Kabanata 2

106 9 3
                                    

I woke up early the next day because I had to be at the airport two hours before our departure.

"Good morning, Miss Clíodhna. I apologise for ringing you at an early hour. I just want to remind you our flight," bati sa akin ni Iris nang tanggapin ko ang tawag niya.

"Yeah, I'm already preparing. Thanks anyway, see you at the airport." Pinutol ko agad ang tawag dahil hindi pa ako nakaliligo. Marami pa akong ginawang seremonyas bago ako lumarga patungong paliparan.

Yamot na mukha ni Matteo ang nabungaran ko, pagkarating ko roon. Aasistehan sana ako ni Iris sa bagahe ko ngunit sinabi kong kaya ko na.

"Kanina pa yan binubugnot," bulong sa akin ni Iris. May hila siyang carry-on luggage habang nakasukbit sa kanang balikat niya ang isang laptop bag. Si Matteo naman ay may nakapasak na air pods sa tenga at walang pakialam sa paligid.

"Baka may LQ sila ng girlfriend niya?" I wildly guessed.

Iris smirked, "I told you, he's single. He's dating some career woman for business purposes not to fling or get laid."

I raises my brows, "Who knows?"

Iris just laughed. We passed through the immigration and went to gate 111. Hindi ko maiwasang tumingin kay Matteo dahil halos lahat ng atensiyon ay nasa kanya. Paano ba naman kasi? He stands out with the crowd. Some of the young girls even steals a photo of him.

Later on, the airport announcer made a public announcement, "Good morning passengers. This is the pre-boarding announcement for flight SQ915 to Singapore. We are now inviting those passengers with small children, and any passengers requiring special assistance, to begin boarding at this time. Please have your boarding pass and identification ready. Regular boarding will begin in approximately ten minutes time. Thank you."

Nagtayuan naman agad ang ilang passengers at pumila. Matteo on the other hand, still has his own world and quite unbothered. He had a stoic face while staring blankly at the large glass panel outside. Kami ang huling pumasok dahil tiyaka lang siya tumayo noong maubos na ang tao sa gate.

It's half past eleven when we touched down the Changi Airport. And to my surprise, we entered a vintage-looking villa. Puti ang pintura niyon at napakalawak. We were greeted by an old woman and assists us through our rooms. Tig-iisa kami ng kuwarto ngunit ang kay Iris ay sa kabilang parte ng villa.

Matapos kong ilagay ang travel essentials ko sa kuwarto ay agad akong naligo. Dahil summer ay nagsuot lamang ako ng emerald green na bestida hanggang lampas-tuhod. Pinaresan ko iyon ng puting sandalyas na flat.

Wala na ang mga kasama ko pagkababa ko. Ang sabi ni Iris kanina habang nasa flight kami ay may katatagpuin daw silang foreign investors sa Raffles Hotel.

Inabala ko naman ang sarili ko sa paglalakad sa likod ng villa. Nakaaanyaya ang huni ng mga ibon at ilang kuliglig kaya nagpatuloy ako sa pagtawid sa tulay na kahoy papuntang Labrador Park. May mangilan-ngilang lovers ang naroon. They are also enjoying the green setting of the area.

Hapon na nang bumalik ako sa villa at wala pa rin sila. The old woman prepared some Thai dishes for me.

"They probably took their dinner outside. You should take yours," sabi niya nang mabungaran niya akong hindi pa rin ginagalaw ang pagkain ko sa kusina.

Oo nga naman... Bakit ko ba sila hinihintay?

Hmp! Gusto mo lang makasalo si Matteo! Kantiyaw ng utak ko.

Napailing na lang ako at sinimulang kumain. The food was so good! I tried the steamed fish, curry chicken and pineapple rice. Though I'm not a fan of spicy meals, sinubukan ko pa rin ang curry nila.

Patapos na ako nang magring ang phone ko. Si Iris!

"Hi, Miss Samaniego. I apologise for calling you late. Have you had your dinner?" ramdam ko sa tono ng boses niya ang pag-aalala.

"Yes, patapos na ako actually." I reach for the table napkin at pinunasan ang aking labi.

"Oh! Sorry ngayon lang kasi natapos ang meeting. Hindi na natuloy yung four hour free time ni boss. Sabi niya, you can present tomorrow."

Natigilan ako ngunit sumagot agad. "Sure, wala naman akong lakad bukas."

"Alright, then it's set." She message me the meeting room number afterwards. Sa kabilang parte lang iyon ng villa kung saan siya naka check-in.

Marahil sa nakarerelax na ambience ng kuwarto ko ay nakatulog ako kaagad pagkatapos kong magshower. Ngunit nagising ako bandang alas dos ng madaling-araw dahil sa uhaw. Nakalimutan kong uminom ng tubig bago matulog.

Bumangon ako at nag-isip kung bababa pa ba ako para uminom. Nanaig ang uhaw ko kaya wala akong choice na naglakad pababa ng kusina. Kumuha ako ng malamig na tubig sa ref.  Habang isinasalin ko iyon sa baso ay naramdaman kong hindi ako nag-iisa roon. Muntik pang madulas sa kamay ko ang babasaging pitsel nang marinig ko ang boses ng hindi ko inaasahang taong naroon.

"Do you usually dress like that?" wika niya sa malagom na boses. Inaninag ko ang anyo niya. He had a glass of rhum in his left hand. Casual siyang naka-dekuwatro sa dilim at marahil ay kanina pa niya ako napansin pagpasok ko pa lang ng kusina. "Are you sleepwalking?" He asked again. "Ni hindi ka nagsuot ng robe o shawl man lang..."

Ramdam ko sa itim niyang mga mata ang pagsuyod niya sa kabuuan ko. I am only wearing an emerald green g-string and lacy tops. He could see my naked behind and bare belly.

Mabilis kong ininom ang tubig sa baso kahit na kalahati pa lang ang nailalagay ko roon. Hindi ko siya sinagot at agad akong umakyat patungo sa kuwarto. Mabilis ang tibok ng puso ko matapos kong isarado ang pinto.

Relax... Hinawakan ko ang puso ko at pilit na pinapakalma iyon. Ngunit nakarehistro na sa utak ko ang uri ng sensual na tingin sa akin ni Matteo kanina.  Mabuti na lang at madilim doon at hindi niya nakita ang pamumula ng mukha ko.

Natulog akong may pangamba sa puso ko.

But I need to present.

Tama!

I will just present. This is purely business.

But I'm afraid I might fall for him this time.

I'm afraid I will still fall for him after all those years.

Clíodhna Samaniego (Inamorata SERIES 3)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें