Entry 14: LOVE IN COMA

11 3 0
                                    

LOVE IN COMA
Romantic Tragedy
by Hydras Pinky Calayag, kiiwivyy 🌊
Nars Syndicate 2.0 Weekly Task 2
One Shot Story Entry 14

The car accident is happened, because Kass want me to die. Mabilis ang pag takbo nito sa kotse at dahil sa bilis ay may truck na dumating sa dinadaraanan namin. Doon kami tumilapon. Kass was died at mabuti ay nakaligtas ako pero nandito pa rin ako sa Colony of Ants (COA) Hospital.

I'm Yvonne, when the first I saw him at the hospital he always in my mind. Lagi siyang dumaraan sa kwarto ko, tapos ay sumisilip ito sa pintuan ng room ko. Kapag nakatingin ako sa kaniya ay ngumingiti siya.

Tatlong araw niya yun na ginagawa pero hanggang ngayon ay hindi ko pa alam kung ano ang pangalan niya. Matangkad na lalaki, maputi, at katulad ko ay pasyente rin ito.

Dahan-dahan akong tumayo at hinawakan yung dextrose ko at nagpasya na lumabas. Sana ay makita ko yung lalaki na laging naka silip sa pinto.

Pagkalabas ko ay may mga nurse na dumaraan habang may inaalalayan na pasyente. Lumingon ako sa kanan nagulat ako, na nandito yung lalaking gusto ko makita. Nakatingin siya sa akin.

"Hi! Buti naman at lumabas ka na sa kwarto mo," masayang bati ko sa kaniya ngunit wala itong kibot.

"O-okay, sabi ko nga hindi ka nagsasalita, pero nagtataka ako. Bakit sa tuwing dumaraan ka sa kwarto ko sumisilip ka?" Sa pangalawang pagkakataon ay hindi na naman siya sumagot, tumingin lang ito sa akin at umiwas din.

"Forda silent ka naman, ako nga pala si Yvonne. You can call me, Yvo or Vonne, kung saan ka masaya." Sabi ko naman dito pero hindi pa rin siya sumagot.

isang mahabang katahimikan ang bumalot sa aming dalawa habang nakaupo kami, pero nagulat na lang ako nang bigla siyang nagsalita.

"Kenneth."

Napatingin ako sa kaniya nang hindi makapaniwala.

"Hala, nagsalita ka!"

"Ay hindi."

"hmp, attitude."

"Hotdog!"

Ilang segundo akong napatulala sa kaniya, hindi ako makapaniwalang ganito siya. Mas okay na palang, huwag na siyang magsalita.

"Huwag mo ko titigan baka matunaw ako," rinig kong sabi niya, agad ko siyang sinamaan nang tingin.

"Kapal nito, hindi ka naman ice cream," sabi ko sabay irap sa kaniya.

"Tigilan mo na kasi ang kakatitig," sabi niya.

Sinamaan ko siya nang tingin at nag-iisip nang pwede kong sabihin pero wala na akong maiisip. Kaya naitanong ko ulit yung tanong ko sa kaniya kanina. Sabi niya ay napapatingin lang daw siya sa kwarto ko. Katabi lang raw ng kwarto niya ang kwarto ko kaya lagi siyang napapadaan.

Mga dalawang araw na kaming nag-uusap at laging nagkukulitan, nagba-bardagulan at nagkukwentuhan.

"Alam mo bang pangarap ko na maging engineer? Malungkot niyang sabi.

Nagtataka ako. Bakit siya malungkot?

"Ay, bakit naman malungkot ka?"

"Ayaw ng mommy ko," sabi nito at tipid na ngumiti .

Gusto ko pang magtanong pero huwag na lang baka lalo pa siyang malungkot, pogi pa naman niya.

"Tuloy mo lang yan, tapos ikaw ang gagawa bahay ko in the future."

"Kapal mo, gusto mo lang ng discount!"

"Eh! Sige na kahit 20% lang, bestfriends naman tayo."

"Heh! Kahit 5 %, hindi pa rin, dapat buo ang babayaran mo."

THE TALES OF THE COLONY OF ANTS Where stories live. Discover now