Kabanata 12

90 9 4
                                    

Ngunit hindi ganoon kadaling mag-set ng boundaries sa kanya!

Kagaya ngayon, nasa loob kami ng Central Control Room at sinusubaybayan namin ang galaw ng mga empleyado habang break-time.

"You can have your lunch, manong," he commanded the security guard who was standing beside me.

"Salamat, sir. Kanina pa nga ako nagugutom," yumuko ito at ngumiti. Nang ako naman ang ngitian ng guwardiya ay napansin ko ang pag-igting ng panga ng unggoy na si Yuhuico.

Hindi ko napigilang iikot ang mga mata ko.

Maging ang isa pang nagbabantay doon ay pinag-break niya rin. Kasabay ng pagsunod ko ng tingin sa sabay na paglabas ng dalawa ay napansin ko ang pagsulyap sa akin ni Yuhuico. Kaagad din siyang nagbawi ng tingin nang magtama ang mga mata namin. Muling itinuon sa mga monitor ang kaniyang pansin. He lifts his hand and places his index finger horizontally between his pursed lips. My sight became fixed there, but luckily I got hold of myself.
 
"Do you want to sit?" He suddenly asked with his hoarse voice. Hindi pa naman ako nangangalay pero umupo na rin ako sa swivel chair na nasa tabi niya. "Take control of this, baka mas matalas ang mata mo," sabi niya at ipinahawak sa akin ang mouse cursor kung saan puwede mong ifast-forward, i-rewind at i-pause ang mga videos sa monitor.

Ramdam ko ang init ng kamay niya habang ginagabayan niya ang kamay ko sa pag-hawak ng mouse. "I-I can do it," medyo nautal ko pang sabi. Bahagya pa siyang ngumiti habang binabawi ang kamay niya sa ibabaw ng kamay ko.

Naramdaman ko ang pagtayo at ang paglakad niya sa likod ko. I heard him knuckling his fingers.

Ipinagpatuloy ko ang petsa na sinimulan niya nang mawala ang phone niya pati na rin ang paglalagay ng stamp ng kung sino sa bag ko.

I was startled a bit when he leaned down close to my back and whispered, "Stop right there." I felt his hot breath, and it sent chills down my spine. Ipinalangin kong sana ay hindi niya nakita ang pagtaasan ng mga  balahibo ko sa leeg.. "There...There.." bulong muli niya habang itinuturo ang bulto ni Lily na pumapasok sa kaniyang opisina. Pinakatitigan namin iyon and I enjoyed his lingering manly scent while he was still leaning so close to me. Ngayon lang ako nakalapit ng ganito sa kanya ng husto. We used to do this when he was still courting me. I suddenly had a pang in my chest. I used to feel this kind of comfort—his scent, which I missed so much.

Napaigtad ako nang bumuga siya ng hangin, mabuti na lang at nakabawi agad ako. Nakita ko mula sa monitor na naglapag lamang si Lily ng files doon at lumabas din kaagad.

Inabot kami ng dalawang oras sa loob ngunit wala kaming nakita ni isang kahina-hinalang kilos kaya bumalik na lang kami sa opisina. Bago niya binasa ang mga papeles na nasa mesa ay nagsalita siyang muli. "You do not need to purchase a gown for tomorrow's foundation night; the design team will send you one."

Napamaang ako. "Sir, I already —" Huminto ako sa pagsasalita dahil may tumatawag sa telepono, kaagad ko iyong sinagot.

"Clíodhna..." It was a deep, growly voice.

Napatingin ako sa boss ko na halatang naghihintay pa rin sa sagot ko.

"You're evil," he said on the other line, and by his tone, I knew who it was. Si Kalen... 
 
I smirked then reaches for my pen. Nagsulat ako sa yellow sticky note at ipinakita ko kay boss ang sagot ko.

I already bought a new one.

Yuhuico had no reaction and went back to his papers.
 
"But, to be fair, you are intelligent. I'm interested in hiring you," Kalen said. 

"No, thank you. I'm fine here," sagot ko. Nahuli ko ang pagsulyap sa akin ni boss. Tumayo siya at inilang hakbang lang ang pagitan namin. Iniumang niya ang kaniyang kamay at sumenyas na ibigay ko sa kanya ang telepono.

