Kabanata 8

95 8 3
                                    

"Hintayin mo na lang ako rito," he said while buttoning his suit coat. We entered Okada ten minutes earlier. "You can join them." Itinuro niya ang grupo ng kababaihang nasa lounge. They all waved at me. "They are the investor's assistants. I assume, you already know what to do."

Hahakbang na sana siya ngunit hindi ko napigilang hawakan ang dulo ng manggas ng suit niya. "Wait lang," sabi ko. Natuon ang tingin niya sa kamay kong nakahawak sa kanya kaya agad ko siyang binitiwan. "Iris didn't brief me that much. Bigla ka na kasing lumabas kanina at—"

"Hindi ko na problema iyon. Just go with them." Naglakad na siya ng walang lingon-likod. Mabuti na lang at napigilan ko ang sarili ko, kung nasa impormal lang kaming lugar ay inambahan ko na siya ng suntok.

Mabigat ang hakbang kong lumapit sa grupo ng mga babae.

"New assistant?" The girl in her 20's ask while chewing a gum.

"Yeah. Hi, I'm Clíodhna," sabi ko at ini-extend ko ang kamay ko para makipagkilala sa kanila.

Tinanggap naman agad iyon ng pangalawang babae. She's more friendly, I guess. "I'm Mariethea, assistant of Amos." She's pertaining to the owner of a giant transporting company. Nakipagkilala pa ang iba sa kanila at hula ko ay matagal na sila sa mga boss nila, ako lang itong bago.

"Do you know why Maeve left her job?" tanong nung babaeng kanina pa nguya ng nguya ng gum. Hindi ko pa rin kasi alam ang pangalan niya dahil hindi naman siya nakipagkamay sa 'kin.

"I have no idea," I answered.

She just shrugged her shoulder and started to walk. Naglakad na rin ang iba kaya nakisabay na ako.

"Don't mind her. She always chew mint gums because she have a bad breath," Mariethea whispered.

Humalo rin si Astrea sa hanay namin at bumulong rin, "I was thinking she might have a bridge in there and someone was taking a dump underneath it." She then giggled. Tumawa rin ang ibang nakarinig. Hindi iyon nakaabot sa kanya dahil malayo na siya sa amin.

It wasn't amusing to me, though. Hindi ko napigilan ang sarili kong magkomento. "Maybe she's missing her meals and always dehydrated. Alam naman natin na super hectic ang schedule ng isang assistant. Who is his boss, anyway?" Sumegwey na agad ako ng tanong dahil tumaas na agad ang kilay nung isa pang assistant.

"Your boss' rival, Kalen. Lagi siyang competitive at gustong maungusan ang boss mo kaya stress sa kanya si Myea. She always have an unreasonable working hours. Malusog yan dati pero tingnan mo ngayon, sobrang payat na," sagot ni  Astrea habang nakatingin sa likuran ng babaeng topic namin.

Nagkumahog na kami sa paglakad nang tawagin niya kami. "The meeting is about to start."

Pumasok kami sa isang malaking silid at may mga upuan sa likod ng mga boss namin. "Doon ka," mahinang sabi ni Mariethea habang itinuturo ang upuang nasa likod ni Yuhuico. Agad naman akong tumalima. Mayroon ng presentation materials na nakalagay sa upuan ko. Bubulong sana ako kay Mariethea para magtanong ngunit napakalayo ng agwat ng upuan namin.

"What's bugging you?" Yuhuico said in a low voice.

I stop flipping through the pages and stood up. Lumapit ako sa kanya at bumulong, "Anong gagawin ko rito? Do I also have to present?" Alam kong kaya ko namang magpresent kung sasabihin niya kaso wala man lang siyang pa-advance notice kanina habang nasa biyahe kami.

"Silly, you just have to read it para makasunod ka sa daloy ng meeting." Ramdam ko ang panghuhusga sa boses niya. Malay ko ba? First time ko kayang maging assistant!

Napakarami ng presentation materials na iyon. Isa-isang nagsalita ang mga investors at isinusulat ko ang mahahalagang detalyeng sinasabi nila habang nakikinig. Napaubo ako matapos kong marinig ang baritonong boses ng boss ko. Nasamid pa ako sa sarili kong laway. Gustong magwala ng female hormones ko dahil bigla akong kinilig sa boses niya.

Shut up! Galit kong bulong sa puso ko.

"Inom ka ng tubig." Hindi ko naramdaman ang paglapit ni Mariethea sa kadahilanang nakatitig ako sa likuran ng lalakeng nasa tapat ko. Agad kong kinuha ang iniaabot niyang tubig. Habang iniinom ko iyon ay nakita ko ang pagngiti ni Mariethea ng nakakaloko.

Am I that easy to read? Nagiging vulnerable na ako gayong first day of work ko pa lang...Hindi naman ako ganito dati!

The meeting went good. Nakuha ng boss ko ang anim sa sampung dumalong investors na naroon. Deep inside, I am so proud of him. Pero nuncang sasabihin ko iyon ng personal sa kanya. He is already full of himself, baka mas lalong lumaki ang tingin niya sa sarili niya kung pupurihin ko pa siya.

We went out and headed to The Alpha.

"Order what you want, I will just talk to my client." Iniwanan niya akong mag-isa sa table malapit sa entrance door. Sinundan ko siya ng tingin. Kita ko ang pakikipagbeso niya sa sinasabi niyang client.

Pftt! Nainis ako bigla sa sarili ko. Kanina kinikilig ako, ngayon badtrip na ako. Ano ba self?

Pansin ko ang paghimas ng babae sa braso ni Yuhuico. Biglang parang gustong bumaliktad ng sikmura ko. I suddenly felt queasy. Uminom agad ako ng tubig at iniwas ang tingin ko sa kanila.

Order what you want pala, ha?

I raised my hand and the server quickly tends to me. "What do you recommend?"

Kaagad naman siyang sumagot. "Our sous chef is available today, Ma'am. Do you mind him serving his specialty?"

"Great! I won't mind."

Pero bago siya umalis, tinanong muna niya kung anu-ano ang mga food allergies ko.

"I don't have any food allergies. Kinakain ko lahat."

He smile as he turns his back on me. Dinig ko pa ang pag-utos niya sa kasama niya na bigyan ako ng maiinom.

Thirty minutes later, I am enjoying the soup that they served. Pinilit kong huwag pansinin ang dalawang nag-uusap sa di-kalayuan sa akin. They are also eating, anyway. The waiter brought out a cold seafood platter after I'm done with the salad and appetizer. Naaliw yata siya sa akin dahil magana raw akong kumain.

It's already half past four in the afternoon when we arrived at a golf club place. Biglang napatingin sa direksiyon namin ang mga team members niya nang bumaba kami sa golf cart. Ramdam ko ang sabay-sabay nilang pag-eksamin sa anyo ko. Nang lingunin ko si Yuhuico ay madilim na ang awra niya. Kita ko ang pag-tiim ng bagang niya.

"Wait for me here. You are not allowed to walk near them."

I looked up again at him and he had a furrowed brows. "Not unless you want to play with them, I won't mind," he said then left me, cluelessly.

Clíodhna Samaniego (Inamorata SERIES 3)Where stories live. Discover now