Entry 08: THE KING'S SAID

11 4 1
                                    

THE KING’S SAID
Female Revenge Fantasy
by Legacy Empress artatesleslie🛡️
Nars Syndicate 2.0 Weekly Task 2
One Shot Story Entry 08

May isang kaharian, na may sampung empire, na sasakop sa ibat-ibang lugar, na pinumumunuan ni King-Emperor Lintelligend. Ito ay ang mga Legend, Ancient, Majestic, Glory, Deity, Hyda, Viola, Royalty, Armenia, at ang Legacy. Sa lahat  nang nasasakupan nito ay nasusunod ang mga gusto niya, ang kaniyang hangarin. May palasyo ang hari at marami itong alalay na kung tawagin ay kanang-kamay.

Ipinag-utos niya na pumunta ang lahat para sa panibagong announcement. Sinunod ng isa ang kaniyang utos.

Dumating ang lahat nang nasasakupan niya kasama ang mga emperor, empress, at iba pa sa ng bawat imperyo.

“Lahat kayo ay may gagawing task na dapat ay matapos ninyo sa madaling panahon. Ito ay ang paggawa ng bandertas sa inyong mga lugar, na kung ano ang inyong nasasakupan ay doon magkatulad ang banderetas. Maliwanag?"

“Yes, kamahalan.” Sabi ni Empress KwiinMartha.

Lahat ay nagsialis upang mapagawa ang kanilang ipinapautos.

******

Leslie’s Point of View

Lahat ng aking kasama ay ipinatawag ko. Dumating ang lahat at nag-usap kami, na dapat ay matapos namin ang paglalagay ng banderetas para sa darating na kapiyestahan.

“Umpisahan na natin nang mabilis tayong makatapos.” Utos ko.

Kumilos ang lahat. Ako ay kumuha ng bangko na kulay gold na may red, at kumuha ako ng hagdan. Nang masimulan ko na rin maglagay sa parteng ito na kinakatayuhan ko.

Seryoso ako sa ginagawa ko. Nang may bumangga sa likod ko at nang tignan ko isang kaibigan, mula sa ibang empire.

“Oh, sorry akala ko kasi wala ka eh,” sakratiskong wika nito.

“Ahm, ang lawak ng daanan at ‘di mo talaga ako napansin? O sadyang nantritrip ka, Maui?”

“Ang sikip kaya? Bakit hindi ikaw ang umiwas, ‘di ba? Kung nakita mo ko na makabubunggo sa’yo?" Pang-iinis nito.

Lumapit sa amin si Theamiss at may nagtataka ito kung ano meron.

“Oy, Maui hinahanap ka na ng iba mong kasama at nandito ka lang pala?”

“Sige. Oh, Empress Leslie! Ingat ka sa sunod, bye!” Pagtalikod nito habang kumakaway.

“Kapal non, ilang beses na akong bina-badtrip. May araw ka rin sa akin.” Bulong ko sa sarili ko.

Simula nang makilala ko 'yan ay lagi akong tina-target. May time na hinahayaan ko na lang pero sobra na ata. May kalalagyan ka rin sa akin Maui.

Natapos naman kami kaagad sa trabaho, kaya nandito na kami sa aming kaharian. Bigla ko nakita si Skyler at si SleepingSerial. Lahat ng members may mga codename para ‘di kami makilala ng ibang hindi namin nasakop.

High school ako nang pumasok ako sa ganitong klaseng pamumuhay. Akala ko rati ay kathang-isip lang ang mga empire. Ngunit nang makilala ko si Lintelligend, na siya rin pala ang pinakamataas na pinuno sa bawat empire na naitatag.

“Lumalamig naman dito?” Biglang sabi ni Dave.

Nagulat naman ako sa kaniya. Namula ako. Ay, shit! Napansin kaya niya ang pamumula ng pisngi ko, ngumiti pa siya nang tignan ko.

Naku, huwag ka namang ngumiti nang ganiyan sa akin at baka matunaw ako. Enebeee?

“Ah . . . Kanina ka pa riyan Dave?”

“Nope. Napansin ko kasi na ang lalim nang iniisip mo kaya nilapitan kita. Ano bang naiisip mo?”

Ikaw, este si Maui. Kung paano ko siya mapapatay. “Masyado bang malalim at ‘di mo masisid? Haha joke. Wala lang.” Biro ko.

