Chapter 41: Heartless

11.7K 529 136
                                    

Yereah Gael's POV

"Gael!" Napatingin ako dun sa tumawag sakin.

"Hmm?" Hindi ko siya kilala. Well kilala ko siya sa mukha pero hindi sa pangalan.

Alam niyo naman ako kung gaano ako kagaling sa pag memorize ng pangalan diba?

"Pinapapunta ka ni Coach sa gym" napangiwi ako.

Eto nanaman sila sa kakulitan nila eh.

"Basketball Coach?" Tanong ko na kinatango niya. "Sabihin mo sakaniya na ayaw ko" sabi ko.

"Pero gustong gusto ka niyang makapasok sa team eh" sabi niya.

Napabuntong hininga ako. "Hindi na nga ako nag lalaro" sabi ko at nilagpasan siya.

Madami naman siyang players eh tyaka kasing galing naman un nung dati nilang captain eh. Kaya na nila un hindi ko na kailangan makipag laro sa mga lalampa lampa niyang team.

Hindi paman ata ako nakakasampong hakbang nung may tumawag ulet saken.

"Gael, sali kana kase sa chess club" napairap ako.

Sinabay kase nila ung intrams sa campus festival kaya tong mga club na to nag kakandarapa saken--I mean makakuha ng iba pang members.

"Hindi ako nag chechess" walang ganang sabi ko sakaniya.

"Alam kong nag lalaro ka eh" napairap ako sasinabi niya.

"Ang kukulit niyo naman eh.. Wala nabang ibang maganda sa club niyo kaya pinipilit niyoko?" Tanong ko sakaniya.

Hindi ko alam kung natatae ba siya o nag pipigil lang ng tawa pero mas mukha siyang nag pipigil ng tae.

"Kinukulit ka namin kase you're good kaya and to answer your question. Yes we need your beauty" napangiwi ako.

Ganon naba sila kadesperado? I mean kailangan niya pa akong bolahin para lang sumali ako?

"Nandyan ba si Ma'am Velarde? Kung wala pass" sabi ko sakaniya.

"Crush na crush mo talaga no" pailing iling na sabi niya.

"Future wife ko un" proud kong sabi.

Alam naman nila na nag bibiro ako pero hindi nila alam na seryoso ako sa sinasabi ko tse.

"Dyan kana nga. Sinasayang mo ung gintong oras ko" sabi ko sakaniya at nilayasan siya.

Tawanan ba naman ung sinabi ko eh, batukan ko kaya siya? Malagutan sana siya ng hininga kakatawa.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta, nag peprepare kase halos lahat para sa Campus Festival next next week ata.

Kaya halos walang ginagawa eh baka next week yun din iniisip nila. Wala ng nag tuturo paano akong mag aaral ng mabuti niyan?

Hindi ko alam pero dinala ako ng mga paa ko sa baseball field.

Aalis na sana ako pero naagaw ng pansin ko ung nag aaway sa loob ng field kaya lumapit ako dun.

Baseball girls pala to eh. Napangisi ako nung makita ko ung tatlong bibe ang nag sisimula ng gulo.

Her Sister [𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃]Where stories live. Discover now