I handed him the phone, and then he said, "Fucker! Get lost!" 
 
Halos mapatalon pa ako sa lakas ng boses niya. Ibinagsak niya sa lagayan ang telepono at bumalik sa kaniyang upuan. "My decision is final; wear the gown that the design team created for you. You will be our company's representative. I mean all of you. Even the others have their designed gowns and suits."

Then comes the starry-night anniversary! Everyone is so beautifully dressed, and I learned from the designers that it's actually a gift for each of us. The enchanting Shangri-la Banquet Hall lit up with some tasty food and a lively atmosphere while everyone was amused by a live piano playing while everyone was going inside.

"Ang daming sequence nito, mukhang brilyante pa ang mga bato!" Binilang pa ni Lily ang mga sequence sa kaniyang gown. "Puwede 'to ibenta sa Villarica," birong sabi niya. Tapos, sa akin naman siya bumaling. "Perfect ka na sana, Clíodhna. Kinulang ka boobs." Pabiro pa niyang pinindot ang suot ko sa bandang dibdib. "Pero naiinggit ako sa pa-off-shoulder nila sayo! Ang sexy tingnan ng collar bones at balikat mo!" puri niya sa akin.

"Sira ka talaga..." Nagpasalamat ako ngunit tinampal ang kamay niya dahil ayaw niyang tantanan ang dibdib ko.

I am wearing a dazzling, sexy off-the-shoulder dress with a high-slit black sequin. The neckline was scooped with off-shoulder straps, baring my collar bones.

Nagseryoso na kami noong magsimula ang speech ni Yuhuico. Seeing him at the top among the others made me somehow proud. He worked so hard for this!
 
He thanked us all with a sincere smile. "Please accept this as a token of my gratitude, everyone." He then bowed in front of us. Nagtayuan kami at sabay-sabay na pumalakpak. Pagbaba niya ay nakipagkamay sa kanya ang mga mahahalagang bisita, ganoon din ang mga empleyadong malapit sa kinaroroonan niya.

"This is my chance to shake his large hand," humagikgik pa si Lily habang bumubulong sa grupo namin.

"Go ahead," sulsol ni Iris, itinulak pa niya ng bahagya para tumayo ang isa.

Ako naman ang tiningnan ni Lily. "Ikaw, Clíodhna? Ayaw mo?" Sumisilip sa labi niya ang panunukso. "Kung hindi ko lang alam na babaero 'yang si sir, itutulak kita sa kanya. Tapos siyempre, kunyari... Matutumba ka tapos aakto kang napilayan. Goods 'yon! Kakargahin ka agad no'n!" Kinurot pa niya ako sa tagiliran ng mahina.

"Sira ka talaga.. Kung anu-anong kalokohan ang nasa isip mo," umirap ako sa kanya.

"Iyong mga nakawan niyo ng tingin, mas may ilalalim pa 'yon," aniya sabay dukwang ng glass of wine na nasa harap niya.

Nagpalitan kami ng sulyap ni Iris. Mabuti na lang at hindi siya sumasabay kay Lily sa pang-aasar sa akin.

Maya-maya'y may mga sumasayaw na sa harap sa saliw ng musika ni Ella Fitzgerald na pinamagatang "So In Love" at pinagunahan iyon ng mag-asawang Yuhuico at ng mga board members. Tumayo rin at pumunta sa gitna ang mga magulang ko. They are all leaning closer to each other and dancing cheek-to-cheek.

"Nawa'y lahat." Nangalumbaba si Lily habang nakatingin sa mga mag-asawang sumasayaw sa gitna.

Kinuha ko naman ang wine glass at tinungga iyon hanggang makalahati ko ang laman. May naibuga pa akong kaunti nang tapikin ako ni Lily sa kaliwang kamay ng paulit-ulit. "Ano ba?" sikmat ko at sinundan ko ang inginunguso niya sa akin.

"Papalapit sa atin si boss!" Namumula ang pisngi at para siyang sinisilihan sa kilig.

I shrugged and took a glass of wine while glancing at the man approaching us. He comes to a halt in front of me and extends his left hand. "Would you like to dance with me?"
 

Clíodhna Samaniego (Inamorata SERIES 3)Where stories live. Discover now