One week na ang nakalipas at lahat kami ay may kaniya-kaniyang ginagawa. Masaya ang lahat dahil sa natapos na ang fiesta, nagdiwang ang lahat.

Dumating ang araw na nagkaroon nang kaguluhan sa pamamagitan namin ni Emperor Maui. Nang dahil sa hindi inaasahang na siniraan niya ako sa iba. Nagkatapat kami ni Maui at matalim ang aming mga titig, lalo na ako dahil sa galit na nararamdaman ko.

Ang ibang kasapi ay nakatingin lang at ginawa pa kaming manok, dahil sa nagpustahan pa ang mga kumag.

“What do you want?” Seryoso ko, ngunit ramdam mo ang galit ko.

“I want you. No, I want to kill you!” Ngising aso.

“I’m scared? No worries at uunahan kita Maui, nang maramdaman mo ang tunay na ako. Nakakapuntos ka na at triple ka na sa akin Maui. ‘Di ko papalampasin ang araw na ‘to, nang hindi ka napapatay. Don’t you know me asshole.” Galit na sambit ko sa kaniya.

Maingay ang paligid dahil sa attention naming dalawa.

“Go Empress Leslie!” Sigaw na Legacies.

“Go Emperor Maui!” Bigkas naman ng mga Anthiest.

“Wala ko pakialam, sa kung anong kasarian ko dahil kayang-kaya kita patayin Maui.”

“You see. Wala rin ako pakialam kung babae ka pa.”

Bigla niya akong sinugod, may hawak siyang sandata. Nakaiwas ako agad. Gumanti ako, umikot ako at para iwasan ulit ang kaniyang pagsugod. Sumugod ulit ako nang gumilid ito. Itinaas ko ang aking sandata, mabilis ko itong ibinagsak at natamaan siya sa kaniyang braso. Ngumiti ako nang makita kong nasasaktan siya. Lalo siyang nagalit kaya mabilis itong sumugod sakin, at muntik na akong tamaan. Mabuti na lang ay damit ang natamaan, medyo mahaba kasi ang damit ko. Ngumisi ako sa kaniya, napikon siya. Pagkatapos ay lumapit nang mabilis para isasak sa akin ang malaking sandata niya. Sa hindi inaasahan ay natamaan ako sa hita.

“Arghhh!” Ungol ko sa hapdi.

“Masarap diba?”

“Bibigyan kita nang mas masarap, Maui na hindi mo makakalimutan.” Makahulugang sabi ko.

Tumayo ako nang mabilis at sinugod siya nang may galit. Natamaan ko siya sa kabilang braso. Nagsigawaan ang mga nanonood kung sino ang mananalo.

Tinalunan ko pa siya at bumagsak kami. Nasa ibabaw ko ito. Makikita mong nasasaktan siya dahil sinasakal ko siya.

“I can’t breathe, Empress.”

“Oh, why? Ang sarap kaya makaganti. Ayaw mo ba nun, Emperor? Akala ko ba ay matapang ka? Bakit parang sumusuko ka na? Ano tutuluyan na ba kita o hihingi ka nang tawad sa akin, habang may puso pa ko? Baguhin mo lang ang ugali mo at babaguhin ko ang ugali ko sa'yo. Tumigil ka sa mga pwedeng ikakagalit ko Maui at bubuhayin kita.”

“Okay, fine. I quite! I’m really sorry for what I did. Okay? Hindi na kita sasaktan but please pakawalan mo na ko. Babaguhin ko sarili ko."”

“Okay, that’s good.”

Tumayo ako at tinulungan ko siyang tumayo. Nanghinayang ata ang ibang empire dahil sa akala nila ay mananalo sila sa pustahan. Nagpatunayan ko na hindi ako isang babae lamang, isa kong matapang na Empress ng Legacy Empire.

Naging tahimik na ang buhay ko na kasama ang aking mga kaibigan at tinupad nga ni Emperor Maui ang pangako nito.

Ang buhay ay parang dagat kapag hubas ay walang buhay, pero kapag hightide ay makikita mo ang sigla ng bawat tao, kung gaano kahalaga ang buhay.

All rights reserved. No parts of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any mean without the prior permission of the author.

wp|| @artatesleslie

THE TALES OF THE COLONY OF ANTS Where stories live. Discover now