Chapter 40: Jamming

11K 444 52
                                    

Yereah Gael's POV

Para akong tanga na nakatingin kari Louise ngayon.

Bumalik kami ulet dito sa tabi ng pool nila, nasa kabila sila tapos ako nandito nakaharap sakanila.

Nasa pagitan namin ung pool. Napapasimangot nalang talaga ako habang nakatingin sakanila na nag tatawanan. Bakit kase ayaw akong paalisin ng isang to.

Pinipilit akong mag pahinga ni ma'am sa kwarto niya pero hindi ako pumayag. Maiinip lang ako dun pero mas nakakaurat pala dito.

Ayaw ko mang aminin pero sa mga oras na to parang gusto kong sumulpot bigla si Marlboro para matigil yan. Kaibigan ko siya pero naiinis ako. Pasalamat lang talaga siya kaibigan ko siya kung hindi matagal ko na siyang inagawan.

Ay diko paba siya inagawan nun? Well hindi naman kase hindi naman saken si Ma'am ngayon eh. Sorry Louise kung nagustuhan ko ung taong kinababaliwan mo.

Kasalanan naman niya kase inaakit niya ako eh. Ako naman tong nag papalandi hehe bakit ba.

Napairap nanaman ako ng diko alam kung pang ilang irap na un nung may pa palo palo pa silang nalalaman.

Ininom ko nalang ung beer na hawak ko, oo bumili sila ng beer at balak nilang dito matulog. Ayaw pa nga akong painumin kanina kase dinahilan ko masakit ung pakiramdam ko. Pero matigas ako, ako batas dito.

"Para kang tanga dyan" sabi ni Polla at binigyan nanamann ako ng isang bote ng beer.

"Sakit sa mata" sabi ko ng hindi siya tinitignan kase nakatingin lang ako kari Louise.

"You're hurting yourself more sa ginagawa mo eh" sabi niya at hinawakan niya pisngi ko at pinaharap niya ako sakaniya.

"Ako nalang tignan mo so you can't get hurt" ngumiti pa to ng nakakaloko katapos sabihin un kaya napangiwi ako.

"Kadiri!" Inis kong sabi sakaniya na kinatawa niya lang.

Bastos talaga tong Pollgas na to.

"But seriously, don't tingin tingin sakanila.. Sinasaktan mo lang self mo" sabi niya. Napabuntong hininga ako at tumango.

Hindi ko na sila tinignan sa pool nalang ako tumingin.

Pag ba tumalon ako dito tapos nag kunyareng nalulunod, sasagipin niya ba ako? Siya ba ung unang tatalon pag nakikita niyang nalulunod nako?

"Polla"

"Hmm?"

"Tatalon ako wag mokong liligtas ah" alam kong nakakunot na noo ng katabi ko ngayon.

"What? Are you baliw?"

"Hindi naman pero gusto ko lang malaman if siya ung sasagip saken" wala sa sariling sabi ko.

"Baliw, If only I knew na you will make gusto gusto and baliw baliw with ate Kirsten dapat I pulled you away pala no" naiiyak na talaga ako dito tapos dinagdagan pa ng english netong babaeng to.

"Shut up mo nalang mouth mo" inis kong sabi sakaniya.

"Hey but don't make suicide or I'll kill you" napangiwi ako sa sinabi niya.

"Gago kaba? Pano kung nag suicide nga ko? Papatayin moko kahit patay nako? Double dead ampota" natawa lang siya sa naging reaction ko. Siya kaya ung ilumod ko dito?

Her Sister [𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃]Where stories live. Discover now