Chapter 16: Ako Mag-isa

11.1K 448 90
                                    

Yereah Gael's POV

"You don't have to do this" sabi ni Keiti na nasa harap ko ngayon.

Buti nalang at naka PE kami ngayon dinako mag papalit ng damit, sakto din na suot ko ung sapatos na binili ni Miss Velarde. Ito lang ung kinalkal ko sa lahat ng binili niya noon na utos kuno ng nanay niya.

"Hindi naman ikaw ung pinag pustahan e, gusto ko na din siyang umalis dito" sabi ko.

Kinikimkim ko lang ung inis at galit ko sakaniya, pinag mumukha niyang tanga si Keiti. Kung ipagkalat niya parang gustong gusto siya ni Keiti eh. Sumosobra na din bunganga niyang walang filter.

"Ayaw mokong isali?" Tanong ni Louise.

"Wag na, lalampasuhin ko lang to" sabi ko at tumayo na, nasa court na silang lima. "Partida maayos pa siya nyan pero mukha ng may disabilities" sabi ko.

Biglang tumawa ng malakas si Louise na sinabayan ni Polla dahilan para mapunta ung atensyon nila samin.

"Pinagdasal mo na ba buhay mo?" Tanong nila na kinangisi ko. Dapat ata buhay nila pinag dadasal nila.

Sa sobrang bait nila baka kunin na sila ni Lord, diko lang alam kung qualified sa langit ung isa.

Lumapit nako sakanila at binigay ung bola kay Pink.

"Mayabang ka eh, sayo na" pabato niyang hinagis saken ung bola pero agad ko namang nasalo sa isa kong kamay. "Lalampasuin kita dito—"

"Manahimik kana, dami mong satsat" walang emosyon kong sabi.

Hanggang 12 points lang naman to kaya mabilis lang ung laro.

Nag dribble nako at sumugod agad ung tatlo nag fake ako na dadaan sa kanan nila kaya napasabay sila tyaka ako pumunta sa kaliwa. Bigla akong binantayan ng isa kaya nag fake ako na ititira ung bola kaya napatalon siya na kinangisi ko, mabilis na sumugod ako at pinasabay si Pink saken.

Puro siya tapik sa bola na di naman tumatama sa bola kase sa braso ko tumatama. Hinayaan ko siya hindi ako tumawag ng foul alam ko naman na maduming mag lalaro to e.

Nag step back ako at tinira ung bola at pasok walang daplis.

"One, ZERO" Napailing ako nung mas nilakasan nila ung Zero.

Sino pang pasimuno malamang si Polla at Louise tapos si Jeff nakikisabay lang.

Nilabas na nila ung bola at nakay Pink ung bola, tumayo lang ako sa harap niya at bigla siyang sumugod saken pero bago niya pa ako malagpasan nakuha ko na ung bola sakanya.

"Tanga" sabi ko at pumwesto ako sa tres at tinira un kahit sumabay pa ung tatlo.

"GAEL FOR THREEEEEE!" Sabay sabay na sigaw nung tatlo.

"Tangina ginawang volleyball may tatlong blocker" sabi ni Louise.

Pero totoo naman nag tabi tabi sila at sabay sabay na tumalon. Nag mukha tuloy silang nag lalaro ng volleyball.

"Mahihina, tatlo na sumabay pero naka tres parin" pagyayabang ni Louise.

Sakanila ulet ung bola pero ngayon hindi na si Pink ung may hawak, itong mukhang unggoy na nakulangan sa buff ung humarap saken.

Her Sister [𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃]Where stories live. Discover now