Entry 15: HAMPASLUPA

10 1 0
                                    

HAMPASLUPA
Mystery-Fantasy
by Violas Princess Azulatz
Nars Syndicate 2.0 Weekly Task 2
One Shot Story Entry 15

Oras. Batas. Parusa.

Kapag lumabag ka, mapaparusahan ka. Ikukulong ka at pahihirapan. Makakalaya ka lang kung mapagtatagumpayan mong tapusin ang mga parusa para sa iyo.

“Open the gate!” Utos ni Lintel.

“It’s too early,” sabi ni Azul na kararating lang.

“Too early? You’re late. Ikaw dapat ang mag-uutos na buksan ang tarangkahan.”

Napataas ng kilay is Az. “Says who?”

“Ako.”

“Kailan mo sinabi?”

“Kanina lang.”

“Rush na pagkakasabi, Kuya? Alam mo namang napakalayo ng Hampaslupa rito sa PNL.”

“PNL?” nagtatakang tanong ni L.

“Palasyo ng Langgam. Ano pa ba tawag dito? And see,” sabi ni Az at itinuro ang mga paparating na taong langgam. “They’re coming in groups. Excited makapasok ulit dito.”

“Ba’t kasi nilagyan mo ng N sa gitna?”

“It’s my choice. By the way, Kuya L, may pinadala ka ba kagabi sa Hampaslupa?”

Excited na malaman ni Az ang sagot ni Lintel.

“Saan ka nagpunta kagabi at wala ka sa iyong lungga?”

Pilit na napangiti si Az na tila ba may itinatago. Ayaw niyang malaman ng kaniyang kuya ang ginawa niya.

“Miss A! Sagot!” Maawtowridad na sabi ni Lintel.

Az rolled her eyes. “Ano namang isasagot ko?”

“Tell me the truth or I’ll band you here for a years?”

Napangiti si Az. “That would be better! Makakapagpokus ako sa Hampaslupa. Maraming napunta roon na hindi pa nakakalabas.”

“Az!”

Natawa na lang si Az. “Patawad po. Nasa Violas ako, natutulog.”

Nagsalubong ang mga kilay ni Lintel. “Alam ko kung nagsisinungaling ka o hindi.”

“Fine!” Inis na sabi ni Az. “Naglakwatsa ako sa ibang kaharian. Inimbita ako e.”

“Aba! Bakit ikaw lang inimbita?”

“Kasi isa akong prinsesa. It was a party for princesses!”Pagmamayabang na sabi ni Az.

“Princess A! May nag-aaway po rito!” Sigaw ng isang bagong dating na miyembro. Hindi kilala ni Az ang nagsalita at wala siyang balak na kilalalin ito. Nasanay na kasi siya na hindi niya nalalaman ang pangalan ng mga nakakasalamuha niya. Ganoon kasi sa Hampaslupa.

Az felt excitement at agad na tumakbo sa kinaroroonan nang nag-aaway.

“You’re, No Name. No. 199,” sabi ni Az habang itinuturo si Ludy, ang itinuturo ng karamihan na pasimuno na g away.

“No Name No. 199? Huh?” Nagtatakang pagtatanong ni Ludy.

“Stop asking questions. Sumama kayo sa akin ni No Name No. 200.”

“And who’s that?”

Tinignan ni Az ang nagtanong. “You.”

“I have a name! It’s Kassandra!”

“So? Just follow me. If not, say goodbye to the colony.”

“Mapaparusahan sila!” sigaw ng pinakamaliit na taong langgam na si Rose.

THE TALES OF THE COLONY OF ANTS Where stories live. Discover now