Kabanata 19

100 12 5
                                    

Hindi ko na siya kinulit nang hindi niya itinuloy ang sasabihin niya. Natulog agad kami pagkatapos naming mag-shower.

The next day, he woke up earlier than me. Nagising lang ako dahil sa amoy ng fried rice at kimchi toast.

He's dressed in tattered jeans and a plain white t-shirt that fit him perfectly. Bakit kaya ang hot niyang tingnan kapag plain white-tshirt lang ang suot niya?

"Let's eat." His smile was inviting. He was sipping a dalgona coffee.

Naglaway ang bagang ko nang isubo niya ang kimchi pancake. I even notice the way he lick the side of his lips...

Napalunok ako habang sinusundan ang paggalaw ng sexy adams apples, parang ang sarap pisilin!

Shocks! Ano ba 'tong iniisip ko! Ang aga-aga!

Tumayo ako at nagtungo sa bathroom. Only to found out my messy hair, may tuyong laway pa ako sa gilid ng labi. Kaya pala ngumingiti ang lalakeng iyon! Akala ko maganda ang umaga niya dahil sa akin! Ngumingiti pala siya dahil natatawa siya sa tuyong laway ko...

I put on a small amount of perfume after having a shower. Kumakain pa rin siya paglabas ko.

"Dig in. Mamasyal muna tayo bago magcheck-out mamaya," he said while placing all the Korean dishes near me. Ipinag-slice pa niya ako ng kimchi pancake at inilagay iyon sa plato ko. "Careful, it's hot," sabi pa niya habang pinagsisilbihan ako.

Is this a dream? Then, if it is, I don't want to wake up anymore.

"I'm pretty sure your spirit animal is sloth." He suddenly said.

My brow furrowed as I realized how slow I was. Nagdadahan-dahan kasi ako sa pagsubo dahil pinapanood niya ako.

"Be yourself. You don't have to pretend in front of me. I know how you eat well without my presence."
 
Dahil doon, kumain ako ng husto. Naubos ko pa nga pati iyong kimchi toast na hindi niya kinain sa platong nasa harap niya. Napatawa pa kami ng sabay nang mag-burp ako.

Sumabay pa siya sa akin magtootbrush sa banyo. Tahimik kaming nagtitinginan at magngigitian kapag magtatama ang aming mga mata.

Gusto kong kiligin noong mga oras na 'yon, sa totoo lang. Sabay kami lahat pati noong nagsusuot ako ng sandals ay tinulungan pa niya akong itali ang lace ng gladiator sandals ko.

"Okay ba?" He asked softly. Ang sarap sa pakiramdam.

Hindi ko pa siya nobyo niyan.

Tumango ako para sabihing hindi mahigpit ang pagkakatali ng sandals ko.

"There's a beach nearby, do you want to go there?"

"Nang nakaganito ako?" I was sporting a pull-on shorts and white t-shirt. Sinadya ko talaga iyon para paresan ang suot niyang damit.

Tumawa siya. "Binibiro lang kita. I requested for a car rental. Let's go." Nagulat pa ako dahil ginagap niya ang kamay ko. Hindi na lang ako nagreklamo at nagpatianod sa kanya hanggang makarating kami sa valet.

We stop in a valley. Walang masyadong turista dahil weekdays.

"You want to wear that?" tanong niya habang nakatitig ako sa hinintuan naming hanbok rental boutique sa Yongduam Valley.

Napangisi ako sa naisip ko. "Magsusuot ako niyan kung magsusuot ka rin."

Nakita ko ang kislap sa mga mata niya. Tumango siya.

"Yay!" Napahawak pa ako sa kanyang kamay. "You really want to wear that? Hindi ka napipilitan?"

"I'll put it on coz it'll make you happy. It makes me happy to see you happy."
 
Kinilig ako ng very light! Gusto kong magtanong kung bakit extra sweet siya ngayon pero hindi ko na itinuloy dahil ayaw kong masira ang momentum.

Clíodhna Samaniego (Inamorata SERIES 3)Where stories live. Discover now