Kabanata 17

78 9 2
                                    

We reached Jeju Island at around nine in the evening. Dahil siguro sa pagod ay dumiretso si Yuhuico sa lounge at umupo roon habang ako naman ay nagtungo sa front desk para mag-inquire sa kuwarto namin.

The Shilla Hotel is quite impressive. It has a luxury facade and very inviting and the ceiling of the lounge is covered in dangling crystals. Mararamdaman mo talagang sulit ang pagpunta mo rito kahit na kararating mo pa lamang.

"Reserved room for Matteo Yuhuico and Clíodhna Samaniego, please?" Iprinisinta ko ang passport naming dalawa ng boss ko at nakangiti namang tinanggap iyon ng receptionist. May itinayp siya sa computer at maya-maya ay ibinigay niya sa akin ang dalawang key card. Nagpasalamat ako sa kanya at naglakad muli ngunit napahinto ako nang makita ko ang dalawang key card na ibinigay niya.

Bumalik ako sa front desk. "I reserved for two rooms," esplika ko.

"I apologise, Ma'am but you only reserved for one deluxe room."

"No, I reserved two rooms." Isinenyas ko pa ang dalawang daliri ko sa harap niya.

But she smiled and turn the computer on me. Lumaki ang mga mata ko nang makita ko ang room na ni-reserved ni Iris. Pumikit ako at huminga ng malalim para kumalma. "Could I please get another room?"

"I'm sorry, Ma'am, but it's peak season here, and nothing is available."

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Is this a joke?

"But we will notice you if there's an available room, Ma'am."

"What's happening?" Biglang sumulpot si Yuhuico sa likod ko.

"Iisang room lang ang ini-reserved ni Iris," mahina kong sabi paglingon sa kanya. Gaya ng reaksiyon ko kanina ay pumikit din siya at huminga ng malalim.

"Get it. I'm so sleepy and tired." Nagsimula na siyang maglakad patungo sa lift. Sumunod naman ako habang hila ang dalawang bagahe namin. At minura ko talaga sa utak ko si Iris nang buksan ko ang de luxe room na inireserba niya para sa amin.

Iisa lang ang kama!

"Don't tell me to sleep in the couch, I won't fit in there." Ibinagsak ni Yuhuico ang katawan niya sa kama at hindi na muling nagsalita pa.

"Hindi porque maliit ako ay sa couch na ako matutulog." Lumapit ako at namaywang sa harapan niya ngunit wala akong narinig na sagot mula sa kanya. Nang tingnan ko siya ay payapa na ang paghinga niya at nakapikit na nang matiwasay ang mga mata niya. Akma ko sana siyang yuyugyugin ngunit naalala kong galing pa siya sa isang meeting kanina bago kami tumulak papunta rito sa South Korea.

Inalis ko ang hindi pa nahuhubad na sapatos sa paa niya at inilapag iyon sa paanan ng kama. Kumuha ako ng hotel slippers at itinabi iyon sa kaniyang sapatos.

I take a look out at the sea view after unpacking our luggages. Some of the guests were partying by the pool, and I could see disco light rays streaming up into the sky. Hindi rinig ang ingay sa kinalalagyan ko ngunit kita ko ang saya sa kanila habang sila ay umiindak.

I used to enjoy going to parties, but not anymore. Ganoon yata kapag tumatanda na.

I went inside to take a shower and I put on my favorite  emerald green g-string edition and a lacy tops. Pinatungan ko iyon ng roba at lumabas na. I turned up the air conditioning so I wouldn't have to take off my robe. Mainit ngunit kailangang rendahan ko pa rin ang sarili ko. Mahirap na.

However, by the time I awoke in the middle of the night, nakalas na ang tali ng roba ko at nakabuyangyang na ang aking katawan. Malakas ang tibok ng puso kong tumingin sa kinaroroonan ng boss ko. Nakahinga ako ng maluwag! Kahit labag sa kalooban ko ay nagpalit na lamang ako ng dala kong pajama.

Morning came and he was still in bed. Kahit na noong matapos akong maligo at magbihis ay naroon pa rin siya.

"I know the bed is cozy, but you have to get up. Limited lang ang oras ng ka-meeting mo," humalukipkip ako sa paanan ng kama ngunit hindi siya natinag. Nanatili pa rin siyang nagtutulog-tulugan. "You will lose billions if you dont make it to the meeting," muli kong sabi. Umibis ako sa tabi niya at bahagya siyang niyugyog ngunit hindi siya nagising. Doon ko napansin ang butil-butil niyang pawis! Kabado kong sinalat ang kaniyang noo. "Sobrang init mo!" sigaw ko.

He opened his eyes slightly and groaned, "Ang ingay mo." Hinila niya ang kumot at ibinalot niya iyon sa katawan niya.

"May sakit ka pala, hindi ka nagsasabi?" angil ko.

"Bakit? Aalagaan mo ba ako?" He murmured, but I could still hear him.

"Paano ngayon 'yan? May meeting ka pa?" Tumingin ako sa relo ko at labinlimang minuto na lang ay magsisimula na iyon.

"As much as I want to stand, I can't. Bumangon na ako kanina at naligo ngunit hindi ko talaga kaya. I thank myself that I still made it to bed."

Kumunot ang aking noo. "So you've seen me—almost naked?"

He chuckled sexily. "Hindi ko naman hinawakan. And I didn't told you to wear those. Ikaw 'tong nagsuot niyon kahit na alam mong kasama mo ako."

Sininghalan ko siya. "I sleep in those clothes. Wala kang pakialam sa mga isinusuot ko."

He breath heavily and turned his back on me. "Enjoy yourself. Your on a holiday today."

"Paano yung ka-meeting mo?"

"I already cancelled it," nanghihina pa rin niyang bulong.

"Pero 'di ba mahirap silang hagilapin at once a year lang ang puwede mong appointment sa kanila?" nag-aalalang tanong ko.

"Wala tayong magagawa, gustuhin ko mang tumayo pero nahihilo ako."

Umibis ako sa harap niya. "Ako na lang. I promise, I will do my best."

"Alright." Hindi man lang siya nagdalawang-isip na sumang-ayon sa sinabi ko. ""You are already aware of the proposal. I'm confident you'll outdo yourself."

Sa sinabi niyang iyon ay parang inihele ang kaluluwa ko. Bago ako lumabas ng kuwarto ay inasikaso ko muna siya at pinakain. I even called Iris to inform her that our boss had fallen ill.

"Alagaan mong mabuti but you must be aware. He's like a kid when he's sick," she said, chuckling on the other line.

Clíodhna Samaniego (Inamorata SERIES 3)Onde histórias criam vida. Descubra agora