K as in Kamatayan?

I sighed sa isiping iyon. Pero pwede ring Kakisigan.

Kumibot ang sulok ng aking labi. Marami kasing pwede sa K na iyon. Pwedeng Kakilig... Katangkad... Kalaki...

Ano pa ba?

Kagaling... Karaming Abs...

What am I thingking?

Kasarap...

-Enough na!

Minuto lang at narito na kami sa isang malaking hotel. Dumerecho kami sa loob nito at sumakay ng elevator. Sinalubong pa kami ng ilang lalaking naka-itim nang makalabas kami sa elevator. Inihatid nila ako hanggang sa marating namin ang isang pulang pinto na hindi ko malaman kung pang-ilang floor nga ba ito.

Bumukas ang pinto at bumungad sa harapan ko ang dalawang magandang babae. Kapwa sila nakapulang damit at hinila nila ako papasok pa sa isang pinto. Doon ko lang natanaw ang isang lalaking bagama't nakatalikod ay napakaguwapo pa rin.

Nakasuot sya ng kulay itim na T-shirt sa pang-itaas. Sa pang-ibaba naman ay nakahubog ang kanyang pang-upo at mga hita dahil sa hapit nyang suot na jeans. Kahit ilang hakbang ang layo nya sa akin ay naamoy ko ang kanyang mamahaling pabango. Pumamulsa sya nang humarap sya sa akin. Saglit akong naparalisa nang titigan niya ako. At kagaya ng mga nakaraan naming pagkikita ay nakasuot na naman ng itim na masquerade ang kanyang mukha.

"Hello..."

Tumaas ang sulok ng kanyang bibig. Nginitian niya ba ako? O guni-guni ko lang iyon?

Lumabas ang dalawang babaeng naghatid sa akin at isinara nila ang pinto. Lumapit sa akin si Lord K sanhi para mapatingala ako. Nalulunod ako sa mga titig nya.

I bit my lip at umiwas sa kanyang bughaw na mga mata. "G-galawin mo na ba ako?"

Grrrrr! Ano na naman ba itong mga nasasabi ko?

Tumungo siya para magpantay aming mga mukha. Justice please, kasi ang bango ng hininga nya!

"Eh... ano na nga, Lord K?"

Hindi sya umimik pero hinila nya ako sa pulso. Segundo lang at narito na kami sa kanyang kwarto. Umupo sya sa malaking kama na kulay pula at saka nya ako pinagmasdan. Hindi ko tuloy maiwasang pamulahan.

"Teka, nakaka-conscious ka naman, eh!"

"How do you wanna die?" tanong nya.

Napapikit ako. Hindi ko rin alam kung paano ko nga ba gustong mamatay. "Ikaw na ang bahala..."

Tumayo sya mula sa pagkakaupo at lumapit muli sa akin. "I still don't understand."

Me too. I don't understand kung bakit nananabik ako.

OMG, ano ba itong iniisip ko?

Nagpatuloy sya. "You said to me that you wanna get laid before you die..."

Sunud-sunod akong napatango.

"Then I gave you three days to live but you never let yourself to be fucked by someone."

Ano bang pinupunto nya?

"Why?"

"Ha?" Di ko sya gets.

"You don't have a boyfriend?"

Humugot muna ako ng malalim na paghinga. "M-meron... kaso nga pinapatay mo, 'di ba..."

Nangunot ang kanyang noo.

"R-remember? I-iyong dalawang lalaking pinatay nyo sa harapan ko... i-isa doon ang BF ko..."

Love Me HarderWhere stories live. Discover now