Zach held my hand and when I looked at him, I saw tears escaping from his eyes, "B-Believe me, Savy. Hindi ko kayang makita kang nahihirapan dahil kay Ysa kaya pumayag ako. It's just temporary while I'm handling things! I'm finding proofs para may maipakita ako kay Mike 'pag nasabi ko ang lahat tungkol sa girlfriend niya—"
Muling sinuntok ni Mike si Zach and this time I let him do it. Muling pumatak ang luha ko dahil sa mga nalaman ko. All this time, ang akala ko ay may babae si Zach dahil nagsasawa na siya sa akin but it turns out that he's protecting me from Queny or let's say Ysa. Akala ko ay deserve ni Zach na pinagpalit ko siya kay Anglo. I was wrong. So wrong.
Tumayo ako sa pagkakaupo ko at lumapit sa kinaroroonan ni Queny. She's pulling her hair while crying. The audacity of her to cry. Ang kapal lang. I slapped her hard before I passed out and that's only that I remember.
Bago ako umalis ng Pilipinas ay sinubukan kong pumunta kila Anglo pero sinabi sa akin ni Mike na pansamantala itong umalis at hindi sinabi kung saan pumunta. Wedding was cancelled. Zach and I decided to stay friends. Well, he's trying to win me back but after knowing that he slept with Queny, hindi ko maatim na makasama pa siya. Besides, I know that my heart belongs to Anglo. Ang huling balita ko rin bago ako pumunta rito ay ang pagkulong kay Queny dahil sa ninakaw niya sa kompanya namin.
About Mike, he decided to deactivate all his social media accounts after what happened. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong balita kay Mike, but last time Mishka told me na he's trying to work again. She's still staying at Mike's condo at alam ko ay siya ang naging karamay nito after what happened.
I decided to open my laptop and call Mishka. Nakailang ring pa ito bago niya sagutin. Nang makita ang mukha niya sa screen ay napangiti agad ako.
"Hey, wait. 5 minutes break. Retouch niyo muna si Sylvaine, please." I think kausap niya ang ilan sa staffs niya bago ako binalingan ng tingin.
"Savy kooo, how are you?"
"I'm good, I'm good. How about you? Super busy ba?"
"Yes, Savy. Ilang weeks nalang at matatapos na kami rito then ilalabas na ang trailer. God, can you believe it? Director na ako!"
Ngumiti ako nang sabihin niya iyon sa akin. Halata sa mukha niya ang pagod pero hindi maikakaila na gusto niya ang ginagawa niya. She really pursue her dream, to become a Director at sa Pilipinas niya naisipang tuparin iyon kaysa rito.
"I'm so proud of you, Mishka! Miss you so much!"
"Eh? Uuwi ka ba pag showing na 'to? Panoorin mo ang pinagpaguran namin ng bata ko! Wait, ipapakilala ko sa'yo si Vaine."
Tumango lang ako sa sinabi niya at pinanood siyang naglalakad. As far as I know, 'yong Sylvaine ang rookie na inaalagaan niya noong nasa Pilipinas palang ako. She told me na may possibility na sumikat agad ito because she's good at acting plus the fact that she's pretty. I only saw her once, two years ago bago ako pumunta rito.
"Vaine, si Savy 'yong sinasabi ko sa'yo."
Hinarap niya ang camera sa babae pero hindi rito dumako ang paningin ko kundi sa lalaki na nasa likod niya, "Hi po! It was nice to see you again, sana mapanood niyo po 'yong movie ko."
"S-Sure. Uuwi ako."
"I heard it right! Uuwi ka?"
Natauhan lang ako nang marinig ang boses ni Mishka sa kabilang linya. Halata sa mukha niya ang saya kaya napatango nalang ako rito. Is that him? Siya nga ba ang nasa likod nong Sylvaine? Bakit siya nandoon?
I should ask Mishka.
"Mish, si Anglo—"
"Got to go, Sav! Uwi ka rito ha, tapos na break namin. Love you!"
I can't believe what I just saw. Hindi ma-process ng utak ko ang nakita ko. Siya nga ba talaga 'yon? Imposible dahil hindi namin siya kilala ni Mishka. Pero kung siya nga 'yon, ang laki ng pinagbago niya.
He looks matured. Mas na-define ang jawline niya dahil side view ng mukha niya ang nakita ko pero alam kong siya 'yon. I know him so well! Mabilis kong hinanap ang pangalan ni Mishka sa facebook at halos lahat ay puro mukha ni Sylvaine ang post niya. Patuloy lang ako sa pag-scroll nang dumako ang mata ko sa isang picture.
Goodluck team SylBry!
130 Likes | Comments | Share
Zinoom ko nang maigi ang picture at nakumpirma kong siya nga ito. It's Anglo! Bakit siya nandito? As far as I can remember, ang pangalan lang ni Anglo ang sinabi ko kay Mishka at hindi pinakita rito ang itsura nito. How come?! Paano sila naging magkakilala?
Katabi ni Anglo si Mishka samantalang si Sylvaine at Bryan na ka-partner niya ay nasa gitna. I accidentally clicked Anglo's name kaya naman tumambad sa mukha ko ang timeline niya. Nag-scroll lang ako nang nag-scroll hanggang sa narating ko ang post niya nong December last year.
It was a picture of them together with Lily and tita Miriam at hawak hawak ni Anglo ang picture frame na may mukha ni Tito Noel.
What is this?
I checked the comments and all I can see is the word 'condolences'. Nanlaki ang mata ko sa nabasa ko. What the heck? Bakit walang nagsabi sa akin na wala na si Tito Noel? Even my parents! I saw their comment sa post ni Anglo!
I was about to call Mishka again when I suddenly scrolled on his timeline. I saw a picture of him and... Sylvaine?
Anong meron sa kanilang dalawa?
Tinignan ko ang ilang comments at halos lahat ng iyon ay galing kay Henry at Mishka.
Henry Mendoza: Nice one, ganda ni atabs diyan ah.
Henry Mendoza: Ayos mukha, Jelo. 'Wag ipahalatang kinikilig ka.
Mishka Singh: Stay strong! Hahaha.
Nanikip ang dibdib ko sa nabasa ko. Pinipigilan ko ang sarili kong pindutin ang reply dahil ayokong masaktan lalo. In fact, wala akong karapatang masaktan when in the first place ako ang unang nanakit. I hurt him. Sinaktan ko si Anglo ng dalawang beses. Pero bakit ganito? I'm trying to move on. Hindi ko akalain na may connection silang dalawa ni Mishka.
I saw the date and he posted it last last year. 3 months after ko umalis sa Pilipinas.
I don't know but I just found myself reading the reply on Mishka's comment.
Shaun Anglo Del Rosario: Just trying my luck.
Tila gumuho ang mundo ko sa nabasa ko.
BINABASA MO ANG
Kidnapper's Puppet
General FictionSavitri Khan is the only daughter of the one of the most powerful person in the industry. She gets what she wants, pero hindi iyon ang gusto niyang makasanayan. She wants the attention of her parents because they're just focusing on their oh so call...
Chapter Twenty Five
Magsimula sa umpisa
