Chapter 34: Pain

12.1K 446 175
                                    

Yereah Gael's POV

Isang linggo na nakakalipas simula nung umamin ako kay Ma'am, isang linggo na din nakakalipas simula nung iwasan ko siya at hanggang ngayon pinag iisipan ko parin kung dapat ko bang sabihin kay Keiti to o hindi na.

"Nandito nanaman si Kuya Philip, hindi makaporma si Louise" sabi ni Jeff.

Nalaman ko din na ung pustahan pala nila nun pag mas mataas ung grade ni Louise sa dalawa liligawan na niya si Ma'am at pag mas mataas ung grade ng dalawa sasabihin ni Louise ung sikreto niya na para pareho naming hindi alam.

"Ano na Louise? He's making a galaw galaw na" pang aasar ni Polla kay Louise.

Napatingin ako sa gawi ng tinitignan nila, kasama niya nga si mokong tyaka mga co-teachers niya.

Hindi ko maiwasang hindi mainis, oo iniiwasan ko siya pero hindi ibig sabihin nun na hindi ko na siya gusto. Dahil nga sa pag iwas ko mas lalong lumalalim ung nararamdaman ko para sakaniya,  diba dapat mawala? Pero bakit parang mas lumalala.

"Awatin niyoko" sabi ni Louise at susugod na sana pero walang umawat. Tinignan lang namin siya habang kumakain kami.

"Go, Tiger" pag support pa ni Jeff kaya natawa ako ng mahina. Kailan ko kaya masasabi na gusto ko siya ng walang ibang iniisip?

"Babe" napatingin ako kay Kuya Dior. Oo alam ko na, wag kayong ano. Sa araw araw ko banamang kasama to hindi ko pa malalaman pangalan niya? Pero mas bagay niya ung Kuya Dinosaur.

"Hi" nakangiting bati ko sakaniya at nakipag beso naman to saken kalapit niya.

"Ehem" napairap ako kay Polla. Tyaka ko tinignan ulet si Kuya Dior na tumabi saken.

"Can I invite you later?" Napataas isang kilay ko sa sinabi niya.

"Saan?" Tanong ko.

"Sa bahay, birthday kase ni Kuya Dilan" sabi niya "He wants to meet you" napasulyap ako kay Jeff na nakasimangot.

Mukhang kailangan ko ng kausapin si Kuya Dior kung kailan niya balak mag confess kase baka patayin nako ni Jeff. Kahit hindi siya umamin saamin alam ko naman na si Kuya Dior ung gusto niya.

"Ahmmm.. " napapakamot ako sa ulo ko tapos kunyare nag iisip. Tinignan ko si Polla at Louise pero nag kibit balikat lang ung dalawa.

"Sige na, I'll pick you up later? 7pm sharp okay?" Hindi nako nakapag salita pa nung makaalis na siya agad.

Binagsak ko ulo ko sa lamesa na kinagulat nung tatlo. Nag angat ako ng ulo pero ung baba ko nasa lamesa parin nakapatong.

"Tangina mo kase umamin ka na!" Inis kong sabi kay Jeff na kinataas ng kilay niya.

"He's your boyfriend diba?" Napakunot ung noo ko sa sinabi niya.

"Kaibigan ba talaga kita?" Tanong ko sakaniya.

"Parang hindi mo kilala si Gael ah" nag dududang tanong naman ni Louise.

"Well jealousy is a disease naman kase look oh he's being so makakalimutin na" sabi ni Polla.

"Oh baket? Ginagamit mo lang siya?" Inis na ginulo ko buhok ko. At umupo ng maayos.

Her Sister [𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon