Entry 13: DANGEROUS COLONY

14 2 0
                                    

DANGEROUS COLONY
Action
by Armenian Discutido Daniela/ cryptic_being7 🏹
Nars Syndicate 2.0 Weekly Task 2
One Shot Story Entry 13

Hi I’m Daniela, I’m just an ordinary girl with a miserable life.

Basagulera kung ituring, I’m a first year college student. Marami na akong grupo na sinalihan para lang matanggal ang stress ko sa buhay. Ang mga grupo na sinasalihan ko ay puro pakikipaglaban.

Sa paraan na ito ko nailalabas ang lahat nang sama ng loob na mayroon ako.

Ang paggamit ng kamao at lakas ay hindi na bago sa akin. Dahil kilala ang pamilya ko na hayop sa pakikipaglaban. Maraming tao ang natatakot sa kanila, kaya napag-isipan kong lumayo sa puder nila para mabuhay nang matiwasay.

“Hey! Dani, what’ s up?” Bungad sa akin ng kagrupo kong si Kei.

“Anong kailangan mo?” Agad na tanong ko, nakakapanibago na binati niya akong walang mura.

“Eto naman, ang sungit kinakamusta ka lang eh!” Umupo ito sa aking tabi.

“As usual, humihinga pa naman,” napailing na lang ito.

Nakaupo kami ngayon sa isang bench, dito sa school campus. Habang nakatingin sa mga guard na inaawat ang mga nag-aaway na estudyante.

“Bakit h indi ka sumali?” Tanong ni Kei.

“They're just nothing.”

“No doubt, kaya ka namin naging leader eh. Kasi ang tapang mo,” she said.

I won’t dent it, I’ve always got involved in trouble. Kung saan may away ay nandoon ako, pero ni minsan ay hindi ko naisipang makipag-away sa loob ng campus.

Mas sasakit @ng ulo ko roon, tumayo na ako. “I’ll go now, see you later.”

“Sandali, hindi ko pa nasasabi ang balita ko para sa’yo.”

“What’s the news?”

“May alam na akong lugar kung saan ka pwede makipag basag-ulo.”

“Where?” Binigyan ako nito ng maliit na papel.

“Diyan, puntahan mo iyan. Nagre-recruite sila para sa bagong membro. Mas may thrill ang pakikipaglaban diyan, at may premyo pa,” naintriga ako sa sinabi niya.

“What is prize?”

“Of course, money . . .”agad akong napaisip sa offer nito.

Hindi naman siguro masama kung susubukan ko, besides ay gipit ako ngayon.

“Kailan ako pupunta?”

“Mamaya, hihintayin kita diyan,” magtatanong pa sana ako sa kaniya pero tinawag ito ng professor nila.

“Sige, we’ll talk later!” Umalis na ako roon at pumasok sa aking klase.

***********

Nasa harap ako ngayon ng abandonadong building. Hindi ko alam kung tama itong pinuntahan kong address. Sinubukan kong pumasok pa sa loob nito, hanggang sa may makita akong karatula.

“Colony Of Ants.” Iyon ang nakalagay.

Maya-maya pa ay lumabas si Kei mula sa isang pintuan.

“Kanina pa kita hinihintay, pumasok ka na,” sumunond ako sa kaniya.

Pagpasok ko sa loob ay naging maaliwalas ang paligid. Hindi ko maiwasang mapahanga, para itong auditorium. Sobrang ganda ng loob nitong building kumpara sa itsura nito sa labas.

THE TALES OF THE COLONY OF ANTS Where stories live. Discover now