina sa may hallway. Alam ninyo kung ano ‘yon?

Siyempre hindi pa, hindi ko pa naman sinasabi eh.

So, ito na nga. Nakita ko lang naman si Crush na may kaakbay na magandang babae sa hallway, habang sabay na naglalakad at nagkukwentuhan. Ang saya, saya niya. What if ako na lang 'yon?

Char!

Umaasa na naman ang isang tulad ko kahit na sobrang labong mangyari nang iniisip ko. Hayst! Makapag-review na nga lang!

Bubuklatin ko na sana ang reviewer ko nang makita sa di kalayuan mula sa bintanang tinatanawan ko si Crush.

Si Dave.

THE TALES OF THE COLONY OF ANTS Where stories live. Discover now