Chapter 7: Feelingera

12.6K 456 61
                                    

Yereah Gael's POV

Nandito ako ngayon sa cafeteria at hinihintay ung pagdating ng dalawa kong kaibigan.

May 6pm class pa kase ung mga tukmol kaya ako lang mag isa dito ngayon sa cafeteria, si Kati naman diko alam kung nasan. Hindi naman sa hinihintay ko siya pero sabi niya sasabay siya e, nakakahiya naman iniwan ko na siya kanina sa dorm.

Hanggang ngayon hindi paren ako makapaniwala na ang bata pa ng may ari ng school na to tapos ang ganda niya pa.

Hindi paren mawala sa isip ko ung tinugtog niya kanina, para talagang narinig ko na un. Hindi ko panaman kase napanuod ung Tangled e kase wala kaming TV tapos ung phone ko cherry bulok lang.

"Pre" naputol ung iniisip ko nung may umupo sa harap ko.

"Oh?" Ginagawa nito dito, close ba kami?

"Nakita mo na si Keiti?" Tanong niya, simula nung nakilala ko to bukambibig na niya un. Medyo nakakarindi din pala.

"Hindi pa" simpling sagot ko.

Buti nalang may dala akong libro kaya pwede kong ibaling ung tingin ko dito ng hindi tumitingin sa mukha niya, nakakairita din kase ung malarabbit niyang ipin e.

"Kachat ko siya kanina sabi niya sabay kami pero wala pa siya" napataas kilay ko sa sinabi niya.

Medyo nagkainterest ako sa sinabi niya kaya sinara ko ung libro ko at tinignan ko siya.

"Gusto ka ba niya?" Deretsong tanong ko.

Bigla siyang ngumiti ng tagumpay labas tuloy pati gilagid.

"Diko din alam e pero feeling ko may chance" sabi niya.

"Ow? Pano mong nasabing may chance?" Tanong ko sakaniya.

"Kanina kase may kasama akong babae tapos nag chat siya bigla tinatanong niya kung sino daw un" huh? Un na yon? Feelingera lang ata to e.

"Un na yon?" Di makapaniwalang tanong ko.

"Hindi, tapos nung minsan umalis ako tapos hindi ako nag sabi sakaniya parang nagalit siya" so mutual nga?

"Mutual kase?" Tanong ko naman.

"Siguro" bigla siyang naging kiti kiti nanaman.

Napatingin ako sa phone niya na nasa lamesa nung biglang mag vibrate, si Crush niya tumatawag ngumiti tuloy na parang unggoy ang isang to.

"Hello?" Sagot niya sa kabilang linya, nagulat ako nung nilapag niya sa mesa tapos niloudspeaker niya.

"Where are you?" Dinig ko sa boses niya sa kabilang linya.

"Nasa cafeteria ako"

"May kasama ka?" Tanong niya.

"Meron, si Gael"

"Okay" at bigla niyang pinatay ung call.

Tinignan ako ni Pink na may malawak na ngiti sa mukha.

"Pinag selosan ka ata" parang tanga na ngumiti si gago.

"Bakit ako pag seselosan nun?" Wala akong makitang kaselos selos.

Her Sister [𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon