Chapter 2: Scholarship

17.8K 594 206
                                    

Yereah Gael's POV

"Full scholarship sa Zafra University, libre lahat.. Ke mataas grades mo o hindi I will still give you a scholarship" nakangiting sabi niya "You can't refuse Miss Avenido"

"Pero po bakit po ako?" Tanong ko.

"You helped me earlier didn't you? Ito na ung pasasalmat ko sayo" sabi niya.

"S-sobra naman po ata" sabi ko.

"We'll discuss this later at my office Miss Avenido" sabi ni Panot kaya wala na din akong choice.

Nag announce na sila about sa graduation bukas pati ung enrollment sa ZU at kung makano ung tuition fee.

At dahil galing kami sa public school may vouchers kami pero di paren afford ng students un kase mahal talaga ung tuition fee dun.

Pero dahil halos mayaman naman mga student dito pwera saken afford nila yan jusq sila paba? Mga palamunin lang naman sila e.

Nung natapos na sila sa announcements nila pinatawag nako ni Sir Panot kaya pumunta nako sa office niya.

Pag kapasok na pag kapasok ko sa office ni Sir Panot si Ateng nakabanggan ko kanina ang nakita ko.

Ano nga ulet pangalan niya, Ashley? Ashna? Ashanti? Basta may Ash.

"Iha pasok ka" napunta ung tingin ko dun sa aleng nanakawan kanina. "Maupo ka"

Umupo naman ako "Miss Avenido! Anong ginagawa mo dyan?!" Inis na sabi ni Panot.

"Nakaupo?" Diko siguradong sagot, nakaupo naman kase talaga ako.

Natawa si Aleng Nanakawan "Iha, I mean maupo ka sa upuan hindi dyan sa sahig" sabi niya.

"Ahhh linawin niyo po kase" sabi ko at umupo na sa upuan malapit sakanila.

Medyo naiilang ako kase tinitignan ako ni Abo. Ang ganda niya kase talaga sobra, para akong matutunaw sa mga tingin niya.

Napanganga ako nung bigla niya akong irapan, ang sungit naman nitong si Abo e.

"Iha anong buong pangalan mo?" Tanong ni Aleng nanakawan.

"Yereah Gael Avenido po" Sabi ko.

"Your name is beautiful, bagay na bagay sayo kase you're beautiful" sabi nung lalaking katabi niya.

"Syempre po ginalingan masyado ng magulang ko e" proud kong sabi "Nahalo po ng maayos ni Papa"

Natawa si Aleng nanakawan pati na din ung iba habang si Abo naman napairap sa sinabi ko.

Hindi ba marunong makitawa ko kahit hindi ko alam pinag tatawanan nila, oo nga bakit sila tumatawa? Mga baliw pala mga to e.

"You're funny, I like you" sabi niya.

"Ayy sorry po but I don't like you po e" sabi ko na kinatawa niya ulet.

"Palabiro ka talaga, anyways nice to meet you Miss Avenido" sabi niya at nilahad ung kamay niya "I'm Katrina and this is My husband Armando" nakipag kamay naman ako sakanilang dalawa.

Her Sister [𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃]Where stories live. Discover now